Chapter 56 : Result

1.7K 34 2
                                    

Fara's Pov

Napapikit ako. Kaya ko 'to. Isang tingin lang at magbabago na ang lahat, kung magbabago nga ba. Huminga ako ng malalim at pikit matang inabot ang test. Isa, dalawa, tatlo.

"Oh my!" Napatakip ako sa bibig at mata ko.

Is this real? Tiningnan ko din ang ibang test at ganun rin ang resulta. Dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan si bakla. Panay ring lang 'to kaya nag-iwan na lang ako ng message.

Sunod kong pinuntahan si mommy sa may garden, ito naman talaga ang tambayan niya. Ngumiti siya ng makita ako.

"Sweetheart may kailangan ka?" Kahit gustuhin ko mang magsalita, hindi ko kaya kaya niyakap ko na lang siya

"Mom, kailangan ko pong kausapin si kuya. Kayo"

"Ngayon na?"

"Opo. Pakitawag na lang po sa kanya. At mom! Pakisabi din po sa kaya na wag niya po sanang dalhin si ate Jayla"

Bumalik ako sa kwarto at tinignan kung may sagot na siya

Papunta na nga ako sa inyo. Pupunta talaga ako diyan kahit sabihin mo man o hindi

Napangiti ako sa tinext niya, at home na at home talaga siya dito sa'min. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa si bakla. Bagong ligo pa talaga ang bakla.

"Anong ichihika mo? Bilis!" Utos niya

"Aba, ikaw pa 'tong may ganang mang-utos" ibinigay ko sa kanya ang test at napanganga naman siya sa nakita

"Totoo 'to? Ikaw?" Tumango-tango ako sa kanya

"Gosh, girl!"

"Tara sa baba. Baka nandun na sila kuya"

Agad silang napatingin sa'min nang makababa kami. Umupo agad kami, sa harap nila

"Mom, kuya. May ipapakita po ako sa inyo" sabi ko bago inilagay sa center table ang binili kong mga pregnancy test.

Tiningnan ko si bakla na ngayon ay pawisan dahil siguro sa kaba. Inilagay ko kasi uli sa box ang test. At hindi naman niya 'to kinuha, tinignan niya lang ang lalagyan.

"Kinakabahan talaga ako sayo bakla" kinakabahang sabi niya

"Kalma lang OK?" Hinawakan ko ang kamay niya para naman mabawasan ang kaba niya

Sabay kaming napatingin kay mommy na ngayon ay nakahawak na sa box. Gusto kong matawa sa mga reaksyon nila. Napatingin sila sakin ng napahagikhik na talaga ako, hindi ko na talaga kaya. Binitawan ko ang kamay ni bakla at tinakpan ang bibig ko para matawa.

"Pft.. Pft... Hahahaha. Ayusin niyo naman po sana 'yang mga mukha niyo."

"Ikaw kuya para kang si baymax, 'kaw naman bakla para kang si pikachu" Mas lalo pa akong napatawa sa reaksiyon nila. Napatigil lang ako ng pandilatan ako ng mata ni mommy. Gusto ko tuloy kumain ng ice cream.

Napaayos na lang ako sa upo at tahimik na tinignan sila sa magiging reaksyon. Nang tuluyan ng nabuksan ni mom ang box. Napatayo kaagad siya pati si kuya, si bakla naman walang kaalam-alam kaya kumuha siya ng isa at binuksan ito

"Omo!"

"Anak!"

"Shit!"

Halos sabay-sabay na sabi nila

"Ang O.a niyo po, parang yan lang. OK lang po sakin" nakangiting sabi ko sa kanila

"Fara, ang bata mo pa para sa ganito"

"Anak magiging nanay ka na"

Yes. The result was positive. I'm pregnant, hindi naman sa gusto ko, at hindi din naman sa ayaw ko. Ito na eh, wala na ako, kaming magagawa. And I love children. There's nothing to worry about it.

"Mommy, kuya, bakla. Relax, OK? OK lang talaga sakin. Kung ano ang magiging resulta OK lang sakin"

"Fara, I'm OK about it. But, si dad"

"Oo sweetheart. Wala naman kaming problema sa kung anong magiging resulta, alam naming hindi ka pababayaan ni Jess. But your dad"

"Sasabihin ko po sa kanya" suhestiyon ni bakla

"Jess, hindi ganun kadali"

"Ano 'tong narinig ko?!" Sabay kaming napatingin sa may pintuan at nakita si dad na nakatayo dun.

Ba't hindi niya sinabi na uuwi siya ngayon. Hinawakan ni bakla ang kamay ko. Walang umimik sa'min. Pumasok si dad at pumunta sa harapan ko. Napataas ang kilay ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin, pabalik-balik kay bakla. Ang seryoso ng mukha niya na parang nagpipigil ngumiti.

"To-totoo ba?"

"O-oopo dad" mabilis kong sagot sa kanya.

Bigla niya akong niyakap na siyang kinagulat ko. Humarap siya kay bakla at tinapik-tapik ang balikat nito.

"May apo na ako.. Ma-may apo na ako!" Sigaw ni daddy sabay talon at suntok sa hangin. Bakas mukha niya na ang saya-saya niya.

"Girl, kinabahan ako dun ah" bulong ni bakla sakin habang nakatingin parin kay daddy na ngayon ay tuwang-tuwa

"So, wala na tayong problema. Alam na ni daddy" kibit-balikat na sabi ni kuya

"What's your plan?"

"Hindi ko pa po alam dad"

"Sir, sorry po. Pananagutan ko naman po si Fara" nakatungong sabi ni bakla

"OK na OK lang. So, ano? Sa labas mo na lang itutuloy ang pag-aaral mo?"

Tiningnan ko si bakla at binigyan niya lang ng isang ngiti. Gustuhin ko man si bakla naman ang inaalala ko. Alam naman nila tita't tito, mga magulang ni bakla. At katulad ni dad natuwa ang dalawa.

Kapag nalaman nila, baka dun din nila papaaralin si bakla, pero kung ayaw naman niya?

"Kahit ano, ayos sakin. Ikaw, anong gusto mo?"

"Sige. Payag po ako dad"




Author's Note: Hello po! Haha. Sinong may gusto kay Jadyle at Fara, Tyler at Fara o si Jess at Fara? Haha

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now