PILYO 7

13.6K 177 14
                                    

Pagbaling ko sa higaan ko ay napakawit ang paa ko kay Angelina Jolie. Pero bakit ganun? Hindi masyadong mabalahibo si Angelina ngayon tsaka mas malambot siya na parang buhay ba ito. Kinawit ko na rin ang kamay ko at mas nagtaka ako dahil pumayat si Angelina. Ang naaalala kong matabang aso na stuff toy ko eh pumayat? Linapit ko nga mukha ko sa ulo ni Angelina at agad kong naamoy ang mabangong amoy ng conditioner. Hmmmm...Ang sarap amuyin. Linabhan na ba ni Lola si Angelina kaya hindi na ito amoy laway at pawis? Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko nang parang may narinig akong umungol. Napatigil ako. Teka teka kailan pa gumawa ng ingay ang stuff toy? 

Dahan dahan kong iminulat ang isa kong mata. Nanlamig bigla ako dahil nanlalabo man ang paningin ko eh alam kong hindi stuff toy ang kayakap ko kundi isang babae. Nakatalikod ito sa akin ngayon. May mahabang buhok at seksi ang katawan. Lumunok ako at dahan dahan kong tinanggal sa kanya ang paa at kamay ko. Pagkaalis ko ay naramdaman pa niya ata dahil nagsalita siya. "Bakit mo tinanggal ang paa at kamay mo?" medyo malambing ang boses niya.

Sino ba ito? napakunot noo ako pero kung tutuusin hindi naman masama siguro kung yakapin ko ulit siya. Ibabalik ko na sana ang mga yapos ko nang humarap siya at nakita ko ang mukha niya. Si Apolinario?! Oh my gulay! Paano siya napunta sa kuwarto ko?

Napatingin ako sa sarili ko, nakasuot lang ako ng boxer short. Natakot ako sa duda ko. Sinipa ko si Apolinario sa takot at nahulog ito sa kama sabay nagsisigaw ako.

"Lola! Lola! may bakulaw na rapist sa kuwarto ko!" bumungad naman sa pintuan si Lola at hindi man lang ito nagulat kundi parang nagtataka pa ang mukha nito.

"Anong pinagsasabi mo apo?"

"Si Baklang Apolinario!" tinuro ko siya na kasalukuyang  nagrerekover sa pagkakasipa ko "nandito siya sa kuwarto ko!" hysterical na sigaw ko. Halos mapatid na siguro vocal chords ko sa kasisigaw.

"Bakit mo ginaganyan ang asawa mo?!" sinigawan ako ni Lola at lumapit ito kay Apolinario at tinulungan itong tumayo sabay yinakap pa ito.

"A-asawa?!" nanlaki ang mga mata ko. Pagkatapos nun ay dali-dali akong tumakbo palabas ng kuwarto at nagtungo sa kalsada nang di ko namalayan na may paparating na rumaragasang sasakyan. "Oh no!" natulala ako sa kinatatayuan ko habang hinihintay na mabangga na lang ako...Blag!

"Ang sakit!" reklamo ko habang iniinda ko ang masakit na braso ko. Minulat ko ang mata ko at nasa sahig ako ng kuwarto ko. Mukhang nahulog ako sa kama. Hinanap ko muna kung meron nga si Apolinario sa kuwarto at laking pasasalamat ko nang mapagtanto ko na panaginip lang pala yun. Correction! Bangungot pala yun. Hanggang sa bangungot ba eh susundan ako ni Apolinario? May gayuma ba itong ginagamit sa akin?

Basta ayaw ko ng alalahanin ang mga makapanindig balahibong eksena na iyon kaya lumabas na ako ng kuwarto at syempre binati agad ako ni Luveydubs ng Good morning.

"Apo nagpapatulong pala sina Tita Analyn mo sa iyo" 

"Ano po iyon Lola?" tanong ko habang nagtitimpla na ng gatas. Birch Tree ang tatak!

"Ayusin mo daw yung computer nila"

"Sige po"

*****

Nagtungo na nga ako sa bahay nila Andeng at agad akong inalalayan ni Tita papunta sa kuwarto nila. Maayos ito at punong-puno ng libro ang istante nila mahilig kasing magbasa si Tito Juan.

"Ano po bang problema Tita?" at sinimulan ko ng baklasin yung desktop

"Hindi kasi nag-oopen eh...nagbe-beep lang. Saglit lang huh hijo, kunan lang kita ng meryenda" at nagpaalam na si Tita. Habang wala naman siya eh tinanggal ko na yung memory at lininisan ito gamit ang eraser na nakita ko sa may study table and voila! Ayos na! Binuksan ko na siya at gumana naman.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon