CAPITULO VIII

1.4K 31 8
                                    

A/N: On your right is the painting of La Bulaqueña (1895) by Juan Luna.  According to Wikipedia, she wears a tradional Maria Clara gown. 

This is the link: http://en.wikipedia.org/wiki/Mar%C3%ADa_Clara_gown

and

An instrumental music video of 'A thousand Years' by ThePianoGuys

Great thanks to @Czesivaroham for editing my updates and giving tips to make it better.

Happy Reading!  Do not forget to vote and Comment!

-------------------------

He was still hurting.  Masakit pa din sa kanya ang makita silang dalawa.  He concentrated on his driving instead of thinking about his ex fiance.  Looking at the woman next to him, she smiled at him.  This woman has spoken his name--but she's a mystery.  He knows he has met her somewhere--someplace...but where? Her smile is so familiar to him. Where did I meet her? He asks himself with a sigh--kept his eyes on the road.  “Okay ka lang, Anthea?”  Napatingin ito sa kanya at ngumiti.

“Asaan ang kapatid mo?”

“Siya na lang mag-isa ang uuwi.” Maikling sagot ni Jordan.  Tahimik sila sa loob ng kotse.  Wala ni isa man sa kanila ang sumubok magsalita ulit.  Pinagmamasdan ang mga gusali at lugar na nalalagpasan nila.  Nananatili pa din ang kanyang pagkamangha sa pagiging moderno ng Dos Mil Trece.  Hindi niya akalain na magkakaroon ng kaganapan ang mga pinangarap ng tao noon--malalaking gusali, mga sasakyang tulad ng isang calesin na may apat na gulong at walang kabayo.  Noon, napakadami ng tao sa kalye.  Mas marami pa ang mga mga tao kaysa sa mga calesin, ngunit ngayon ay nagbago na.  Mas marami na ngayon ang mga sasakyan kaysa sa tao.  

May kakaibang--tunog siyang narinig, tila isang musika.  Musikang galing sa tabi.... ni Jordan?

“Papaano...” Tanong ni Anthea.  Hindi mawari ni Anthea kung papaano nakakagawa ng himig ang isang parihabang bagay sa harapan ng kotse.  Umiilaw ang bandang gitna nito ay may mga nakasulat na numero.  Kay ganda ng himig na nagmumula rito.

“Ikaw lamang… ang tangi kong minamahal,

Ang tangi kong dinarasal,

sana’y habang buhay tayong magkasama…"

Nakita niyang may hinawakan si Jordan at bahagyang humina ang musika.  “Naiingayan ka ba?  Gusto mo bang patayin ko na?”  Sinong papatayin?

Tinignan niya si Jordan.  Magkasalubong ang kilay nito.  Nag-iba ang timpla ng kanyang Caballero.  Masaya ang kanilang pagbibiruan noong una at biglang naging malamlam ito.  Hindi niya batid kung ano o kung sino ang dahilan.

Gayunpaman, hindi mapagkakaila na ramdam niya ang kanyang lungkot.  Gusto sa niyang tanungin ang pakiramdam nito ngunit pinigilan niya ang sarili.

“Ano yun?”  Tanong ni Jordan.

“H-Ha?  W-Wala,” kinakabahang tugon ni Anthea.  Hindi niya namalayang nakatitig siya kay Jordan.  Mabilis na pindig ng puso at pamumula ng mukha ang idinulot nito sa kanya.  Gwapo ang Caballerong nasa tabi niya kahit nakasimangot ito.  Sayang at hindi niya dala ang abaniko niya upang ikumbli ang kanyang ngiti.  Gusto niyang malaman ang dahilan ng pagkapawi ng ngiti nito.

Nagtungo sa kusina sina Jordan at Anthea pagdating nila ng unit.  Kailangan niyang makausap si Thea bago siya matulog.  Sinabihan niyang umupo muna ito sa counter habang nilalagay niya ang mga pinamili nito sa kwarto.  Pagbalik sa kusina, kumuha siya ng dalawang tasa at para magtimpla ng paborito niyang drink--hot chocolate.  Nakasanayan na niyang uminom nun bago siya matulog.  Habang nagtitimpla ng hot choco, nakita niyang nakatitig sa kanya si Thea.

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon