PILYO 32

7K 91 5
                                    

"So anong plano?" tanong ko kay Mina, nakatingin lang kaming lahat sa kanya habang abot tenga ang ngisi nito

"Simple lang, kokolektahin natin ang lahat ng mga flings, boyfriends o ano mang chururut meron yang Leanang iyan bwahahaha" parang witch lang kung makatawa eh

"Mukhang bitter ka pa rin kay Leana at gustong gusto mong makaresbak huh" asar ko, agad naman akong pinandilatan ng mata nina Mina at Andeng. Si Port, deadma lang.

"Mina, paano natin malalaman kung sino yung mga naging flings, bf's o chururut ni Leana?" singit ni Andeng

"Good question!" sabay apir sa girlfriend ko "Ang galing mo talaga!" kurot sa pisngi

"Napaghandaan na namin yan! Ehemm ehemm...Port! Ilabas ang mahiwagang kasulatan!" at dumakma ng isang pirasong papel si Port sa kanyang backpack as always. Pinaglihi ata ito kay Dora at palaging handa hindi naman na ako nagulat dahil parati ko ng nasasaksihan ang ganitong panggugulat. Iniabot na ni Port sa amin ni Andeng yung papel at na-amuse kami sa dami ng pangalang nakalista doon.

"tsk tsk tsk...mas lalo tuloy akong naaawa kay Jhax" komento ko, pailing-iling nang napansin kong nakasulat ang pangalan ni Port sa listahan "Port nakasulat pangalan mo oh!" Nagulantang si Port at agad na inagaw sa akin yung papel. Tinignan ko si Mina na nakataas ang kilay at halatadong siya ang nagsulat ng pangalan ni Port.

"Hanggang ngayon ba Mina?" tanong ni Port

"Well, hindi naman kasi ako sure kung ano talaga meron kayo noon, eh di sa chururut ka kasali"

"Ano ba kasi yang chururut na yan?" singit ko

"Ewan ko? Binuo ko lang" she flips her hair

"Sya sya, mabalik na tayo sa plano. Paano natin hahanapin ang lahat ng iyan?" sumingit ulit si Andeng

"Yung kalahati niyan ay nakontak na namin yung iba hahanapin niyong dalawa at sasabihing nais makipagkita ni Leana sa kanila. Take note dapat ang pagkakaalam nila ay isahan lang ang ime-meet. So kapag nagkita-kita ang lahat ng iyan ay... "

"Lagot si Leana!" pantatapos ko

"Perfect! You got 100 points!" palakpak ni Leana "Hindi ka naman pala tanga, matalino ka rin pala hahahaha"

"Keandra," tumingin ako kay Andeng na nakakuyom ang palad

"Ano?"

"Pwede ko bang supalpalin ang kaibigan mo kahit isang beses lang?" tumawa lang si Andeng

"Bro, pagpasensyahan mo na ganyan lang talaga si Mina" depensa ni Port

"Pagsabihan mo yan kundi yan ang uunahin kong resbakan kesa kay Leana" pambabanta ko

"Like always isip...bata!" bumanat pa si Mina eh

"Tama na, tara na Rhino at hahanapin na natin yang mga nasa listahan" pang-aawat ni Andeng. Buti na lang at meron si Andeng kundi ay rinesbakan ko na si Mina kahit nandiyan si Port. Pagkatapos nun ay inisa-isa namin ni Andeng ang mga pangalang nasa listahan. Buti na lang at kompleto ang impormasyon katulad ng whole name, contact number at address kaya hindi kami nahirapan hanapin sila. Syempre sinunod namin yung utos ni Mina na palabasin na gustong makipagkita sa kanila ni Leana, privately. Si Andeng sa kalagitnaan ay nakaramdam ng guilt kaso pinilit ko siya na para ito kay Jhax at dumating ang araw na pinakahihintay.

Ewan ko ba kung anong nakain ni Mina at kung anong nakain din namin at napasunod niya kaming lahat na magsuot ng camouflage uniform with matching dahon-dahon para daw hindi kami makita. Nakatago kaming apat sa isang bush, parang engot lang. Natatawa na lang ako na pati si Andeng ay napasunod din, pero cute naman siya kahit mukha kaming sira-ulo dahil marami na rin nakakapansin sa amin. Panay ang tingin nga ng tao sa amin. Si Mina? Hayun concentrated sa pagmamanman na may dalang binoculars pa tsaka may pito pa na nakasuot sa leeg niya. Ewan ko kung anong panggagamitan niya.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon