-9-

3.9K 96 8
                                    

A/N:

Thank you sa support! VOTE & COMMENT please..

_________________________________________

"Good morning, Lizzie!" Masayang bati ni Whimper pagdaan ni Lizzie sa pathway ng school. Hindi naman ito pinansin ni Lizzie at nagpatuloy ng maglakad papunta sa room.

"Lizzie, ako na magdadala ng bag mo." Kulit ni Whimper na sinundan pa pala siya.

Tumigil sa paglalakad ang dalaga. Shoulder bag ang dala niya tapos dadalhin ni Whimper? Papogi ba ito? "Get lost!" Mataray niyang sabi sabay irap. 

PAGDATING SA ROOM:

Wala ang first subject teacher nila kaya nagkukwentuhan lang ang mga bata. Si Lizzie eh kasama si Sam na nakaupo sa may malapit sa pintuan ng room. At tulad ng usual, pinuputakte na naman sila ng mga classmates nilang boys.

"Ano na, Lizzie? May nabuo na ba?" Tanong ni Paolo referring sa sayaw nila ni Whimper.

"Tss.." Tanging naisagot ni Lizzie. Hindi niya talaga feel kausap itong si Paolo. Napaka-presko!

"Si Lizzie pa? Sa galing niyang sumayaw, kaya niyang dalhin si Whimper." Sabi ng kaklase nila at Vice-President ni Whimper na si Onic.

"Talaga! Si Bez pa.." Sang-ayon ni Sam.

"Eh kasi naman ayaw pang paltan ang partner niya." Kulit ni Paolo.

"Eh bakit ba? Gusto nga niya iyong may challenge." Pagtatanggol ni Sam kay Lizzie na walang emosyong nakasandal lang sa upuan.

"Hindi kayo mananalo dahil bano ang partner mo." Sabi pa ni Paolo na puno ng kayabangan.

Sasagot na sana ang naiiritang si Lizzie ng dumaan si Whimper. Mukhang kadadating lang nito galing sa labas ng room.

Falling For Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon