-3-

6.8K 155 8
                                    



A/N:




Please VOTE & COMMENT. Thank you!

__________________________________




LUNCH BREAK:






"Tara na Lizzie!" Yaya sa akin ni Sam. Lunch break na kasi namin. At tulad ng dati, kami ni Sam ang sabay.








"Tara!" At tumayo na ako para pumunta sa canteen. Pagtingin ko sa upuan ni Nerd eh wala na siya dito.








Mga wala pa namang 2kms. ang layo ng canteen sa room namin. Malaki din kasi ang school namin na ito. Siguro mayaman na ang nagmamay-ari nito?











Along the way papuntang canteen ay hindi mawawala ang maririnig kong bulong-bulungan.










"Ang ganda talaga ni Lizzie."









"May boyfriend na kaya siya?"









"Sana maka-date ko rin siya."









Pero tulad ng dati, kahit anong marinig naming bulungan ay deadma lang kami. At nang makarating na kami sa canteen ay dumiretso na ako sa favorite naming pwesto ni Sam. Umupo ako at si Sam ang pumila. Ganoon kasi ang madalas na gawain namin. Ako uupo lang, at si Sam ang pipili ng pagkain. Tapos bubuhatin iyon ng mga food server papunta sa pwesto namin at iaabot mo na bayad sa kanila.









Naka-upo ako at tumitingin-tingin sa mga students na kumakain.









(>.>)







(<.<)









(>.>)









At nagulat ako ng biglang hinawakan ni Ate Menchie ang balikat ko. "Ay kalabaw! Ate naman eh!" Inis na sabi ko.








"Ha! Ha! Ha! Kung nakita mo lang reaction mo." Tawa ng tawang sabi ng Ate kong lukring. Nasabi ko na ba na dito rin siya nag-aaral? 5th year highschool si Ate dito. Ewan ko ba! Inabot kami ng Grade 7 at 5th year high na iyan. Kainis!









"Bakit ba dito ka na naman samin sasabay kumain?" Naiinis na tanong ko kay Ate.










"Bawal ba? Eh kasi nag-away kami noong friend kong si Jaz." Si Jazmine na nga lang kaibigan ni Ate, nag-away pa sila? Hay naku!







"Bakit kayo nag-away, Ate Menchie?" Tanong ni Sam. Hindi namin napansin na nakalapit na pala siya sa amin. Kasunod ang waitress na may dalang pagkain.









"Kasi nagkagusto sa akin iyong crush niya." Malungkot na sabi ni Ate.








"Tssk... Tssskk. Mahirap naman iyan." Sabi ko. Naawa ako kay Ate. Alam ko kasi na important sa kanya si Jaz.








"Bayaan mo, Teh. Lilipas din iyan. Maliliwanagan din si Ate Jaz." Sabi ni Sam sa tabi ko.








"Excuse me. Para daw po kay Ms. Menchie." Sabay abot ng food server ng tray ng pagkain para kay Ate.









Napakunot ang noo ni Ate. "Kanino galing?" Tanong ni Ate.










"Sa kanya po." Sabay turo nung nagdala ng pagkain sa mesa ikatlo mula sa pwesto namin.









Kumaway naman ang kakamot-kamot ang ulong binatang estudyante sa amin. Gumanting kaway si Ate na nagsabi ng, "Thank you!" ng walang sound.








"Wow! Ikaw na talaga, Ate!" Halos sabay naming sabi ni Sam.









Kumain na kami ng tuloy-tuloy ni Ate Menchie at Sam. Patapos na kami ng may mapansin kaming humahangos na estudyante. Teka? Si Tristan ito ah?







Lumapit siya sa mga kaklase niya sa first section at malakas na sinabi, "Tulungan natin si Whimper!"










"Whimper? Di ba iyon iyong new classmate natin? Iyong seatmate mo?" Tanong ni Sam sa akin.







"Oo. So?" Deadmang sabi ko.







"Tapos na tayo hindi ba? Tara tingnan natin." Tumayo na si Ate. Hay naku ang Ate ko. Kelan pa naging chismosa ito?








Malalaki ang hakbang ni Ate kaya wala kaming choice ni Sam kundi ang makihabol sa kanya. Pagdating namin sa may court ay nakita namin ang makapal na tao. Madali naman kaming nakasingit kasi iba na talaga magaganda. Ha! Ha! Ha!









Nasa unahan na kami ng mga usisero kaya kitang-kita ko ang itsura ni Whimper. Gulo-gulo ang buhok nito at ang dumi na ng uniform. May dugo pa sa gilid ng bibig. Habang iyong 2 ata niyang kalaban ay sinusuntok naman ng mga bagong dating na dati niyang classmates sa 1st section.








"Sana mag-tanda ka na! Lumugar ka sa dapat mong kalagyan." Sabi ni Eric na ang alam ko ay 4th section ito sa batch namin. Siya ang madalas na escort sa room nila kaya kilala ko. Cute sana kaso mayabang ito.









Subsob na si Whimper kaya hindi na ito nakasagot. Pero nang mag-angat ito ng ulo ay nagkatinginan kami. Hindi ako nagreact pero nakita ko ang sakit sa kanyang magang mata. Pilit siyang tumayo at iniaabot ang kamay sa aking harapan para tulungan ko siyang tumayo. Tinitigan ko lang siya.









"Tulungan mong tumayo, Lizzie." Bulong at siko sa akin ni Ate. Aabutin ko na sana ang kamay niya kaso, bigla siyang napasubsob ulit. Tatadyakan pa sana siya sa likod kaso dumating ang guard. Mabuti na lang!










"Tara na." Yaya ko kay Ate at Sam at iniwan ang nakatingin pa rin sa akin si Whimper. Si Ate ay umakyat na sa floor nila. Kami ni Sam ay pumunta na sa classroom.







"Bakit hindi mo tinulungan? Kawawa naman. Seatmate mo pa naman iyon." Sabi ni Sam sa akin nang papasok na kami ng room.








"Pabayaan mo siya, nakipag-basag ulo eh. Madamay pa tayo." Naiinis na sabi ko kay Sam. Ayoko kasi ng kukulitin ako sa bagay na ayaw ko.








"Sorry. Naawa lang ako sa tao." Sabi ni Sam.







"Enough." Inis na sabi ko.







Paglapit ko sa chair ko may nakapatong na chocolates na nasa box at may ribbon pa."Kanino galing ito?" Tanong ko kay Sam.







"Malay ko. Magkasama tayo di ba?" Sagot niya. Oo nga naman. Bakit ba siya pa tinanong ko? Pagikot ko ng box ay may nakita akong card. Computerize ang sulat sa card.









To: Lizzie,






Smile.







From: Doraemon









"Doraemon? Sino yun?" Tanong ko kay Sam. Nagkibit balikat lang si Sam sa tanong ko.










'May bago na naman akong admirer? Sino kaya ito?' Tanong ko sa sarili ko.





A/N: Si Ate Menchie ---- >>>)

_____________________________


A/N:





Vote please & comment. Pasok muna ako...

Falling For Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon