Chapter 24 : Boyfriend

2.1K 51 0
                                    

Fara's Pov

Bumaba agad ako sa stage para salabungin sina Tyler. Hinigit naman niya ang kamay ko palabas ng gym hanggang sa makarating kami sa may garden. Pinaupo niya ako at sinabunutan naman niya ang sarili

"Hey, what's wrong?" Tumigil siya sa ginagawa niya at umupo sa tabi ko.

"I. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari Fara."

"Like what?" Hinawakan niya ang kamay ko bago ito inilagay sa mukha niya

"Totoo ba yung narinig ko kanina?" Tumango ako, binitawan niya kamay ko

"Fuck! Nakakahiya Fara" inilagay niya ang mga palad sa mukha niya

"Why?"

"Nakakahiya sa kuya mo." Bulong niya, napatawa na lang ako sa inasta niya. He's so cute.

Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa mukha at hinawakan ito

"Alam na niya, so bakit ka pa nahihiya? Hindi ka nga nahiya kina mom and dad na hindi pa nila alam" pagbibiro ko, napasimangot naman siya

Tumayo ako "Wow! First time ko atang nakita si Tyler Lee na nahiya. Totoo nga ba?!" Pumalakpak pa ako bago humagalpak sa tawa. Ano naman ba kasing ikinahiya niya? Wala naman

Tumayo din siya at sinimulan akong kilitiin. Dahil sa kagagalaw ko sabay kaming napahiga sa damuhan at napatawa.

"Tyle, p-please t-tama na hahaha" naluluha na ako sa katatawa. Hindi niya pa rin ako tinigilan kaya panay ang padyak ko sa paa at nagpagulong-gulong sa damo

"Ayoko nga" mas lalo niya pa akong kiniliti kaya puro sapak din ang abot niya sa kagagalaw ko.

"Ehem! May nakita ata akong hindi dapat makita" napatigil kaming dalawa sa kakatawa at nagkatitigan.

"Would you mind to introduce him Fara?" Tinulungan ako ni Tyle tumayo at pinagpagan ang damit ko. Napaayos kaming dalawa sa pagkakatayo

"Ku-kuya! Si Tyler Lee. My-my boyfriend. And Tyle, my brother Gabriel Smith" nagkamayan silang dalawa at wala ata silang balak na bumitaw kaya ako na ang naglayo ng kamay nila

"Nice to meet you Sir Gabriel" hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman si kuya

"Gab na lang. Anong ginagawa niyo dito?" Balewalang tanong niya at umupo sa bench

"Nag-usap lang po kuya"

"Okay. Bumalik na kayo doon, sigurado akong hinahanap na kayo. Lalong lalo ka na Fara" tumayo siya at nauna ng umalis

Inakbayan ako ni Tyle, naramdaman ko ang panlalamig ng kamay niya. Naglalakad kami ngayon pabalik sa gym. May last rehearsal pa kaming mga candidate.

"Nanlalamig kamay mo a? Kinabahan ka?" Umiwas siya ng tingin

"You're so cute" tumingin siya sakin at napahagikhik naman ako ng umiwas din kaagad siya ng tingin. Marahan niyang pinanggigilan ang pisngi ko.

Nang makaabot kami sa gym pinagtitinginan kami, lalong-lalo na ako. Wala na din sina mom at kuya umuwi na siguro. May iilang estudyante pa naman na tumambay dito sa gym ang iba naman busy sa paglalaro sa outdoor court at pagbibili sa mga tinda ng bawat booth.

Kinawayan agad kami ni bakla ng makita niya kami. Niyakap niya agad ako at nagtatalon-talon.

"My ghawd girl! Bongga ng grand entrance niyo! Ang ganda!"

"Yeah, yeah, yeah. Whatever you say" umupo ako sa bench. Nagulat naman ako nang biglang tumabi sakin ang team. Nilagyan ulit ako ng lipstick at inayos ang buhok at damit ko. Nagsuot na din ako ng high heels dahil pinapasuot kami nito para mamaya sa practice.

"Anong ginawa mo kanina at para namang sobrang gulo na ng ayos mo girl?" Tanong ng make-up artist. Napatikhim si Tyler na nasa likuran ko

"Uy! Ikaw Tyler anong ginawa mo sa bestie ko?" Narinig kong tanong ni bakla sa likuran ko din

"Wala. We're just having fun"

"Kaya pala gulo-gulo na e" hagikhik ng team. Madali lang naman silang natapos at nagpaalam na.

Tumabi na si Tyler at Jess sakin. Umupo lang kami dito hinihintay ang iba ko pang kasama sa pageant, kasama si Jadyle wala rin siya. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Tyler. Pinaglalaruan naman niya ang buhok ko gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa kanang kamay ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko

"You're so gorgeous today" bulong niya sa tenga ko kaya naman parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko.

Isiniksik ko lalo ang ulo ko sa balikat niya "Ngayon lang dahil naka make-up ako?"

Pinatingin niya ako sa kanya at hinawakan ang baba "Silly you. Of course with and without make-up you're so pretty" lumapit siya sakin at nakipagnose to nose bago mahinang kinurot ang ilong ko

"Hoy kayong dalawa, hindi ba kayo kinakagat?" Sabay kaming napalingon kay Jess na nasa gilid ko

"Ang sweet niyo! Sarap niyong ilagay sa mapait na kape!" Nginitian lang namin siya

"Wala ka kasing papa" inirapan niya ako bago ngumiti

Hindi din kami nabored sa kakahintay sa mga kasama ko na candidate dahil may nag-interview sakin para sa school's publication. May nagpapicture ding mga freshmen, ang iba naman higher year tulad ng ibang classmates ko. Naggoodluck din sila sakin para mamaya sa pageant.

Nagsimula na din kaming magpractice pagkatapos ng ilang minuto ng pagkatapos kong magpainterview.

Nasa runway na ako, isa-isa kaming lalakad kasama ang partner pero wala pa si Jadyle kaya panay ang tingin ko sa entrance at exit. Nang patapos na kami, sakto namang nakita ko siya kaya kinamayan ko, nagulat pa siya sa ginawa ko pero pumunta din naman sa stage.

"San ka galing?" Tinignan niya ko pero umiwas din agad ng tingin

"Sa-sa bo-booth" nauutal niyang sabi.

Nagpractice na kami sa production number. Pinaikot na niya ako bago hinawakan ang bewang ko, hindi niya masyado dinikit ang kamay niya. Natapos na lang ang practice na parang ayaw niyang dumikit sakin. Papaalis na siya kaya hinarang ko agad. Tinignan niya ako bago umiwas ulit ng tingin, hinawakan ko ang balikat niya

"Jadyle may problema ba? Bakit parang ayaw mo akong hawakan kanina? Panay usog ka o di naman layo. Muntik na nga akong matumba. Pano na lang mamaya?" Namula siya

"Sorry" mabilis niyang sabi

"Okay lang, basta mamaya ha"

"Sige Fara. Una na ko" sabi niya bago nagmamadaling tumakbo. Anyare dun?

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now