-14-

3.7K 93 5
                                    




A/N:




Maraming salamat kina: Zeus_9, Athena_9, my_mich05 at jecdungan . At sa lahat ng nagbabasa at nagvovote, thank you!




___________________________________________





Naka-assign na maglinis ng room ang grupo nina Lizzie. Tinatamad ang dalaga kasi manonood pa siya ng basketball ni Rave kaya inutusan niya si Whimper na maglinis for her, kahit hindi nila ito kagrupo.







"Whimper, bakit ikaw ang naglilinis?" Tanong ni Onic habang nag-aayos ng chairs nila kanina. Siya ang leader nina Lizzie sa cleaners.





"May importante kasing ginagawa si Lizzie." Pagtatanggol ni Whimper sa nobya habang nagbubunot ng room.





"Nakita ko siya noong kumuha ako ng black bag, para sa trash, sa faculty room. Nanunuod lang naman sa court ah." Sabi ni Nina habang nagwawalis ng floor.






Medyo natigilan si Whimper. 'Ang sabi ni Lizzie ay masama ang pakiramdam niya kaya nagpatulong ito maglinis? Eh bakit nasa court?' Muni-muni ni Whimper pero hindi na niya isinatinig kasi baka mapahiya ang gf niya.






"Baka akala mo lang si Lizzie." Kahit si Whimper ay nagdududa, hindi niya naman kayang ilaglag si Lizzie.






"Siya talaga iyon, Whimper." Pagsisiguro ni Nina. Patuloy na nagwawalis.






Biglang inakbayan ni Lulu si Whimper kaya napatigil sa pagbubunot. "Sure ka bang gusto ka ni Lizzie kaya ka binoyfriend? Baka naman ginawa niya lang iyon para kawawain ka?" Kulit pa din ni Lulu.






"Ano ba iyan? Masama ang mag-isip ng hindi maganda sa kapwa. Boyfriend niya ako kasi ako ang sinagot niya." Patuloy na pagtatanggol niya.






"Tigilan na natin si Whimper. Kung masaya naman siya kay Lizzie, wala tayong magagawa." Singit ni Onic na ngayon ay nagdidilig na ng indoor plants sa room nila.






"Ok po." Halos sabay-sabay na sang-ayon ng mga ka-cleaners ni Lizzie.






Para kay Whimper ay gusto siya ni Lizzie. Kaya nga magnobyo na silang dalawa kasi gusto siya ni Lizzie, hindi ba?




**





Masayang nanunuod ng laro nina Rave ang magkaibigang Lizzie at Sam. Uwian na at nag-aantay na lang sila ng sundo. Sina Lizzie sana ang maglilinis ng room, ang kaso nakagawa siya ng way para makapag-dahilan kay Whimper, kaya ito ang naglilinis kasama ang kagroup niya.





"Paano mo napapayag si Whimper na siya maglinis in behalf of you?" Nakatingin sa kanyang tanong ni Sam.





"Easy! Sinabi ko lang na masama pakiramdam ko. Alam mo naman iyon, lahat gagawin noon para sa akin." Mayabang na sabi ni Lizzie habang hindi inaalis ang paningin sa paglalaro ni Rave.






"Ikaw talaga! Ang mean mo talaga, eh no?" Comment ni Sam na nakatanaw na muli sa laro.






"Kasalanan ko ba kung madali siyang utuin?" Mayabang na sagot ni Lizzie.






"Ikaw talaga, pero Lizzie..." Bitin na sabi ni Sam at muling tumingin sa kanya.






Napatingin din tuloy siya sa katabing kaibigan. "Pero ano?" seryosong tanong niya.





Bumuntong hininga muna si Sam bago nagsalita. "At least be nice to him. Tandaan mo meroong karma." Seryosong sabi ni Sam.






"Stop that nonsense nga, Samantha! Kailan ka pa naging Madam Auring?" Medyo naaasar na sagot niya.







"Hindi naman sa ganoon. Ang point ko lang huwag mo naman masyadong kawawain si Whimper."






"Sam, aminin mo, may crush ka ba kay Nerdie?" Natatawang tanong niya. For her, Sam is quite funny. Kung papakinggan mo siya ay parang may gusto siya kay Whimper.





"Wala akong gusto sa kanya. Nababaitan lang ako. Try to open your heart, mapapansin mo kung gaano siya kabait." Seryosong sabi ni Sam







"Hindi naman ako charity institution eh." Pilosopang sagot niya.






"Bahala ka nga. Nasa huli ang pag-sisisi."





"Pagsisisi? Psshh..." At parehas na silang nanood muli ng laro nina Rave. Kumaway pa ito sa kanila ni Sam ng mapatingin sa gawi nila.





Pulang-pula si Lizzie kaya nagkunyari siyang nakatungo habang may kinukuha sa bag. Si Sam naman ay halos maihi sa kilig.






Nanalo na naman sina Rave sa laro. Lumapit na ito sa kanila ng matapos na ang game. Ang mga team mates nito ay isa-isa nang nagsisi-alisan.





"Mabuti at nanood kayo. Magbibihis lang ako tapos merienda tayo. Gusto ninyo?" Nakangiting tanong nito sa kanila.





Nakangiting nagkatinginan ang magkaibigan using their tatanggi-pa-ba-tayo-look. Tapos ay humarap kay Rave at parehas tumango. Mag-iinarte pa ba sila eh parehas nilang gusto si Rave?






Nagliwanag ang mukha ni Rave na sasama sila sa kanya. "Talaga? Sige sandali lang, antayin ninyo ako ha?" At nagmamadaling pumunta ito sa locker room.






"Ayiii!!!" Impit na tili ni Sam ng makatalikod si Rave. Inalog-alog pa nito ang balikat ni Lizzie para masiguro na hindi sila nananaginip.





Natatawang sinaway niya si Sam. Nahihiya kasi siyang may mga nakatingin sa kanila. "Stop it. Ha! Ha! Ha!"






"Tawagan natin ang mga sundo natin. Baka sunduin tayo agad eh. " Suggestion ni Sam.





"Si Kuya Driver ko ay pag-aantayin ko na lang. Ang cuttteeee niya talaga, Sam!" Pigil na pigil ang kilig na sabi ni Lizzie. Si Sam naman ay busy sa pagtawag na sa sundo niya.






Ang hindi nila alam, sa hindi kalayuan ay kanina pa nakatanaw sa kanila si Whimper habang nakatago sa likod ng pader. Tapos na silang mag-cleaners sa room nila. Disappointed ito sa nakikita.





"Ang akala ko ba, may sakit siya? Masama ang pakiramdam? Niloloko mo lang ba ako, Lizzie?" Tanong niya na animo'y katabi lang ang kausap.






"Ah baka naman gumaan na ang pakiramdam niya. Siguro ay dinala siya ni Sam sa clinic kanina." Pagkumbinsi pa niya sa sarili.






And what broke his heart ay nang makita niya itong masayang tumayo na. Parang pupunta sa kung saan kasama si Sam at si Rave.






"Saan sila pupunta? Hindi ba't crush niya si Rave. Sasama na agad siya doon ng hindi man lang muna ako pinupuntahan sa room? Boyfriend niya ba talaga ako?" Nilampasan na ng tatlo ang tapat ng room nila. Dirediretso lang si Lizzie kasama sina Rave. Nagtago naman sa poste si Whimper.







**






Dumating sila sa Jollibee food chain sa malapit sa school. Bumaba sila ng kotse. Isa iyon sa mga franchise na pag-aari nila Rave.





Ngiting-ngiti si Sam ng ipagbukas pa sila ng pinto ni Rave. Si Lizzie naman ay pigil na pigil ang kilig. Naunang pumasok si Sam kasunod ang dalawa.





"Anong order ninyo? Ako na oorder, upo na kayo doon." Turo ni Rave sa isang bakanteng upuan.





Sinabi naman ng dalawa ang order nila at umupo na. Hindi na kailangan pang pumila ni Rave. Dirediretso lang ito sa kusina marahil sinasabi sa crew ang kakainin nila.





"Grabe Lizzie, ang gentleman niya noh? At ang bait at yaman pa." Kinikilig na sabi ng kaibigan niya at papikit-pikit pa habang pa-sway-sway ang balikat. Parang nanaginip ng gising.






"Umayos ka nga. Baka mahalata ka." Natatawang saway ni Lizzie.





Naupo na si Rave sa tapat nila at inantay ang order nila. Hindi mapigilang hindi mapasulyap si Lizzie sa kanya. Napaka-gwapo at cool ng itsura nito kahit kagagaling lang sa laro kanina. Lihim na inamoy din ito ni Lizzie kanina sa loob ng kotse. Nasa shotgun seat kasi siya nakaupo kanina.





Kahit galing ito sa pawis ay amoy baby pa rin siya. Parang amoy baby powder kumbaga.





Dumating ang order nila. Magsisimula na silang kumain ng mapansin nilang napatingin si Rave sa may pintuan.





"Menchie!!" Tawag nito sa bagong dating. Napalingon sila at nanglaki ang mata ni Lizzie ng makitang ang Ate niya ang tinawag nito.




"Hello Sis!" Nakangiting bati ng Ate niya. "Hi Sam! Oh Rave bakit kasama mo itong dalawa?" Baling ni Menchie sa mga kasama niya.




"Nanuod sila ng game kaya niyaya ko sila magmerienda pagkatapos. Wala kang kasama? Join us." nakangiting aya ni Rave.




At dahil nag-iisa si Menchie ay pumayag ito sa alok ni Rave na maki-join na sa table nila.




Napatingin siya sa Ate niya. She can't help but envy her. Matalino ito, maganda, at mabait. Medyo may hawig sila pero slight lang. Minsan tuloy naiisip niya, ampon ba siya?





Blahh...




Blahh..





"Ano ba yan, sila na lang nag-uusap?" Bulong ni Sam sa kanya. Para kasing hindi sila kasama. Ang dalawa na lang ang kwentuhan ng kwentuhan.





Hindi naman sumagot si Lizzie at pilit na ngumiti na lang. Alam niyang mali pero naiinis siyang na-overshine siya ng Ate niya. Palagi na lang ganoon. Kahit ang Dad nila ay parang mas favorite ang Ate niya.





Hanggang sa natapos na silang kumain. "Lizzie, magpasundo ka na lang kay Kuya. Naiwan ko iyong USB ko sa dorm ng kaklase ko. Bye!" Kumiss pa ang kapatid niya. Pilit naman siyang ngumiti sa Ate niya.





"Samahan na kita. Sam, antayin ninyo driver nila Menchie ha?" Sabi naman ni Rave. Gusto sanang kumontra ni Lizzie pero baka makahalata sila Rave, kaya tumango na lang siya.





"Bye, Sam!" Paalam ni Menchie.





"Ingat kayo, Ate." Paalam din ni Sam.





Nang makaalis na ang dalawa ay hindi mapigilang hindi malungkot ni Lizzie. Iniwan sila ni Rave para sa Ate niya?




"Iniwan tayo? Grabe ha! Sabagay, hindi naman siya boyfriend natin." Malungkot na sabi ni Sam.






BOOM!




Boyfriend?





Lagot!





"Si Whimper nga pala!" Saka lang naalalang sabi ni Lizzie. Hindi naman siya napansin ni Sam kasi may kausap ito sa cp niya.






"Friend, sorry! Una na ako pinasundo ako ni Mama may bisita daw sa bahay."







"Ok." At tumayo na rin siya. Sa labas na lang siya magpapasundo sa driver niya. Nasa school niya kasi ito pinag-antay.







Nang makaalis si Sam ay malungkot na nag-antay siya. Ang tagal naman ng driver niya, baka nakatulog ito sa kotse.





"LIZZIE!" Napalingon siya at nagulat ng makita si Whimper.




Lumapit ito sa kanya. "Pasabay ha?" sabi nito.





Hindi na siya kumontra. At least may kasama siyang mag-aantay.





"Hindi ka ba magtatanong bakit ako naandito?" Mahinang sabi niya kay Whimper.





"Hindi." Nakangiting sagot nito. She can't help na hindi makonsensya. Wala man lang siyang sumbat na narinig sa fake bf niya. Hindi tulad ng iba na baka ginera na siya.






At least kahit wala siyang gusto kay Whimper ay hindi niya maiwasang hindi bumilib dito. Napakabait talaga nitong tao.





_____________________________________

A/N:




Vote at Comment naman diyan!

Falling For Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon