0.5

3.5K 102 11
                                    

INTRODUCTION

Jennica Aleman.

Of course, that was your real name but I prefer to call you as "Menudo Girl," for it took me some time to remember your real name. It was a long process but was a funny story. Do you want me to recall it for you? Here it goes...

"Mahirap maging guwapo. Pero mas mahirap kung ikaw na guwapo e guwapo rin ang hanap mo."

"Takte! B-bakla ka?"

Takte. Iyan 'yung unang salitang lumabas sa bibig mo sa pinakaunang pagtatagpo nating dalawa.

That happened in my room weeks ago.

You were pointing a knife on me believing that something happened on us the night before.

But that wasn't true kasi ganito ang nangyari sa gabing iyon...

"Article 153. When the obligee accepts the performance knowing it's incompleteness, without expressing---arrg!" Naibato ko bigla sa sahig ng kuwarto ko ang libro ko sa Law1 matapos akong mag-buckle sa pang-pitong article na isinasaulo ko.

Nagpatuloy ako sa pagme-memorize kahit ang hirap ng ipasok ang lahat ng mga articles na tinatanim ko sa utak ko.

Dapat nandoon pa ako ngayon sa Summer Ball na kasalukuyang ginaganap sa Reedz Resort. Pero para saan pa ang pamamalagi ko roon kung ikaw mismo, e hindi na kita puwedeng maisayaw kasi mas pinili mong makasama ang unggoy na 'yun? Kaya eto, dinadaan ko na lang ang lahat hinanakit ko sa pagme-merorize ng Law articles.

Halos isang oras na akong nagme-memorize pero pang-pitong article pa lang ang nakakabisado out of 107 articles. Ayos no? Ibig sabihin, may isang daan pa akong kakabisaduhin. Kainis.

"Ayoko na!" badtrip na sigaw ko bilang pagsuko.

Humiga ako sa kama ko ng nakadapa. I was just wearing a boxers this time. Ako lang ang mag-isa dito sa bahay namin kasi may bakasyon ang papa at mama ko.

I was about to close my eyes pero hindi ko nagawa nang biglang may sumigaw sa labas ng bahay.

"Edwin, buksan mo 'to! Buksan mo-ho-ho-ho!" paubo-ubo at umiiyak na sigaw ng isang babae na aakalain mong si Santa Claus.

Hindi ko iyon pinansin kasi akala ko, may kapitbahay lang kaming lasing ngunit nang biglang may kumalampag sa may salas ng bahay, bigla akong na-alarma. Tumayo ako agad sa kama ko.

"Edwin! Magpakita ka! Magpakita ka-ha-ha-ha!" umiiyak na sigaw ng isang babae na hindi ko alam kung tumatawa ba o umiiyak.

Siyempre, kinabahan ako. Kumabog 'yung puso ko. Sino ang nasa labas ng bahay? Bakit siya sumisigaw?

Bahagya kong binuksan 'yung pinto ng kuwarto ko at nakita ko ang isang magandang babae sa may pintuan na may... na may... na may dala-dalang itak.

Ikaw 'yun.

Umiiyak ka that time.

Umiiyak ka at para kang hinabol ng mga aso sa itsura mo pero takte lang talaga! Ang ganda-ganda mo pa rin.

Nakita kong sira na 'yung pinto ng entrance ng bahay namin at maya-maya pa ay nakita kong tumingin ka sa'kin.

Nagulat ako kasi bigla kang naglakad papunta sa direksyon ko kaya ang ginawa ko, agad kong sinara ang pinto ng kuwarto ko. Kinabahan ulit ako.

"Edwin? Are you hiding from me? Lumabas ka!" sigaw mo sabay hampas ng itak sa pinto ng kuwarto ko.

Mas dumoble 'yung kaba ko kaya hindi ko namalayang napadasal na pala ako. Bakit ka kasi may dala-dalang itak?

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon