Chapter 35 : Bulletin Board

1.6K 53 6
                                    

Fara's Pov

Masaya naman ang naging double date namin. Yun nga lang napakaclingy ni Carla kay Jadyle kala mo naman aagawin namin sa kanya, may bakla na kaya ako. Panay pa ang irap niya at arte kaya napapatawa kami sa kanya.

"Fara! Tignan mo ang bulletin board" sabi ng kaklase kong si Macy

"Oo nga, totoo ba yun?" Dagdag pa ni Jazz

Nagugulahan kong tinignan silang dalawa.

"Pumunta ka na, marami ng tao dun"

Pagkarating ko sa bulletin board ang daming tao. Pinagsiksikan ko pa ang sarili ko para tignan kung ano yun.

Nakaramdam ako ng inis ng makita ang mga litrato na nandun, hindi lang litrato kundi may nakasulat pa sa ibaba. Yun yung binigyan ako ng paperbag ni Jadyle para ipalit sa damit ko na natapunan ng sauce, yung nasa Jollibee kami kumain pagkatapos naming pumunta sa boutique na pinuntahan namin para sa gown at suit sa pageant. Yung nasa timezone kami naglalaro at yung kumain kami pagkatapos maglaro. At yung kahapon sa mall.

"Fara Gabriel is a bitch, boyfriend stealer, and a slut"

What? Bitch? Boyfriend stealer? And lastly slut? What the fuck is this? Hindi nga 'to totoo pero ang sama-sama pa rin ng gumawa nito. Wala akong idea kung sino gumawa nito.

"Uy, totoo ba?"

"Two-timer yata"

"Haka-haka lang siguro yan"

"May pictures oh? Ano? Haka-haka pa din?"

Humarap ako sa kanila kaya natahimik sila bigla. Bumuntong-hininga ako bago sila hinarap.

"Are you all stupid? Tanga lang ang maniniwala diyan. Wala kaming ginawang masama, we're now friends again. And seriously? Kung sino man ang naglagay niyan dito, hindi pa inayos ang pagsisira. I'm not a bitch, not a slut and definitely I'm not a boyfriend-stealer. Sa tingin niyo ba mang-aagaw ako ng boyfriend kung may boyfriend naman ako sa panahon na yun? At oo, wala na kami ni Tyler. So please, shut up"

Umalis na agad ako at narining ko pa ang pagbubulung-bulongan nila. Pagpasok ko sa room dumating na si bakla. Na late pa ko.


A/N: Salamat po sa two hundred votes :)

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now