-4-

5.8K 143 7
                                    

A/N:

Sana magustuhan ninyo ito. Paki VOTE & COMMENT! Thanks po!

______________________________

 -4- SI RAVE

Nagsimula na ang afternoon class pero wala pa rin si Nerd. Siguro ay pinaparusahan pa sila sa Guidance Office. Pero ang sugat kaya niya ginamot na? Puro halos introduce yourself ang peg ng mga teachers namin.

At nang 2nd to the last subject eh pinagsulat lang kami ng name sa 1/8 pad paper tapos ay tinapos na ang class. Kaya ang ginawa namin ni Sam ay nagbihis na muna kami para sa last subject. P.E. kasi ang last subject namin.

Pagkabihis ay nagpunta na kami ni Sam sa covered court at tumambay. 1 hour pa kasi bago ang last subject naming PE. Kasalukuyang nagpapractice ang varsity ng basketball team namin. Wow! Kapag sinuswerte ka nga naman. Andito ang crush kong si Rave Louise Villaflor!

Si Rave, 17 years old at ka-batch ni Ate Jaz. Solong anak ng may-ari ng dalawa sa franchise ng Jolibee sa lugar namin. Captain ball si Rave, gwapo, matalino, at mabait. At higit sa lahat ay kabatian ko siya.

Pigil ang ngiti ko ng makita kong naka-3 points si Rave. Ang galing-galing talaga niya. Ang kaso iyong goal na nasa harap namin ay sa kalaban nila. Ang kanila ay nasa opposite ng court. Kainis naman oh! 

"Go Rave!" Tili ni Sam kaya napatingin tuloy siya sa amin. Nang makita niya naman kami ay kumaway siya at ngumiti. Si Sam naman ay kumaway na akala mo eh wiper ng kotse ang kamay! Hahaha! Pero ako eh tumango lang.

"Sam, behave naman. Baka mapigtas ang p@nty mo diyan sa sobrang kakatalon sa pag-shoot ni Rave." Pang-aasar ko kay Sam.

Tumingin naman sa akin si Sam ng death glare niya. Ang cute talaga nitong kaibigan ko kapag ganito ang ginagawa niya. 

"Hindi napipigtas ang Victoria's Secret, friend." Sabi niya sa akin. Habang ako ay pinipigil na matawa sa reaction niya.

Nabalik  ang attention namin ng mapunta na sa kalaban ang bola. Nagtakbuhan na sila palapit sa net sa harap namin. Ang galing ni Rave dahil nablock niya ang dapat ay shoot na tira ng kalaban. At bago sila tumakbo papunta sa kabilang net ay tumingin pa sa akin si Rave at kumindat.

Falling For Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon