PILYO 25

8.2K 92 5
                                    

Kasalukuyang nagkakagulo sa bahay dahil na rin sa pagsali ni Rina sa beauty contest. Lahi kasi kami ng mga gwapo't magaganda.

"Tara na?" tarantang tanong ni Lola. Nakasuot na sa leeg niya ang DSLR camera at excited daw siyang masubukang maging photographer, hindi na ako kumontra. Palabas na nga ang mag-aapo nang umandar na naman ang pagiging boy scout ko.

"Yung sapatos ni Rina nandiyan na ba?" tanong ko

"Ay! oo nga pala, teka at kunin ko" bumalik si luveydubs

"Yung pang-talent portion dala na rin ba? yung cd? yung props?" dagdag ko pa at mas nataranta pa ang matanda. Nakakatuwa tuloy pagmasdan ang mga natataranta nilang pagmumukha hanggang sa naramdaman kong binatukan ako ni Andeng. Oo sasama din siya syempre.

"Para saan yun?" maktol ko

"Alam mo na nga yung mga nakalimutan nila hindi ka pa magpresenta na tumulong, natataranta tuloy ang Lola mo" sermon ni Andeng. May point naman siya kaso minsan lang ito mangyari.

"La! nakalimutan niyo pang tawagan yung bading na make-up artist ni Rina!" sigaw ko sabay napahalakhak na ako. Wala ng nagawa si Andeng kundi ang irapan ako at magpresenta na tumulong na kina luveydubs.

Pagdating sa venue ay dumiretso kami kaagad sa backstage kung saan naroroon na rin yung ibang candidates. Nagulat pa nga ako nang may biglang maghubad sa harap ko.

"La-bas" madiing pantataboy ni Andeng sa akin kaya lumabas na rin ako at naghintay na lang na magsimula yung program. Sinamahan din naman ako ni Andeng pagkatapos at maya't maya ay nagsimula na ang kompetisyon. Hindi ako katulad ng iba na kung manood ng mga beauty contest ay magsisigaw. Ang tunay na gwapo hindi sumisigaw, tahimik lang, tulad ko.

"Ay...parang bading yung number 5" komento ng isang babae sa harapan ko. Teka number 5 si Rina huh. Naramdaman kong tumaas ng bahagya yung presyon ko.

"Oo nga tsaka di marunong rumampa, talo na yan" dagdag pa nung kasama niya. Pasimple kong sinilip yung pagmumukha nila at ang lakas din namang mangutya ng mga ito, kamukha naman nila ang mga unggoy sa zoo.

"Keandra may salamin ka ba diyan?" tanong ko kay Andeng

"Bakit?"

"basta ilabas mo na kung meron" binuksan ni Andeng yung bag niya at linabas ang maliit at bilog na salamin. Kinalabit ko yung mga babae sa harapan ko tsaka ngumiti sa kanila nung pinaka-sexy na smile ko.

"Hi!" bati ko sa kanila. Napansin ko ang malalagkit nilang tingin sa akin. Hindi pa ako nabigo sa mga istilo kong ito.

"Wow pogi" bulong nung isa sa kasama, dinig ko naman. Naramdaman ko pang kinurot ako sa singit ni Andeng, nagseselos ata. Sinenyasan ko lang siya na maghintay.

"Miss ito oh" sabay abot sa kanila yung salamin. Bakas ang pagtataka sa pagmumukha nila

"Hindi namen shemin ito huh?" halatang pinapacute nung isa yung boses niya. Muntik na ako tumawa kaso pinigilan ko yung sarili ko

"Hindi talaga sa inyo yan" nakangiti kong sagot

"Eh bheket mo nemen binigay shemin?" kinikilig na tanong nung isa with matching ayos pa ng buhok sa may tenga

"Ah yun...baka kasi kailanganin niyo. Mukha kasing matagal-tagal na rin kayong hindi tumingin sa salamin" biglang umasim na ang pagmumukha nung dalawa "Narinig ko kasing kinutya niyo yung number 5 eh pinsan ko yun." Napakagat sa labi yung dalawa at nagkatinginan.

"Sa susunod kasi mga miss bago kayo mangutya ng ibang tao tignan niyo muna yung sarili niyo. Alam niyo naman siguro kung bakit hindi kayo kasali sa beauty contest di ba? kapag Miss Zoo ipapaalam ko sa inyo" mukhang sasabog na yung dalawa at sasampalin na ako nang pumagitna si Andeng at tinarayan sila kaya umalis din yung dalawa. Tumawa na lang kaming dalawa pagkatapos. Ang daming taong ganyan kasi, kung makapagkutya akala mo mas may ibubuga sila.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon