PILYO 12

11.5K 156 11
                                    

"Call your guardian!" bulyaw sa akin ni Principal. Nasa office na kami at nagsisi-iyak pa rin si Natalie at nandun din yung babaeng nakakita sa amin at si Manong Guard. Mga witness sila ni Natalie.

"Hindi po pwedeng malaman ng Lola ko ito sir!" napalakas din ang pagdepensa ko

"So what do you like? You want to be expelled from this school?!" bumulyaw ulit si Principal

"Sinasabi ko po naman kasi sa inyo na hindi ko hinahalay yang babaeng yan. Bigla na lang siyang nagsisigaw sa c.r kaya ako pumasok tapos ganyan na itsura niya pagpasok ko!" pilit ko namang kinukwento yung side ko

"Then what can you say na nakita ka nitong babae na hawak-hawak si Natalie tapos nakita ka pa ng guard na aakmang susuntukin siya?" sarkastikong tanong ni Principal. Napatingin ako kay Natalie at nakita kong palihim itong ngumiti habang umaarteng umiiyak pa rin.

"Rhino! Anong nangyari!" sigaw naman ni Jhax na kararating lang sa office kasama din si Port at bakas sa mukha nila ang pag-alala.

Lumingon ako sa kanila  at nang nakita ko sila eh medyo mangiyak-ngiyak na ako "Sira ulo kasi itong babaeng nakuha niyo" sarkastikong sagot ko at nakatikim ako ng batok kay Manong Guard at sinabihan pa niya akong umayos.

"Is that how you act when you are being accussed of a serious offense?! Pwede ka pa ngang ipakulong!" buwelta ulit ni Principal "Call your grandmother!" sumigaw ulit ito

"No!" determinadong sagot ko naman.

"Ano bang tinitigas-tigas mo eh ikaw na nga ang may kasalanan!" second demotion ni Manong Guard

"Basta hindi pwedeng madamay ang Lola ko dahil may sakit siya sa puso. I'd rather drop out than to have my Grandmother suffer from health!" mariin kong sagot

"So you're fine with not finishing school? And for your information mahihirapan ka din mag-enroll sa ibang school in short this is your last school!" nakakatakot mang isipin pero mas pipiliin kong huwag makatapos ng pag-aaral kesa manganib ang buhay ng Lola ko lalo na at nerbiyosa ito. Tutal meron namang mga hindi nakapagtapos na naging successful sa buhay.

"I'm fine with that sir!" pinanindigan ko na ang desisyon ko.

"Rhino!" sabay na sambit ni Jhax at Port nang biglang pumasok si Andeng. Anong ginagawa ni Andeng dito?

"Why are you here young miss?" tanong ni Principal

"Witness ako ni Rhino sir!" seryosong sagot ni Andeng. Naguluhan ako, bakit magiging witness ko si Andeng eh wala nga ito nung nangyari ito kaso naglakad na papalapit si Andeng kay Principal at linabas nito ang cellphone sabay play ng naka-record. May dalawang nag-uusap at agad kong nabosesan si Luisa yung isa at si Natalie naman yung isa.

"So what's your plan BFF?" tanong ng malanding boses ni Natalie

"Will frame him up in raping you" sagot naman ni Luisa at pinatay na ni Andeng yung record. Tumigil bigla sa pag-iyak si Natalie at halatadong kabado na ito. Napatingin lang ako sa seryosong mukha ni Andeng at ewan ba na feeling ko eh I can trust her to save me this time.

"Will you explain to us what we just heard Miss Natalie?" bumaling na si Principal kay Natalie.  Di naman nito magawang tignan si Principal sa mata kundi sumilip silip ito sa labas na parang merong hinahanap na tao.

"Tha-that's not me sir. That's a fake!" nauutal na sagot nito.

"I am certainly not lying!" mariin namang depensa ni Andeng. Napapalunok na ako sa tensiyon.

"When did you record this Miss?" tanong ni Principal kay Andeng.

"Narinig ko kasing pinag-uusapan nila si Rhino sa may cottage kahapon sir so palihim akong lumapit at nang nagkasuspetsa ako na hindi maganda yung plano nila ay naisipan kong i-record yung usapan nila" Bigla naman akong nakaramdam ng kaginhawaan ng mapatunayan ni Andeng na malakas ang credibility nito bilang witness. Umiling-iling si Principal.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon