Chapter 48 : Sauce o Stain

1.6K 40 2
                                    

Fara's Pov

"Gab, ihahatid ko lang muna siya" sabi ni Jadyle bago inilapit sa kanya si Carla at inakbayan ito habang nasa kanang kamay niya ang bag ni Carla

Tumango ako sa kanila bago umupo sa bench. Ngayon na namin sisimulan ang paghahanap sa nagpopost. Alas tres pa naman ng hapon kaya may oras pa kami, sabi niya kaninang umaga na ngayon na daw namin sisimulan. Excited pa siya kesa sakin, kala mo siya ang binubully.

"Bakla!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si bakla na nakakunot-noo

"Oh?"

"Akala ko umuwi ka na. Ano? Hatid na kita, yun nga lang magtataxi tayo di ko pinadala kotse ko"

"Daldal mo. Salamat na lang, pero may gagawin pa ko" pumunta siya sa harapan ko sabay nagsquat

"Sama ako. Mamaya nalang din ako uuwi" tumayo ako  at pilit siyang tinayo bago pinatalikod at tinulak papunta sa exit

"Uwi ka na. Chupi!" Taboy ko sa kanya

"May kadate ka ano? Sandali lang naman ako. Magbebehave ako"

"Aish. Kulit mo sige na"

"Ano ba kasing gagawin mo? Ipalipas mo muna yan bukas na lang. Timezone tayo, libre ko"

"Bakla kahit napakaganda ng libre mo. Sa susunod na araw na lang ha, ireserve mo na lang sa susunod okay?"

Tinapik ko ang balikat niya bago pumara ng taxi. Sinabi ko sa driver kung saan ibababa si bakla bago pwersahan siyang ipinasok sa backseat. Ibinaba niya pa ang bintana

"Ang daya mo!" Pahabol niyang sigaw nang umandar na ang sasakyan. Nginitian ko lang siya

Bumalik na ako sa loob ng university at umupo sa inupuan ko kanina, dito daw kami magkikita.

Pagkalipas ng isang oras, dumating na rin si Jadyle na halatang bagong ligo?

"Naman, daig pa ang babae ha?" Pang-aasar ko sa kanya ng maamoy ang pabango niya. Mabango naman siya palagi.

"Halika na?" Yaya niya sakin bago tumalikod. Aba!

Hindi ako sumunod ako sa kanya at nagcross-arms. Ang tagal niya akong pinaghintay tapos sasabihin lang tara? Bagong ligo pa tapos ang bango-bango samantalang ako, heto kanina pa standby sa kakaupo, hiyang-hiya naman ako sa kanya. Gutom na ko.

Nang maramdaman niya na wala ako sa likod niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Aish. Tumayo na lang ako at sumunod sa kanya kahit di ko alam kung alam niya ba ang pupuntahan namin

"Ba't ang tagal mo?"

"Kasi naman po, naligo pa ako. Nakakahiya naman kung hindi ako mabango sa harap ng hater or haters mo. Malay ko chicks, sayang din yun" tinaas-baba niya pa ang kilay niya

Pinalo ko siya sa braso at napadaing naman siya. Arte.

"Landi mo! Anong nakain niyo't ang lalandi niyo ngayon?"

"Hiyang-hiya naman si ako sayo no?" Dagdag ko pa

Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Naiinis na lang bigla.

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now