Chapter 16 : Jealous

2.5K 59 11
                                    

Fara's Pov

Another day na naman as usual. At as usual wala na naman si Tyle, isang linggo na siyang absent at hindi nagpaparamdam, I wonder why. May inaasikaso lang siguro, hindi naman siya papayagan ng principal kung hindi valid ang reason niya. Tama! Principal! Si kuya!

"Kuya bakit absent daw si Tyle?" Tanong ko sa kanya

"Pwede ka namang kumatok, incase you forgot?" Umupo na lang ako sa kama niya habang abala naman siya sa pagtatype ng kung ano

"Kuya naman, seryoso ako"

"Abala sa pambabae" seryoso niyang sabi kaya naman napatayo ako bigla at akmang susugurin na siya nang magsalita ulit siya

"Biro lang, ito naman" Sinugod ko na nga siya nang tuluyan, sinabutan ko pa

"Tama na! Aray! Masakit!" Tumigil naman ako

"Busy sa business okay? Plano daw kasi ng mom niya na maaralan na niya ang pagpapatakbo ng business"

"But we're too young right?"

"Wala sa edad yan" gulo talaga kausap nito eh

"Pero nagselos ka nang sabihin ko na may ibang babae siya" hindi ko siya sinagot at lumabas na lang sa kwarto niya. Nagbihis na din ako dahil may klase pa.

Pagdating ko sa room, saktong nagbubunutan para sa pageant. Wala kasing pumapayag kaya magbubunutan na lang. Kinalabit ako ni bakla kaya napatingin ako sa kanya

"Akala ko absent ka, sana ikaw mapil-"

"Keep quiet Jess and you too Fara, late ka na nga nag-iingay ka pa" sabi ni sir sa'min

"Sorry sir" sabay naming sabi ni bakla, yumuko na lang ako sa kahihiyan

"Fara Gabriel" napatayo ako bigla sa gulat

"Sir wala po akong ginawa. Promise" kumunot naman ang noo niya

"Ano?"

"What I mean is, you're our representative dito" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni sir

"Michael Jadyle"

"I'm in" napatingin ako sa kanya, tinaasan naman niya ako ng kilay

"What?! Sir! Alam niyo naman di bang hindi ako maganda! Hindi gaanong matalino! Walang pera! Walang talent! Nasa akin na ang lahat na wala sir! Sir naman!" Niyakap ko ang hita niya habang nakaluhod, nagmamakaawa. Di ko keri ito.

"Tumayo ka, wala nang atrasan 'to. The pageant will be held next to next week. You two can go out now. Your exempted every morning MWF and afternoon TTH" inalayan ako ni sir tumayo bago kinuha ang bag ko at inihagis ito sakin bago ako itulak palabas.

"The class will help you. Financial. Don't worry" Aba! Lakas manlait nito ha, kung alam mo lang ang totoo nako ewan ko lang. Hindi ko siya kinibo at naunang pumunta sa gym.

"Ikaw ang sisisihin ko kapag natalo tayo"

"Sure, hindi ko naman din gusto to" nginitian ko siya, at bahagya pa siyang napasinghap. Nauna na akong naglakad sa kanya at bumalik din dahil hindi ko alam kong saan kami pupunta, sa gym ba talaga?

"Saan pala tayo magpapractice?"

"Audiovisual" Tango lang ang nagawa ko

Pagdating namin sa audiovisual, marami na ang tao. Mukhang kami na lang hinihintay. Tumikhim ang baklang magcochoreo sa amin.

"So we're all here! I will teach you the dance step for your production number"

"Of course idiot" bulong ng katabi ko, napailing na lang ako sa ginawa niya

"First step is.."

Pagkatapos ng kalahating oras pinagpahinga niya muna kami para daw hindi mapagod kahit sa totoo lang pagod na pagod na kami. Napasandal ako sa dingding dahil sa sobrang pagod. Wala pa naman akong dalang panyo

"Here" napatingin ako sa nag-abot ng panyo, si Jadyle na nakangisi. Tatanggapin ko nasa ang panyo ng magsalita siya

"Panyo na nga lang, wala pang pambili" magsasalita na sana ako ng unahan ako ng isang pamilyar na boses

"Oo wala. Aanhin niya naman yun kung may tagapunas naman ng pawis niya?" Nagulat ako ng may humawak sa baywang ko, pinusan ang mukha ko bago nilapit sa kanya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita siyang nakangiti sakin

"Tyler!" Masayang sambit ko sa pangalan niya bago siya niyakap ng mahigpit, niyakap niya din ako pabalik

"I miss you" bulong ko ng hindi parin bumibitaw sa kanya

"I miss you more Fara" bulong niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. Nakarinig kami ng pag-ubo sa harapan namin at paniguradong si Jadyle lang yun, umalis din siya. Ilang minuto din kaming nagyakapan bago bumitaw

"Ang tagal mong nawala" sabi ko sa kanya habang nakasandal sa balikat niya

"Business. Pero ang importante, nandito na ako" hinalikan niya ang pisngi ko, kaya napatingin ako sa kanya at agad namang namula dahil ang lapit ng mukha niya.

Umayos na ako sa pagkakaupo at napatingin sa malaking salamin sa harap namin. Nakita ko ang repleksyon ni Jadyle na nakatingin sakin ng masama. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at binalewala. Nagkwentuhan lang kami ni Tyler habang kumakain at minsa'y sinusubuan niya ako ganon din ako sa kanya. Ininom ko muna ang tubig bago bumalik sa pagpapractice

Kung kanina nakabusangot ang mukha kong nagpapractice ngayon naman panay ang ngiti ko dahil si Tyler walang ginawa kundi ang pagchecheer sakin o diya kikindatan niya ako.

"Hindi to oras ng paglalandi" Malamig na sabi ni Jadyle habang umikot ako bago napasandal sa kanyang dibdib

"Hindi naman ako naglalandi" hinawakan naman niya ang bewang ko. I hate this step! Bat kasi may ganto pa!

"Admit it!" Nagtaas na siya ng tono kaya naapakan ko ang paa niya

"I'm sorry not sorry! Kung gusto mo ding may kalandian din why don't you grab a bitch outside. Kanina ka pa ha! Kung naiingit ka sa'min then shut up!" Sigaw ko sa kanya na nakapagkuha ng atensyon sa iba. Nakakainis na siya! Kanina pa ang sama ng tingin sakin at kung ano-ano ang pinagsasabi kahit hindi totoo! May humawak sa braso ko, si Tyler

"Dude are you jealous?" Tanong ni Tyler kay Jadyle na nakapagpagulat sa'ming lahat, pati si Jadyle hindi nakapagsalita

"Sorry dude, but she's mine" Dugtong ni Tyler bago pinadaos-daos ang kamay at hinawakan ang baywang ko bago kami tumalikod. What the F! Anong nangyare?

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now