-15-

3.7K 89 2
                                    






A/N:



Marami pong salamat sa lahat ng nagbasa nito at patuloy na nagbabasa. Pavote at comment po please.


Salamat!


___________________________________________________



Kumalat na sa school nila ang balitang magkasintahan na si Lizzie at Whimper. Madami ang natatawa, hindi sang-ayon, at hindi makapaniwala. Pero magmakagayun man, deadma lang si Whimper dahil masaya siya. Si Lizzie naman ay hindi maipagkakailang nagbenefit din sa fake relationship. Dahil nabawasan ng 1/4 ang mga nangungulit sa kanya.




Tuwing umaga ay nakasanayan na nila na inaabangan si Lizzie ni Whimper sa parking lot para sabay silang papasok ng room. Ito ang nagbibitbit ng mga gamit ng dalaga.




"Good morning, Lizzie!" Masiglang bati ni Whimper sa kanya. As usual, nakaabang na naman ito sa parking lot.





Tumango lang si Lizzie at iniabot ang backpack niyang pink kay Whimper. Naglakad na sila papasok ng school. Napapatigil lang sila kapag may mga nag-aabot ng gifts, chocolates, atbp. kay Lizzie. Kada bigay naman ng admirers ni Lizzie ay inaabot niya kay Whimper. Ang martir na si Whimper ay binibitbit naman ang bawat ibigay niya.






"Ang dami mo pa rin admirers kahit alam na nilang boyfriend mo ako." Mahinang sabi ni Whimper na nakasunod sa likod niya.





Huminto naman si Lizzie at lumingon kay Whimper. She gave him her questioning look. Ang akala naman ni Whimper ay nagalit ito dahil nagreklamo siya.






"I'm sorry, Lizzie. Hindi naman sa nagrereklamo ako. It's just that, parang nakakalalaki kasi sila." Nakatungong sabi nito. Hindi niya kayang makipag-titigan kay Lizzie. Natatakot siya na hiwalayan siya nito kapag napikon sa mga hinaing niya. Kaya kahit nagseselos siya ay tinitiis niya.





Humakbang si Lizzie palapit kay Whimper. "Bakit mo kasi binibitbit?" Walang emosyong sabi nito.






Napataas ang paningin ni Whimper. Nakatitig kay Lizzie. Tinitingnan niya kung seryoso ito sa tanong o iniinis lang siya nito. "Eh kasi inaabot mo lahat sa akin." Kinakabahang paliwanag ni Whimper.






"Bakit hindi mo itapon kada abot ko sa'yo? Sinabi ko ba sa iyong gusto ko ang mga regalong iyan?" Emotionless pa ring tanong ni Lizzie.





"Ganun ba? Akala ko kasi...." Hindi na pinatapos ni Lizzie ang sasabihin ni Whimper.





"Ngayon alam mo na? Iyong mga tingin mo magugustuhan ng kambal ang tanging huwag mong itapon at ibigay sa kanila bilang pasalubong." Bilin ni Lizzie. Natutuwa kasi siya sa kambal na kapatid ni Whimper palibhasa bunso siya.





"Sige." Sagot ni Whimper na titig na titig pa rin kay Lizzie. Napangiti si Whimper. Pakiramdam niya ay gusto talaga siya ni Lizzie kasi importante dito ang nararamdaman niya.




"May sasabihin ka pa?" Putol ni Lizzie sa pagmuni-muni niya.





"Wala na."





"Tatayo na lang tayo dito at titigan mo ko? Halika na." Sabi ni Lizzie at hinatak si Whimper sa laylayan ng polo nito.





Sumunod naman si Whimper at napangiti. Nang dumaan sa basurahan ay itinapon niya ang mga bigay na kung anu-ano kay Lizzie maliban sa chocolates. Pagkatapos ay sumunod na siya kay Lizzie at pumasok na.





**





"Antayin mo ako dito. Pinapatawag lang ako ni Miss Tessa sa office." Bilin niya kay Whimper. Nakasanayan na rin nila na sabay silang umuwi. Nakikiangkas sa kotse ng mga Zacarias lagi si Whimper. Kahit naman fake ang relationship nila, itinuturing na rin itong parang totoong bf ni Lizzie.





"Sige. Ingat ka ha." Nakangiting turan ni Whimper.




"OA mo! Sa faculty room lang eh mag-iingat?" Naiiling na sabi niya at iniwan ang kakamot-kamot sa batok na si Whimper.





Papunta sa faculty room si Lizzie. Pinatatawag siya ni Miss Tessa dahil may ibibilin itong gagawin nila bukas sa P.E. Hindi daw kasi makakapasok si Tessa kasi may seminar ito.




Paliko na siya sa pasilyo ng mapahinto siya at nagtago sa nag-uusap. May narinig kasi siyang pangalan.





"Hindi mo ba alam na si Ms. Ria Zacarias na talaga may-ari nito?" Tanong noong isa. Kaya siya napahinto ay dahil narinig niya ang pangalan ng Ina.




"Akala ko sa mga Choi ito?" Teacher 2.





"Hindi na. Ipinamana na noong bago namatay kay Ms. Ria." Teacher 1.





"Eh bakit abogado namamahala?" Teacher 2.





"Kasi ayaw ng asawa niyang si Sir Christopher Zacarias na may masabi sa kanya. Kaya abogado ang namamahala para daw pagka nasa tamang edad na ang anak niya kay Sir Justine eh ililipat na sa tagapagmana ng mga Choi ang paaralan." Teacher 1.




Hindi na kinaya ni Lizzie ang natuklasan kaya tumakbo siya pabalik sa bench na pinag-iwanan kay Whimper.





'Ria Zacarias? Christopher Zacarias? Magulang ko iyon ah? Justine Choi na may-ari ng school, may anak kay Mama ng buhay pa ito? May affair si Mama na hindi alam ni Papa? Sino ang tunay na tagapagmana ng mga Choi? Hindi kaya......' Naglakad na lang siya kasi nagmumuni-muni siya.




Napahinto siya sa paglakad at nanglaki ang mata sa narealize niya. 'Si Papa laging si Ate Menchie ang pinapaboran. Si Ate Menchie ang paborito. Hindi kaya..... AKO ang anak ni Mama sa naging kabit niya??' At sa napagmunimunian niya ay hindi niya napansing nagtuluan na ang mga luha niya.




'Anak ako sa labas?' Napahagulhol na siya ng tuluyan! Hindi niya kalain na may kabit ang Mama niya maliban sa kinilala niyang Ama. Tapos siya pa ang naging bunga.





'Alam kaya ito ni Papa Tope?' Tanong niya sa sarili niya at umiiyak na tumakbo ng muli papunta kay Whimper.





**



Nagulat naman si Whimper ng bigla siyang yapusin ng umiiyak na si Lizzie. Nagbabasa kasi siya ng mga notes niya kanina. First time nilang nagkaroon ng body contact kaya nabigla talaga siya!




At ang makita itong umiiyak? Parang dinudurog puso niya sa awa sa nobya. Niyakap niya na rin ito. Ibinigay ang panyo niya. At nang medyo humina na ang pagiyak nito ay inilayo niya ng konti ang mukha nito sa kanya habang yapos pa rin ni Lizzie ang bewang niya.





"Napagalitan ka ba ni Ms. Tessa?" Concerned na tanong niya.





"H-hindi." Sinisinok na sagot ni Lizzie in between sobs.




"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.




"Wala..." At muli nitong isinubsob ang mukha sa dibdib niya.





"Sige, hindi na kita kukulitin. Halika na, baka naandyan na ang driver mo." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ni Lizzie.





"Pwe-pwede bang sa inyo a-ako umuwi? Ayokong umu-umuwi sa amin." Pakiusap ni Lizzie habang patuloy ang pagtulo ng mga luha.




"Baka mag-alala ang magulang mo." Hindi makapayag na sabi ni Whimper.





"Please?" Pakiusap ni Lizzie at muli ay yumakap ng mahigpit.






Hindi kayang ipagtabuyan ni Whimper si Lizzie sa ganitong estado. Nagaalala siyang kung hindi siya papayag eh baka sa iba pa ito matulog at mapahamak. At least sa kanila, sigurado siyang safe ang nobya.






"Halika na. Papahatid ba tayo sa amin?" Tanong niya sa dalaga.






"Ayokong makita ni Kuya Driver kung saan ako pupunta. Magcommute tayo at doon tayo sa backgate dumaan." Sabi ni Lizzie ng kumalas na ng yakap at pinahid na ang kanyang sariling mga luha.





"Baka magalit ang magulang mo. Maglalayas ka ba?" Nag-aalalang tanong niya kay Lizzie.




"Oo. Please? Kung ayaw mong magtago ako sa inyo, kina Sam o Rave na lang ako pupunta." Mahinang sabi ni Lizzie. Tatalikod na at binitbit na ang sariling bag na nasa ibabaw ng bench. Parang ubos na ang lakas niya.





"Bahala na nga! Halika na. Sabihin mo sa akin sa bahay kung anong nangyari ha?" sabi ni Whimper. Inakay na ang tulalang si Lizzie palabas ng backgate ng school nila.





Sumakay sila ng jeep. Naawa siya sa dalaga dahil alam niyang hindi ito sanay na mag-commute ng ganito. Nakatakip pa ang ilong ng panyo habang nasa byahe.





Naglalakad na sila papasok sa lugar nina Whimper na katabi lang halos ng subdivision nina Lizzie. Siya na ang may bitbit ng bag ng gf niya. Hindi niya maikakailang may malaking problema. Bakas sa mukha nito ang matinding kalungkutan.




At dahil 5:00 pm pa lang naman, may naisip siya na baka makakatulong para maglinaw ang utak ni Lizzie.




"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Lizzie kasi sa ibang direction siya naglalakad kaya napilitan itong sumunod.




"Sa Park namin dito. Halika na." Yaya ni Whimper at hinatak na sa siko si Lizzie.




Umupo sila sa tig-isang swing ng dumating sila sa park. Tiningnan ni Lizzie ang paligid. May mga monkey bars, sea-saw, at slide sa maliit na parke. Katabi nito ang court.




"Whimper, anong gagawin mo kung malaman mong ampon ka lang ng kilala mong Ama?" Nagulat si Whimper sa tanong ni Lizzie. Nagtataka kung anong ampon ang sinasabi nito.




"Ampon? Sino? Ikaw?"




"Oo."



"Ha?? Sinong may sabi?"




"Hindi sinasadyang narinig ko." At napatungo si Lizzie habang nilalaro ang sariling mga daliri.





"Matutuwa ako. Biruin mo, kung hindi ko pa nalaman sa iba, hindi ko mahahalatang ampon ako? Ibig sabihin noon, mahal ako ng kinilala kong Tatay." Paliwanag ni Whimper sa nararamdaman niya.





"Ganoon ba iyon?" Napalingon si Lizzie sa nakatitig sa kanyang si Whimper.





"Oo. Biruin mo, kahit ampon ako ay binigyan ako ng masaganang buhay? Hindi ako nakaranas ng hirap dahil sa aking Ama-amahan?" Dagdag pa ni Whimper.




"Siguro nga ay maswerte ako. Pero anong mararamdaman mo kung matuklasan mong nagka-affair pala ang iyong Ina kaya ka naging anak sa labas?" Malungkot na tanong ni Lizzie kay Whimper.





"Alam mo Lizzie, mahirap manghusga sa iba. Ang pinaka-maganda ay kausapin mo ang iyong Mama. Tanging siya lamang ang may alam ng naging dahilan niya para mangyari ang bagay na yun." Matured na paliwanag ni Whimper.




Wala ng pag-uusap pang nangyari sa kanila. Nanatili silang nakaupo at nanonood sa mga batang paslit na naglalaro. Si Lizzie naman ay nag-iisip ng mabuti kung paano ang gagawin niya sa natuklasan.




Nag-ring ang fone ni Lizzie. Naka-register ay pangalan ng Mama niya. Ibig sabihin ay tinatawagan na siya. Tinitigan lang niya ang fone na ring ng ring.




"Sagutin mo." Sabi ni Whimper sa kanya.





Pero pinatay ni Lizzie ang fone. "Ayoko! Ayoko muna silang makausap at makita. Niloko nila ako, sana hindi nila tinago ang totoo sa akin. Ang sakit na sa iba ko pa nalaman!" Naiinis na sabi ni Lizzie.




Napailing na lamang si Whimper. "Baka mag-alala ang parents mo kapag hindi ka umuwi." Concerned na sabi ni Whimper.




"Whimper, please? Ayokong umuwi muna. Sa inyo muna ako hanggang magliwanag ang utak ko. Pakiusap. Please?" Pakiusap ni Lizzie.





Hindi na tuloy makapag-isip ng tuwid si Whimper dahil sa pagsusumamo ni Lizzie. Nag-iisip siya kung paano niya ipapaliwanag na sa kanila matutulog si Lizzie. Kung hindi naman siya papayag, baka kung saan ito pumunta. Bakas sa tono ng boses nito na desidido itong huwag umuwi ngayong gabi. Alam niya kung gaano katigas ang ulo ng nobya niya.






"Lizzie? Whimper?" Sabay silang napalingon ni Lizzie sa nagsalita.






_____________________________



A/N:



Sino ang nakakita sa kanila? VOTE & COMMENT please? Thanks!

Falling For Miss PerfectWhere stories live. Discover now