MY GANGSTA BOY [17]

10.7K 201 19
                                    

Bring it on! Hahhahaha!! Sorry kung natagalan ang update. TAKE CARE <333

MY GANGSTA BOY [17]

by: tiffanism

SUZY'S POV:

Napatigil akong umiyak nang may pumasok sa kwarto. Hindi sya si Junhyung, Kikwang ata ang pangalan nya. Lumapit sya sa akin.

"B-bakit?" tanong ko sa kanya.

Nag-smirk lang sya sa akin. "Lilipat ka lang muna." tapos gamit ang maliit na kutsilyo, sinira nya yung mga tali na nakapulupot sa akin. Nagulat ako nung nilagay nya sa bewang ko yung sharp end ng kutsilyo. "Naninigurado lang. Baka pumalag ka pa eh! Bilisan mong maglakad."

Wala akong nagawa kungdi sundan sya. Lumabas kami sa maruming kwarto na yun. Pero mas marumi yung nilabasan namin ngayon. May upuan sa pinakagilid. Dun kami tumigil. "Upo!"

Napaupo ako kaagad. "Hyunsung, pakiabot naman yung tali." maya-maya lang may tali na syang hawak. Itinali na naman nya ako.

"Bakit nyo ako nilipat dito?"

Nag-smirk sya. "Para naman makita mo kung paano namin gulpihin yung siraulo mong boyfriend!" tapos iniwan nya na ako.

Ibigsabihin.. p-papunta na dito si babe? Nagdasal ako. Sana naman maging ligtas kami, lalo na si Kiseop. Afterall, kasalanan ko lahat ng ito.

Lumakas yung tibok ng puso ko nung may narinig akong motor na paparating.

"Mukhang anjan na sya ah!" sabi ni Kikwang.

Tumingin sa akin si Junhyung tapos kumindat. Walanghiya sya!! Pumapalag ako, pero mahigpit talaga yung pagkakatali sa akin. 

"KISEOP, WAG MO NA AKONG ILIGTASS!! UMALIS KA NA!!" hindi ko alam kung paano ko sya mailalayo dito kaya yun lang yung naisip ko na paraan. Alam kong narinig  ako ni Kiseop. Sana pankinggan nya ako. Sana, magback out na sya kaagad hangga't hindi pa sya nakakatapak dito sa hideout ng Beast.

Bigla akong nilapitan ng kamember nila na blonde. "Pwede manahimik ka?" tapos tinakpan nya yung bibig ko ng panyo. Hindi na ako makasigaw. T_T

Mga ilang seconds, nasa harap na ng Beast si Kiseop. Napaiyak uli ako. Alam ko kasi na sya lang mag-isa ngayon. Hindi nya kasama ang U-Kiss. 

"Ilabas nyo si Suzy!!" bungad kaagad ni Kiseop. Makikita mo sa mga mata nya ang galit.

Tinuro ako ni Junhyung. SInce hindi ako makapagsalita, umiling-iling lang ako. Parang sinasabi ko sa kanya na umalis na sya. Lalapitan sana ako ni Kiseop kaso hinarangan sya ng Beast.

"Gusto mo syang makuha? Talunin mo muna kami." sabi ni Junhyung.

MADAYA! Nag-iisa lang si Kiseop samantalang anim sila.

"Kung yan ang gusto nyo." napapikit na lang ako. Hindi ako handa sa mga susunod na makikita ko.

Pero napadilat kaagad ako nung nakita kong natumba kaagad yung blonde hair. Tapos sinipa nya sa mukha si Kikwang. Sinuntok nya rin si Hyunsung. 

Nashock ako. First time kong makita si Kiseop na nakikipag-away. Ang galing nya. "Talunin mo sila Kiseop! Iligtas mo ang sarili mo. Ayokong masaktan ka." 

Okay na sana kaso nasuntok sya ni Junhyung, nakabawi rin naman si Kiseop. Pero biglang tumayo yung dalawang nasuntok kanina at hinawakan si Kiseop. Pumapalag pa si Kiseop kaso paulit-ulit na syang sinusuntok ni Junhyung.

Nakita ko na nasasaktan na si Kiseop. "Tama na. Tama na!"

Nabuhayan ako ng loob ng may nakita akong cellphone malapit sa kinauupuan ko. Unti-unti kong dina-drag yung chair. Mahirap pero kinakaya ko. Nagtagumpay din akong makuha yung cellphone. Sandali na lang Kiseop.

Buti na lang memorize ko yung number ni Kevin. Tinawagan ko sya. Ilang seconds lang sinagot nya ito. Alam ko na maiintindhan nya kung ano ang nangyayari ngayon. 

Ang lakas kasi ng bawat suntok ni Junhyung. Maririnig mo rin yung boses ni Kiseop na nasasaktan. 

"Sisiguraduhin kong mamamatay ka bago sumikat ang araw, Kiseop!"

Biglang nag-end yung call. Alam kong papunta na dito ang U-Kiss, kailangan. "Babe, sandali na lang..."

Awang-awa na ako kay Kiseop. Duguan na sya. Pinagtutulungan na sya ngayon lahat ng Beast. Sinisipa sya, sinusuntok. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko man lang sya matulungan sa sitwasyon nya.

Blurry na nga yung paningin ko. Pero nakita kong nakatingin lang sa akin si Kiseop. Kahit sa nanlalabong paningin.. kitang-kita ko..

he mouthed "I LOVE YOU.." to me.

Humahagulhol na ako, nakaya nya pang sabihin sa akin yung mga yun, kahit na nahihirapan na sya.

"I love you too.." 

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon