Chapter 36

1.7K 45 5
                                    

Fara's Pov

"Girl, bakit kaya sila naghiwalay?"

"Nagsawa na siguro, boto pa naman ako sa kanila"

"Hahaha, sorry pero kay Jadyle ako at Fara. May chance pa sila"

"Sila Tyler din naman ha, tara na nga"

Nakayuko akong naglakad papunta sa room, kalat na sa buong university ang nangyari. Kahapon pa sila naging reporter ng sabihin ko na wala na kami. The news had spread like wildfire.

Pagdating ko sa room nakatingin silang lahat sakin at kay Tyler. Hindi ko na sila pinansin at umupo na lang. Pinalibutan naman nila kami

"Hoy, Fara bakit kayo naghiwalay?"

"Sakin ka na lang Tyler"

"Hindi niyo na ba mahal ang isa't-isa?"

"Totoo ba yung nasa bulletin board?"

Dirediretsong tanong nila sa'min

"Uh, it's private you know" nagaalangang sagot ko

"Fell out of love" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Tyler, chismis na naman 'to panigurado

"Yeah, so ngayon pwede na kayong umalis sa harapan namin" nginitian ko sila ng pilit

"Seryoso? Wala na kayo?" Gulat na tanong ni Jadyle

"Opo, alam mo huli ka talaga palagi sa balita" nagkibit balikat lamang siya at ngumiti

Natapos na ang klase at hindi ko na hinintay si bakla. Tumakbo agad ako palabas ng room.

"Tyler!" Hinihingal na sigaw ko sa kanya. Napatigil siya sa pag lalakad at hinarap ako

"What?" Taas kilay niyang tanong

"Uhm, ano. Pwede ba nating pag-usapan ang tungkol satin? I mean maayos pa naman ito diba? Anong gusto mong gawin ko?"

"Nothing. I just want you to out of my life"

Tumulo ang luha ko, at tuluyan na siyang umalis iniwan ako luhaan. Oo mahal ko pa siya. Tanga na kung tanga, pero hindi naman ganun kadali mag move-on. Umaasa akong may pag-asa pa, para sa'min. Kahit pa sabihin nating umaarte akong walang pake pero sa loob ang sakit, ang sakit sakit na magpanggap na kaya mo na na wala siya.

Hindi ako susukong suyuin siya. Dadating din naman ang panahon na mapapagod ako sa ginagawa kong ito, pero habang ngayon na hindi pa ako pagod ipaglaban siya, lalaban ako. Pinahiran ko ang luha ko at humugot ng malalim na hininga. Kaya mo yan Fara.

"Tyler oh, kare-kare. May bagoong na din sa lagyanan" iniabot ko sa kanya ang tupperware pero itinulak niya lang ito kaya nabagsak sa sahig, buti na lang hindi natapon.

"Ayaw mo? Sayang naman"

"Pwede ba Fara, can you please stop doing that. Kahit anong gawin mo, hindi na mababalik ang kung ano man ang nangyari dati. Nasan na ang bakla mong kaibigan isama mo pa ang baduy mong ex at maarte nitong girlfriend? Iniwan ka din ba nila?"

"Hindi. Gusto ko lang nam-"

"Fara please! Hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo"

"Bakit? Hindi na ba talaga pwede Tyler?"

"Alam mo, ugh. Ewan ko sa iyo"

"Gagawin ko 'to hangga't gusto ko! Mapapagod din naman ako e"

Hindi niya ako sinagot at lumabas ng room. Katulad ng ginawa niya sakin iniwan ako ulit. Ayaw kong ipalam kina bakla ang mga katangahang ginawa ko, sermon lang abot ko sa kanya. Pinauna ko na siya cafeteria dahil magccr ako at yun ay ang palusot ko. Gusto kong ibigay kay Tyler ang paborito niyang kare-kare, but I guess hindi niya gusto. Sumunod na ako kay bakla sa cafeteria, tinaasan agad niya ako ng kilay pagdating ko.

"Kinuha ko pa ang baon ko kaya natagalan. Nagluto ako ng kare-kare kanina, gusto mo?"

Kumuha siya at sabay na kaming kumain. Buti nalang at hindi niya alam ang paboritong ulam ni Tyler.

Napahinto kami sa paglalakad nang makita ang nagkukumpulang estudyanteng sa bulletin board. Kinabahan ako bigla, baka kung anong kasinungalingan na naman ang pinost. May nakapansin sa'min at agad naman silang gumilid para matignan namin ang nasa bulletin board. Napabuntong-hininga ako ng isang note lang yun para sa mga estudyante. Hindi naman importante.

Habang naglalakad, tumitingin sa'min ang mga estudyante pati na din sa cellphone nila. Hindi na ako nakatiis at hinarap si bakla

"May sauce ba mukha ko?"

"Wala"

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating na din sa room. Ganun din ang ginawa nila titingin sakin bago sa cellphone nila. Pagkaupo ko bigla ng nagbeep ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan ang message

Such a pathetic princess

At sa ibaba ay isang picture ko kanina na yumuko para kunin ang tupperware at si Tyler naman na nakatagilid.

Tinignan ko si bakla at busy siya sa phone niya. Palihim kong sinilip ang screen ng phone niya at buti na lang naglalaro siya. Hindi siya sinendan. Phew.


A/N: Okay pakibatukan po ako hahahaha joke xD. Hindi po dapat ganito ang ud ko pero la eh iniba ko ewan ko sakin hahahaha. But I hope you like it ;)

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now