PILYO 13

11.4K 149 6
                                    

"Finish!" ang laki ng pagkakangiti ko habang tuwang tuwa ako at sa wakas nagawa ko na rin ang matagal ko ng gustong gawin. Pinatay ko na si Anabeth (desktop) tsaka ako lumabas sa kuwarto nang sinalubong ako ng parang nasisiraan na si Rina. Parang kiti-kiti ito at hindi mo alam kung may makati ba sa kanya dahil panay ang pagkiskis niya ng mga paa at nakatingin pa sa taas habang hawak-hawak nito ang mga namumulang pisngi.

"Kyaa! Ang gwapo talaga ng bisita ni Ate Keandra!" tili pa nito. Pero teka may bisita si Andeng? Agad kong naalala yung hukluban na hilaw na lumpiang iyon. Nakabusangot kong linapitan si Rina.

"Oy Rina anong nangyari sa iyo at para kang inaatake ka ng epilepsy diyan huh?" binigyan ko nga siya ng pinakamasamang irap ko.

"Kuya yung bisita kasi ni Ate Keandra sobra as in sobrang -" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito

"Kulay Hilaw?!" naniningkit na tanong ko

"Maputi! eeeehhhhh!" hayun at kinilig na naman ito

"Mukhang hito?!" tuloy ko pa

"Gwapo!" tapos nagtatalon pa siya. Tama nga ako sa iniisip ko. Nandiyan na naman pala yung hilaw na lumpiang iyon.

"Tumigil ka nga!" bulyaw ko kay Rina. Tumigil naman ito pero sinimangutan niya muna ako bago nagdadabog na umalis. Mga bata nga naman ngayon hindi alam tumingin ng guwapo. tsk tsk. Masilip nga kung anong pinaggagawa nung dalawa. Sinilip ko kung may tao sa may bakod at wala naman kaya dali-dali akong umakyat sa puno ng mangga kahit nahihirapan ulit ako. Hayun may natatanaw na akong kaunti. Mukhang nasa porch na naman sila at kasalukuyang nagmemeryenda. 

"Anong ginagawa mo diyan apo?" tanong ni Lola na ikinagulat ko naman kaya ako lumagapak pababa.

"Nakakagulat naman kayo La!" reklamo ko habang hinihimas ko ang puwet ko.

"Ano ba kasing sinisilip-silip mo kina Tita Analyn mo?" sus may suspetsa na ata si Luveydubs.

"Wala ho, syanga pala La di ba nagluto kayo ng paksiw ngayon?!" kailangan ilayo ang pinag-uusapan at baka may mahalungkat ito. "Oo" sagot naman ni Luveydubs

"La! gusto niyong bigyan natin sila Tita Analyn ng paksiw?" nagpacute na naman ako kay Lola with matching eyelashes batting.

"Maganda yang naisip mo! Teka at makapagsalin ako" aakma na sanang pumunta sa kusina si Lola ng humabol pa ako "La! ako ng magdadala kina Tita Analyn" nakangiti kong alok

"Sya sya. hantayin mo lang ako" Ayos! Lagot kang hitong lumpia ka! Sisirain ko araw mo! Hahaha!

Nang natapos ngang nasalin ni Lola sa isang porcelain bowl yung paksiw eh agad naman akong nagtungo kina Tita Analyn. Ang init nga kaya minadali ko pati ang pagpindot ng doorbell. Ang tagal naman ni TIta? At dahil ang gate nila Andeng ay rehas rehas ang style eh nakita ko pang lumingon sila Andeng sa akin ngunit hindi man lang niya ako pinagbuksan ng gate kundi tinuloy lang nila ang pag-uusap ng hilaw na yun. Maya-maya ay natatarantang tumakbo si Tita papuntang gate dahil na rin kasi sa panay ang pagpindot ko ng doorbell nila.

"Pasensya na Rhino at natagalan ako!" pinunas ni Tita ang pawis sa mukha at naka-apron pa ito. Inabot ko naman ang paksiw at kanina pa naiinitan yung kamay ko. "Bigay po ni Lola Tita" sabi ko sabay silip sa dalawang nag-uusap pa rin sa Porch.

"Ui salamat!" at parang isasara na sana ni Tita yung gate kaya pinigilan ko "Ay pasensya na at mapagsasarahan pa ata kita! hahaha" natatawang dispensa ni Tita

"Ah Tita nandiyan po ba si Apl De ap?" tanong ko kay Tita. Si Apl De Ap ay ang alaga nilang black labrador na ako ang nag-alaga simula nung nagpunta sila overseas for two years kaya parang aso ko na rin.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon