PILYO 31

7K 90 3
                                    

"Bulaga!" panggulat ko kay Andeng habang nagsusulat ito sa isang kiosk sa school. Syempre gulat na gulat ito at nakatikim muna ako ng ilang hambalos sa braso pero okay lang. Masayang manggulat eh.

"Ano ba Rhino! Para kang bata!" maktol nito, napansin ko naman na may tinago siyang isang maliit na notebook na parang card sa bag

"Ano yung tinago mo?" nginuso ko yung bag at pinanlakihan lang niya ako ng mata. Mas nagduda tuloy ako. Umandar na naman ang pagiging kuryoso ko

"Wa-wala lang yun" utal na sagot ni Andeng. Sa itsura niya ngayon daig pa niya ang isang magnanakaw na nahuli sa akto. Napakunot ang noo ko, dahan-dahan akong lumapit sa kanya ngunit mabilis siyang tumayo at sinara ng tuluyan ang bag.

"Si Jhax oh!" turo niya sa may likuran ko. Hindi naman ako lumingon, ano ako uto-uto?

"Si Jhax nga!" pang-uulit ni Andeng kaya tumingin na rin ako at hindi nga siya nagsisinungaling. Nakayukong papalapit sa amin si Jhax at sa di kalayuan ay si Port naman at nakayuko din ito. Anong trip ng dalawang ito ngayon? Patagalan ng yuko?

"Oi! Para kayong nakikisagala sa bagal niyong maglakad" sigaw ko at maya't maya ay nasa harapan na namin ang dalawa, nakayuko pa rin.

"Katawan ni Kristo"

"Amen" sabay na sabat nila tapos tinaas naman nila yung ulo nila, awtomatiko lang pero ang nakakagulat ay nang makita ko ang pasa sa mata ni Jhax at sa pisngi naman kay Port.

"Anong nangyari sa inyo?" concern na tanong ko ngunit wala namang sumagot sa kanila. Si Jhax tumingin sa taas, si Port sa baba naman. Napansin ko rin yung mga kamao nila na namumula at may mga galos.

"Saglit lang huh" lumapit ako sa dalawa tsaka pinagharap sila sa isa't isa. Pinuwesto ko yung kamay ni Port sa bandang mata ni Jhax tapos yung kay Jhax naman sa pisngi ni Port. "Hayan oh! parang kayo tuloy ang nagsuntukan" biro ko. Humalakhak pa ako kaso di naman natawa yung dalawa. Natumbok ko ba?

"Nagsuntukan kayo?" sigaw ko, mas lalo namang nanlumo ang mukha nung dalawa

"Si Mina yun huh" singit ni Andeng habang turo-turo ang nakabusangot na si Mina na panay ang irap sa amin. Hindi nga lumapit sa amin dahil nagpatuloy lang siya papunta sa hallway. "Anong problema nun?" concern na tanong ni Andeng sa sarili.

"Rhino, hahabulin ko lang si Mina" paalam ni Andeng at tumakbo na siya papunta sa direksyon na tinahak ni Mina. Ilang saglit din na walang umimik sa aming tatlo na natira. Bubuntong hininga si Jhax, susunod naman ako. Ganun din si Port.

"So, bakit kayo nagsuntukan?" pampuputol ko sa nakakabinging katahimikan. Nairita ako nang mukhang wala talagang sasagot "Gusto niyo bang pag-umpugin ko kayong dalawa?" banta ko

"Dahil kay Leana" halos pabulong na sagot ni Port

"Sinong Leana?" tanong ko.

"Girlfriend ko" mahinang pag-amin ni Jhax

"May girlfriend ka?!" pasensya na at nagulat talaga ako

"Girlfriend na nilalandi ni Port!" tinapunan ng matatalim na tingin ni Jhax si Port at mukhang maghahamon ng part two sa suntukan

"Eh sira ka pala eh, pakilala mo pinsan mo lang tsaka sinabi ko naman sa iyo na siya ang nagpanggap na girlfriend ko para pagselosin si Mina!" bulyaw din ni Port. Once in a blue moon lang magalit si Port at sa pagkakataong ito alam kong malalim ang hidwaan ng dalawa. Kailangan kong pumagitna.

"Hep hep hep! Chill lang tayo" pinaghiwalay ko muna yung dalawa at baka matuloy ang part two ng suntukan "Unang-una magkaliwanagan tayo" tumingin ako kay Jhax "Bakit mo linihim ang relasyon mo sa Leana na yun?"

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon