MY GANGSTA BOY [18]

10.9K 218 22
                                    

May pasok na naman. Tskk! Kung hindi ko lang mahal ang mga readers ko, hindi ako mag'uupdate eh. HAHA! Tamad kasi ako. :/

MY GANGSTA BOY [18]

by: tiffanism

SUZY'S POV:

Patuloy pa ring pinagtutulungan ng Beast si Kiseop. Grabe, mga walang awa! Nakita naman nila na halos maligo na sa dugo si Kiseop. Ako naman, pinipilit makawala sa pagkakatali at patuloy na sumisigaw ng "TAMA NA!" kahit na alam kong hindi nila ako maririnig at maiintindihan.

"TAMA NA! TAMA NA!"

Awang-awa na ako kay Kiseop. Unti-unti na syang pumipikit. Ayoko! Kiseopp! Hold on!! Darating pa kaya ang U-Kiss? Sana naman, makahanap sila ng paraan kung paano nila mahahanap itong hideout ng Beast!

Napasigaw ako ng tuluyan ng pumikit si Kiseop. Nagtatawanan ang Beast at siyang-siya sa nakikitang paghihirap ni Kiseop. Pumikit ako at nagdasal. Alam ko, tutulungan kami ng nasa taas. Alam ko..

*BLAG!*

Napadilat ako agad. May nagtapon ng malaking bato sa gate ng hideout ng Beast. Bigla akong nagpasalamat, dahil dumating na ang U-Kiss. Napatigil ang Beast sa pagsipa kay Kiseop. Ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng gulat. Marahil hindi nila inaasahan na darating ang UKiss.

Nakita kong tumingin ang Ukiss sa nakahigang katawan ni Kiseop. Kitang-kita mo na galit na galit sila sa ginawa ng Beast. Nakakatakot ang aura ng dalawang gangster group sa harap ko pero sana.. makatakas kami ng Ukiss dito. Sana.. matalo nila ang Beast..

Ilang minuto muna silang nagtitigan. Marahil ay nagsusukatan. Hindi na ako nagulat nung nagsimula na silang mag-away. Parang nasanay na ako sa ganitong eksena. Masama mang isipin pero gusto kong saktan ng Ukiss ang Beast para makatakas na kami dito at para tantanan na nila kami.

Nakita kong may tinapon si Kevin kay Kikwang na baseball bat at sinipa si Yoseob. Nakikipagsuntukan naman si Eli kay Junhyung. Nakita kong parehas silang magaling. Si Hoon at AJ naman ay pinagtutulungan si Doojoon. Si Xander ay kasalukuyang sinusuntok ng paulit-ulit si Dongwoon. Nakita ko si Dongho na nilalayo ang katawan ni Kiseop sa mga nag-aaway. Nakita kong nilabas nya ito. Salamat, mukhang maliligtas na kami.

Ilang minuto lamang, nasa harap ko na si Dongho at kinakalagan ako. Nung malaya na ako, ako na ang nagtanggal ng panyo na nakatali sa bibig ko.

Bigla kong nayakap si Dongho, feeling ko nanghihina ang tuhod ko. Ligtas na kami!

"Salamat..!" bulong ko sa kanya.

"Okay ka lang ate? Tara, lumabas na tayo rito.. may naghihintay na van sa labas." tapos inakay nya ako palabas ni Dongho.

Pagpasok namin sa van agad kong nialpitan si Kiseop na hanggang ngayon ay walang malay at puno ng dugo sa mukha. 

"Babee!!" niyakap ko sya. Tumingin ako kay Dongho, "Kailangan na syang madala sa hospital! Baka kung mapano sya! Dali Dongho, pumunta na tayo ng hospital! Dongho.. sige na." hinhila-hila ko pa yung polo nya, grabe na rin yung iyak ko.

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon