PILYO 18

9.8K 129 9
                                    

"Ang gulo mo rin ano?" sabay bato sa akin ng magazine ni Jhax

"Anong magulo dun?" napa-pout ako

"Sabi mo tutulungan ka naming manligaw, eh bakit ngayon pinagpipilitan mo sa amin na dapat mainlove siya sa iyo" napakunot yung noo niya

"Simple lang naman huh! Dapat hindi halatang nanliligaw ako at dapat magustuhan niya ako" napakunot-noo na rin ako, hindi kasi kami magkaintindihan nitong mga kaibigan ko. Si Port hayun walang pakialam, nakatutok lang sa PSP.

"Heto meryenda muna" at linapag ni Ma'am Guidance sa mesa ang juice at sandwich. Agad namang kumuha si Jhax ng sandwich at sinubo ito. "Hmmm... Ang sarap ng bacon!" kumikislap ang mata niyang nagsabi nun. Parang sa patalastas lang. "Aray ko!" reklamo ni Jhax dahil pinalo siya sa ulo ng magazine ni Ma'am Guidance.

"Para saan yun ma'am?" napasungo si Jhax. Tahimik lang kami ni Port, mahirap na at baka mapalo din kami

"Pangdidisiplina ko sa inyo! Kung hindi ko lang alam na mabubuti kayong bata ay sinuspend ko na kayong tatlo" yan ang gusto namin kay Ma'am Guidance. Kahit parati kami sa office niya ay alam niya na may ginintuang puso naman kami. "O sya, magusap-usap na kayo" at umupo na si Ma'am

"So balik tayo sa iyo Rhino, in short gusto mong i-seduce si Keandra?" tumango naman ako. Napabuntong-hininga si Jhax "Bakit di mo sinabi agad!" pumalakpak siya at tumayo ng tuwid si Port

"Port! Ilabas ang sikretong papeles" dumukot naman sa bag si Port at may linabas na isang papel.

"Ano yan?" nginuso ko yung papel na ngayon ay nasa kamay na ni Jhax

"Ano pa eh di yung kasulatan kung paano mang-seduce ng babae!"

"Meron kayo niyan?" nanlaki ang mga mata ko. Bilib na talaga ako sa pagka-boyscout ng dalawang ito.

"Ahuh ahuh! And everything you need is all written here" nakangisi si Jhax. Ilinapit nito sa akin yung papel at nang aakmang kukunin ko na sa kanya ay tsaka niya naman ito binawi.

"Ano na naman?"

"Kailangang mong i-promise na huwag ipagkalat ang sikretong nakapaloob diyan" seryoso ang mukha ni Jhax. Tumango na lang ako at hinablot ko na ang papel at agad binasa ang laman nito. Ilang minuto din na nagmuni-muni ako tungkol sa mga nakasulat dun.

"So kailangan kong iparamdam ang presensya ko palagi kay Andeng?" tanong ko

"Yeah that's right! Yan ang unang step"

"Eh parati kaming nagkikita"

"Di maganda, basta gawin mo yan" sabay tungga sa juice si Jhax. Huwag niyo ng tanungin kung anong ginagawa ni Port at naka-concentrate na naman sa PSP.

*****

Ang tagal namang lumabas ni Andeng oh. Kanina ko pa siya hinihintay sa labas ng gate nila para magsabay na lang kami pumunta ng school. Dapat kasing iparamdam ko sa kanya ang presensya ko palagi. Yun ang unang nakalista sa sikretong papel ni Jhax. Bumukas ang pinto at humalik sa pisngi ni Tita si Andeng para magpa-alam. Nataranta naman ako, medyo lumayo ako ng kaunti sa gate nila at nang papalabas na siya ng gate ay tsaka naman akong nagpanggap na naglalakad papalapit sa kanya.

"Oh! Keandra, pupunta ka sa school?" syempre umarte ako na parang nabigla

"Oo, obvious naman di ba?" pilosopo din pala tong babaeng ito. Papalagpasin ko muna ngayon since nagpapa-good shot ako.

"Pupunta din ako sa school...hehehe...sabay na tayo gusto mo?" smile at pilit inilalabas ang dimple.

"Hmmm"

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon