Chapter 42 : Again

1.5K 46 0
                                    

Fara's Pov

Napangiti ako ng makita kung ga'no kami ka close ngayon. Nagtatawanan sila habang ako pinagmamasdan lang sila. Parang walang nangyaring gulo sa pagitan namin.

"Fara, sumali ka sa'min. Wag ka ngang iba diyan" sabi ni Carla

"Pabayaan niyo na muna yan, nag-emo pa ang loka"

"It's nice to see that we're now okay"

"Again" dagdag ko pa

"Gutom lang yan, kain ka pa bakla"natatawang sabi ni bakla at nilagyan ang plato ko ng afritada.

"Gusto mo ice cream, bilhan kita ng matigil ka na sa kaka emote teh"

"Pst, Fara. Maiba tayo, hindi pa alam ni Jess ang nangyayari no?" Mahinang sabi ni Carla

"Oo. Kaya kung pwede lang, wag na wag niyong sasabihin baka maging lalaki yun bigla"

"We're so sorry. Kung may magagawa lang talaga kami" sabi ni Jadyle

"No, it's okay. It's my problem anyway" binigyan ko sila ng isang ngiti sabay subo ng pagkain.

"We're here for you"

"That's true"

"Oh, binilhan ko na rin kayong dalawa. Dagdag sa sweetness niyo. Ansaveh! Kahiya naman kasi sa inyo no?" Mabilis kong kinuha ang ice cream na dala niya at kinain

"Uso pasalamat bakla" hindi ko siya pinansin at patuloy kinain ang ice cream.

Nang maubos na namin ang pagkain inayos ko na ang gamit ko

"Halika na nga, malate pa tayo sa next class" aya ko sa kanila at naunang tumayo

Inalayan agad ni Jadyle si Carla kasabay ng pagkuha nito ng bag niya. He's so sweet, how thoughtful of him. Kaya patay na patay si Carla sa kanya ng magbago na siya.

"Uy, si Fara ngumingiti mag-isa" mapanukso nilang sabi kaya nginitian ko lang sila

"Sinong iniisip mo?" Tanong ni Carla habang naglalakad na kami pabalik sa room

"Wala, ang sweet niyo kasi. Masaya ako para sa inyo"

"Hoy! Boyfriend ko si Jadyle ha, selos ka lang" pabiro niya akong tinulak

"Aray naman, may bakla kaya ako" kumapit agad ako sa braso ni bakla na siyang kinatawa namin

Malayo pa lang kita na naman ang nagkukumpulang tao sa bulletin board. Lakad takbo ang ginawa ko papunta dito para makita kung anong maling impormasyon na naman ang kinakalat. Laking gulat ko na lang ng makita ang isa na namang picture na naglalaman ng mukha ko, kay Jadyle at kay Carla. Ang picture na ito ay yung nasa isang mall kami sa boracay, wala si bakla dito dahil nag restroom siya at natagalan. Kitang-kita ang pagtingin ko sa kamay nilang dalawa na magkahawak at yung isa naman ay nakatingin ako kay Jadyle habang nagtatawan silang dalawa. At gaya nang dati may note na naman sa baba.

"The bitch is jealous of what she saw"

Napangisi ako sa nabasa. Ako? Nagselos? E ang naisip ko lang naman nun ay ang sweet nilang dalawa at ang saya-saya knowing that ang bait ni Jadyle at mahal nila ang isa't-isa.

Wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng iba dito. Katulad din ng dati inalis ko ang picture bago umalis at patakbong bumalik kina bakla na malapit na kung saan nakalagay ang bulletin board

"San ka galing?" Tanong agad ni Jadyle

"Tinignan ko lang ang nasa bulletin board"

"Oh ano?"

"Wala hindi naman importante"

"Fara?" Tumango ako kay Jadyle kahit isang simpleng tanong lang yun. Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin, kung yun ba ay isa sa mga bumubully sakin

Agad naman akong niyakap ni Carla

"So sorry" bulong niya sakin sabay bitiw sa yakap

Isang tango lang ang naisagot ko sa kanya. Wala naman akong magagawa kung may nansisira sakin. Problema na nila yun atsaka pa ang sipag nilang sumunod sakin pati sa boracay nakuha pa. Boracay? It means na kacourse ko ang gumagawa. I hope it'll not happen again.

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now