Chapter 41 : Respect

1.6K 45 0
                                    

Fara's Pov

Mabilis pa sa alas kwatro ko siyang tinulak, natumba siya sa biglaang pagtumba ko sa kanya, buti na lang hindi siya natumba malapit sa apoy. Amoy alak. Walang hiya. Pinahiran ko agad ang labi ko at sinampal siya sabay tayo para umalis dun. Ang kapal ng mukha, nandidiri ako sa kanya. Ang kapal na walang hiya pa.

Hindi pa ako nakalalayo ng makaramdam ng kamay sa braso ko. Hinarap ko siya.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko dito na sigurado akong maririnig ng mga kasamahan namin dahil hindi pa kami nakakalayo

"You! What the fuck is wrong with you?!" Singhal niya sakin. Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at lumayo ng kunti

"Ewan ko sayo" tatalikod na sana ako ng pigilan niya ako at hinarap uli sa kanya

"I thought you love me?"

"Pwes, hindi na ngayon!"

"Hinalikan na nga kita diba?"

What?! Nanggigigil na talaga ako sa lalaking 'to

"Ano?! Ikaw nga itong walang hiya! Matapos mong kunin ang first kiss ko, hinalikan mo pa ako ulit!"

"What the fudge! Anong sinabi mong first kiss?! Ang landi mo palang babae ka!"

"Wag mong sabihin hindi ikaw?!" Gulat na sigaw ko sa kanya. But siya yung nakita ko paglabas ko, napakaimposible. Lasing lang siguro siya ngayon kaya hindi niya naalala

"No! Ngayon pa lang kita hinalikan dahil nirerespeto kita!"

"Wow! Respect?! Kung nirerespeto mo ako dapat tanggapin mo ang desisyon ko! Leave me alone!" Kasabay nun ay ang pagtakbo ko ng mabilis para hindi na niya ako masundan

Nagcheck-in ako sa pinakamalapit na hotel na nakita ko. Hindi muna ako matutulog sa tent, guguluhin niya lang ako.

Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit. Ano bang nangyayari? Ngayong hindi ko na siya pinapansin siya naman itong lumalapit sakin, at ang mas nakakapagtaka sino ang kumuha ng first kiss ko? Ugh.

Naalimpungatan ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Umupo ako sa kama at napasimangot kung sino ang pumasok.

"Bakla, okay ka lang?"

"Ang lakas talaga ng trip mo, nakatulog na ako. Bakit ka nga pala nandito? At bakit may spare key ka?"

"Pasensya na po ma'am. Ang kulit kasi eh, nagwawala sa labas hinahanap kayo. Baka mabulabog ang ibang guests kaya sinamahan na namin siya para masiguradong kakilala mo nga siya" sabi ng isang staff sa hotel na biglang sumulpot sa likuran niya

"It's okay, pasensya na rin po kayo. Pwede na po kayong umalis" tumango siya bago sinarado ang pinto.

"Umeksena ka kanina, alam mo bang nakanganga silang lahat habang nakikinig sa inyo. Ay, wait! Ikaw ha, ano yung first kiss na sinasabi mo? Nagkascene pa kayo kanina. Gosh, my eyes" binatukan ko siya

"Wala yun. Matulog na tayo para maaga tayong makagala bukas"

"Mas gusto ko pang makinig sa story mo"

"Nung birthday ko, may humila sakin sa isang room at hinalikan niya ako. Hinabol ko siya nung umalis na siya, at nakita ko si Tyler malapit sa elevator na katapat ng room, akala ko siya ang humalik sakin pero hindi pala. Hindi ko naabutan kung sino siya."

"Girl! Ahhhhhhh! Girl! My gosh! Girl!" Tili niya habang galaw ng galaw hindi mapakali. Pinaypayan niya ang sarili niya

"Ang daming nagmamahal sayo! May mystery guy ka! May admirer ka o stalker! Kinikilig ako! You know, ang sweet kaya nun! May pagkaromantic girl!"

"Ugh, hindi ka naman nakatulong. Wala akong mystery guy, admirer o stalker okay? Matulog na lang tayo"

"Ehhhhhhhh! Tapos kanina si Tyler naman! Girl! Kaloka ka! Ikaw na!"

Ginawa namin ang iba't-ibang adventures na pwede naming gawin sa bora. Nag jetski, snorkelling, island-hop, banana boat, lumangoy at iba pa sa loob ng dalawang araw. Umuwi din kami agad pagkatapos dahil may klase na at hindi yun trip talaga na para maggala.

"Shucks! Ang hot ng flight attendant bakla! Nakita mo ba? Tumingin siya sakin! Pati na din ang pilot! Ang sexy ng boses bakla!"

Kanina pa siya satsat ng satsat, kinikilig ang bakla

"Alangan namang di ka tignan, eh bumili ka. Ang harot mo din eh, pagkuha lang ng pagkain may pahawak-hawak pa sa kamay, kunwari di sinasadya" Humagikhik siya

"Yung kamay din pala bakla, ang bango! Hindi ako maghuhugas mamaya" napailing nalang ako sa kaartehan ni bakla at lumabas na sa bus na sumundo sa'min sa airport

A/N: Tinanggal ko na po ang picture sa running man challenge haha

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now