PILYO 21

9.3K 106 7
                                    

Halos mangiyak ako na makita si Andeng na dahan-dahang naglalakad papunta sa altar suot ang simple ngunit eleganteng wedding gown. Nakahawak siya sa matikas na braso ni Tito Jose.

"Bro this is your happiest day!" marahan akong siniko ni Jhax. Nang nasa harapan ko na sila ay hiningi ko na ang kamay ni Andeng kay Tito at maligayang iniharap siya sa altar. Hindi talaga ako makapaniwala na dumating din ang araw na pinakahihintay ko at iyon ay ang makasama si Andeng sa pang-habambuhay.

"You can now kiss the bride" anunsyo nung pari at hinarap ko ulit si Andeng at dahan-dahang itinaas ang belo niya ngunit bakit ganun? Parang kumapal yung labi niya, napailing ako ng kaunti pero tinuloy ko din ang pagtanggal ng belo at laking gulat ko nang tumambad sa akin si Apolinario.

"Apolinario?!" sigaw ko habang turo-turo ang nanglulumahid niyang mukha

"Sinong Apolinario? Ako si Keandra" linapit sa akin ni Apolinario yung ulo niya "Kiss mo na ako baby" maarteng dagdag niya at nagpout siya habang linapit pa niya ang nakakatakot niyang mukha. Sa takot ko ay tinulak ko ang mukha niya kaya napaupo siya.

"Layuan mo ako!" mangiyak-ngiyak at nanginginig kong bulyaw kay Apolinario

"Bro ano bang nangyayari sa iyo?" nakakunot ang noo ni Jhax na pinapakalma ako

"Hindi siya ang papakasalan ko" sagot ko kay Jhax, hysterical na kung hysterical basta hindi ako magpapakasal. Mas nagulat ako nang lumapit si Port at pinagtulungan nila ako ni Jhax na hawakan at pinipilit idikit ang lips ko sa nguso ni Apolinario na ngayoy nakatayo na

"Huwag! Huwag please!" napapikit na lang ako nang biglang namulat na lang ang mata ko at laking pasasalamat ko na bangungot lang pala ang lahat. Napaupo ako sa may higaan at napansing punong-puno ako ng pawis.

"Bakit ba pag binabangungot ako eh si Apolinario palagi?" tanong ko sa sarili ko at dahil nais kong alisin sa utak ko ang mga masasamang experience ko kasama na ang pagka-basted sa akin ay napagtripan kong maglinis ng kuwarto. Kung broken-hearted ka nga naman, nalilinis mo ang sarili mong kuwarto. Kung may exam lang ngayon sa palinisan ng kuwarto ay tiyak pasado ako. Kiniskis ko ng mabuti ang bawat sulok at siniguradong walang spider web na makikita. Inayos ko na rin ang luggage ko. Oo napagdesisyonan kong umalis muna.

"Apo? Himala at naglinis ka ng kuwarto!" bakas ang pagkatuwa sa mukha ni luveydubs habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kuwarto

"Wow kuya! Palinis din ng kuwarto ko" singit ni Rina na nakasingit din ang ulo sa may bewang ni luveydubs

"Linisin mo sarili mo!" sabay bato sa mukha niya ng basahan, syempre madumi yun

"Yuck! pwe! pwe!" at kumaripas na ng takbo si Rina, maghuhugas siguro ng mukha. Sapul eh

"Oh, para saan yang bagahe mo? Pupunta ka na naman ba doon?" napakunot ng noo si Lola habang palipat-lipat ang tingin niya sa bagahe at sa akin

"Opo la, kailangan ko lang ng panahon" sagot ko

"Tsaka ka lang nagpupunta doon kapag may problema ka huh. Okay ka lang ba?" nalapitan na ako ni Lola at tumango naman ako "Ano ba kasing problema apo? Kailangan mo ba ng bagong gadget?" Gadget? Nanlaki yung mata ko habang nakatingin kay Luveydubs. Bibilhan ako ng bagong gadget? Gusto ko yung PS4!

"Syempre joke ko lang yun hahaha" mabilis na bawi ni Lola. Asar naman oh kung kelan pa tumanda si luveydubs dun pa siya natutong magbiro "Basta mag-ingat ka dun huh?" hinimas-himas ni Lola yung braso ko at tumango na lang ako sabay bitbit nung bagahe at umakbang nang palabas

"Apo teka lang!" lumingon ako kay Lola na naka-upo na sa may desktop computer

"Bakit po La?"

"Anong password ng computer mo at maglalaro ako ng candy crush" kulang na lang ay batukan ko ang sarili ko sa kaadikan na ng lola ko sa social media at kung ano-ano pa. Sasabihin ko na sana yung password nung naalala ko na andeng pala yung password ko. Pinalitan ko kamakailan lang kasi

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon