PILYO 2

21K 289 48
                                    

Nagising ako ng malakas ng tawanan na alam ko na agad na galing sa salas namin. 

"Urghh" I grunt sabay yakap kay Angelina Jolie nang napansin kong medyo mabaho na rin si Angelina Jolie. Hindi pa kasi nalalabahan, mga ilang linggo na rin.

"Hahaha!" Lumakas pa ang tawanan sa labas kaya naman napabalikwas na ako at napaupo sa may higaan sabay tingin sa salamin. Vane din ako, namana ko lang sa tatay ko. Ui wala na yung marka nung mga sampal! Kapag makapal nga naman ang mukha mo eh noh? Ngumiti ako, hindi na rin masyadong masakit kaunting kirot na lang.

Narinig kong tumawa ang Lola ko tapos meron pang hindi pamilyar na boses akong narinig. Sino ba yun? Umagang-umaga eh parang may party-party sa bahay. Tumayo na ako sabay tingin tingin ulit sa salamin. I'm so sexy! Naka-boxer shorts lang kasi ako. This is my usual sleeping attire, mainit kasi at mas presko kung naka-boxershorts ka. Mas disente nga ako kung ikokompara ko sa Pinsan kong si Jay na naka-brief kung matulog.

Labas na ako sa kuwarto na nagkakamot ng ulo. Hikab dito,hikab doon. Nang dinilat kong mata ko nakita ko naman ang nag-iisang babaeng pinsan ko panay ang tingin sa akin ng masama at parang nginunguso na magbalik ako sa kuwarto. Parang hindi naman ito nasanay sa akin.

Teka! Parang nawala ang tawanan huh? Liningon ko ang paligid. Si Lola naka-simangot at masama din ang tingin. Tinignan ko ang katabi. Ui! Tsinita! Magandang pang-gising. Maganda siya at may mahabang buhok na straight na straight.

Ching! May naisip na naman akong kalokohan.

Nagkibit-balikat ako at nakita ko ang babae na titig na titig sa akin. Siguro nagandahan siya sa katawan ko. Teka nga...hmmm....

Tinaas ko ang dalawa kong braso sabay flex para maipagmayabang ang muscles ko. Di pa ako nakuntento ginaya ko yung mga nakakasabayan ko sa gym na nagpopose sa salamin kalimitan na parang sumasali sa bodybuilding contest. Ginaya ko rin yun. Nakita ko naman pinipigil ang tawa ng babae sa harap ko nang...

"Aray ko!" binato na pala ako ng tsinelas ng Lola

"Rhino anong kalokohan ba ang naisip mo na naman at parang may show ka pa sa bisita natin!" bulyaw ni Lola

Linapitan ko si Lola sabay yakap "Ay! Lola huwag kayong magsisisigaw umagang-umaga, papangit ang lovey dubs ko niyan!" sabay halik sa pisngi ni Lola ng mga 30 seconds

"Muwah!" with sound effects pa. Tumingin ako sa babae sabay nginitian ko siya ng pinakacute na ngiti ko. Tumawa naman siya as in yung may tunog.

"oh tignan niyo napatawa ko pa bisita natin!" 

"Si Keandra yan!" madiin na pagpapaalam sa akin ni Lola

"Huh?" pinanlakihan ko ng mata si Lola sabay linipat ang tingin sa babae.

Si Andeng Bansot ito? Bakit iba ang hitsura niya sa pagkaka-alala ko? Nagpa-plastic surgery ba ito?

"Si-si Andeng Bansot ito?" tinuro ko yung babae. Hindi pa rin ako nakukumbinsi.

"Shhhh! tumigil ka nga diyan naririnig ka!" siniko ako ni Lola sabay tingin ulit sa babae. Hayun di na maipinta ang mukha. Inirapan niya ako! Ah si Andeng Bansot nga ito! Yung Irap na yun, yun yung kalimitang irap niya kapag inaasar ko siya nung bata pa kami. Masarap lang talagang mang-asar lalo na kung pikunin siya.

"Sya sya di ba may pasok ka pa?" tanong ni Lola. Tumango lang naman ako sabay dahan-dahang iniwanan si Lola at si Andeng. In fairness, her looks is just my type pero di ako madaling ma fall kaya parang wala lang ito sa akin.

*****

Pagpasok sa school, nag-meet agad ako at ng mga mokong kong bestfriends. Nandiyan si Jhax na mahilig kumanta. Ang kuwento niya ay nung buntis daw ang nanay niya ay mahilig itong maglaro ng jackstones kaya Jhax pangalan niya. Di naman ako naniniwala sa kuwento ng ungas na ito kasi kalimitan hindi mo alam kung totoo ba yung mga kuwento niya o gawa gawa lang. At yung isa naman ay si Port, short for Portuges Maitim. Yan, may sariling mundo yan.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon