MY GANGSTA BOY [6]

15.4K 286 14
                                    

Ayna man. Excited na ako sa music video ng THE BOYS. Aishhh!! >___<

MY GANGSTA BOY [6]

by: tiffanism

SUZY's POV:

"Babe, gising na.." tapos naramdaman kong may humawak sa pisngi ko. 

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. KISEOP!?

Napabangon ako agad. "Babe, anong ginagawa mo dito??" napalingon ako sa bintana ko. Hindi pa sumisikat ang araw, siguro mga 5 am pa lang!

Ngumiti sya sa akin. "Well, nandito ako kasi ayokong maging lampa ang baby ko." 

Huh? Di ko gets~

Saka ko napansin ang suot nya. Jogging pants and plain t-shirt na color white, tapos naka-jacket sya. Simple lang yung suot nya pero ang gwapo pa rin nya. >__<

Humiga ako ulit. Antok pa ako eh.

"Babe naman, tutulugan mo ba ako hah? Bangon na jan!!"

For the second time, bumangon ako. "Ano kasi ang gagawin natin sa ganitong oras??" tapos napakamot ako sa buhok.

 "Hayy, 'di mo pa rin nakuha? Tsk. Magjo-jogging tayo. Para naman kahit papaano eh nakakaexercise ka." tapos hinila nya ako papuntang cr. "Maghilamos ka na at magbihis, hihintayin kita sa baba!" tapos kiniss nya muna ako sa noo bago umalis.

"Jogging? Why not!" naexcite ako bigla. Naghilamos at nagbihis ako kaagad. Same lang din kami ng suot, ang kaibahan lang, pink lahat ng suot ko. Yep, pati yung rubber shoes. ^__^

Pagbaba ko, nakaupo sya sa sofa at nakikinig ng iPod. Nung nakalapit na ako saka sya tumayo at hinawakan ang aking kamay. "Tara!"

"Teka, si Tita?"

"Sya nga ang nagpapunta sa akin dito eh. Ang aga nyang umalis.. tinawagan nya ako kanina mga 4 am, wala ka raw kasi kasama. San ba sya pupunta?"

"Ah, may seminar ata silang pupuntahan ngayon!"

Nag-shrug lang sya. So yun, lumabas na kami ng bahay. Nag start na kami mag-jogging. Huwaw! Ang lamigg. Brr!

Napunta kami sa park. Marami-rami na rin ang nagja-jogging. After 30 minutes, napagod naman na ako. Si Kiseop, pawis na pawis na rin pero parang okay pa rin sya. Napaupo ako sa bench. Napansin nya ata na tumigil ako kaya tumigil din sya. Umupo sya sa tabi ko. "Tired?"

"Oo eh." pinunasan ko naman yung pawis ko. Nabigla ako kasi hinawakan nya yung braso ko, tapos sya na yung nagpunas ng pawis ko gamit yung towel nya. Grabe, ang lapit na namin sa isa't-isa.

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon