MY GANGSTA BOY [10]

12.9K 250 20
                                    

MY GANGSTA BOY [10]

by: tiffanism

KISEOP'S POV:

"Job well done, Kiseop. You never failed to amaze me. Nagawa mo ang mission na ipinagawa ko sa iyo in just three days. Mahusay! Pwede ka ng magpahinga, Kiseop."

Nag-slight bow ako sa founder ng gang namin, si GD. "Salamat."

"Hindi ka ba matutulog dito sa hideout ngayon?"

"Hindi po. May dapat pa kasi akong aasikasuhin."

"Ganoon ba? Maaari ka ng umalis."

Paglabas ko sa office ni GD, sumakay agad ako ng elevator para makababa. 

"Kiseop!!" napalingon ako sa likod ko. 

"Welcome back dude! Musta ang Paris?" nakangiti sa akin sina AJ.

Nag-shrug lang ako. "Okay lang."

"Teka, pasalubong namin!! Asan?" lumapit kaagad sa akin si Dongho.

"Kunin mo sa kwarto ko."

"Yo man! Sige, kukunin ko na ha!!" tumakbo na sya palayo sa amin.

"Tsss. Isip bata pa rin." ibinalik ko ang pansin ko sa kanila. "So, kamusta na si Suzy?"

"Well, miss na miss ka na nun!" - Hoon

"Pero Kiseop, sorry.." napatingin ako kay Xander.

"Bakit? Anong nangyari!!?"

Hindi sila makatingin sa akin. "Xander, ano??"

"Eh kasi ano eh, nasa canteen kami that time. Walang kasama si Suzy pumunta sa cr. Then biglang may nag-lock sa door. Buti na lang at alam ni Kevin kung nasaan si Suzy."

WHATTHE--!

"Sino yung nag-lock sa kanya?"

"Serri. Pero iniinform ka lang namin. Hayaan mo na yun. Si Suzy mismo nagsabi na pabayaan na lang yun. Ang mahalaga, okay lang daw sya." paliwanag sa akin ni Kibum.

"Well sa akin HINDI!" nagulat sila sa akin. "Sige, may pupuntahan pa ako. Hindi ako matutulog ngayon dito. Salamat na rin kahit papaano sa pagbabantay nyo kay Suzy." tinalikuran ko na sila.

Shit. Lagot ka sa aking babae ka. No one should ever mess with MY BABE.

Sumakay na ako sa motor ko at nagpatakbo ng mabilis. Huminto ako sa bahay nila babe. Napatingin ako sa relo ko, 1:45 AM. Malamang tulog na si babe. 

Umakyat ako sa gate, then sa bintana. Sanay na ako. Lagi akong dumaraan dito dati.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto nya, dahan-dahan kong pinaandar ang ilaw. There, nakita ko yung babe ko.. nakahiga. Nilapitan ko sya. Umupo ako sa side ng kama nya. Kinumutan ko sya kasi medyo natanggal yung kumot nya. Hinaplos ko ng dahan-dahan yung pisngi nya, baka magising eh. 

"I miss you babe.." then I kissed her lightly on her forehead. Four days ko syang hindi nakita. Four days kong hindi narinig yung boses nya, hindi naramdaman yung warmth nya. FOUR DAYS akong NANGULILA sa kanya. Alam kong iniisip nyo na napakadali lang nun pero para sa akin, ang four days na yun.. ay parang napakatagal.

Kung pwede lang nga sana na madaliin yung mission na ibinigay sa akin, ginawa ko na. Ang kaso, napakahirap ng binigay sa akin ni GD. Pero ayos lang yun. Malaki ang utang na loob ko sa founder ng gang namin. 

Napangiti ako nang mapagmasdan ko syang natutulog. Para pa rin syang anghel kahit sa pagtulog. She looks so peaceful.

Then bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Kibum. Nag-form into a fist ang kamay ko. "Sorry babe, kung hindi man lang kita naligtas. Don't worry, malalagot sa akin yang Serri na yan."

Umungol sya. Parang tumututol. "Pagsasabihan ko lang naman sya." Hinalikan ko yung right hand nya bago pinatay ang ilaw at dahan-dahang umalis.

---

"Uhhh." unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Awtomatikong napatingin ako sa orasan. 2:30PM. Psh. Halatang napuyat talaga ako. Ngayon lang ako nakabawi ng tulog.

Naligo ako kaagad at nagbihis. Kailangan kong pumunta sa school ngayon. Alam kong hindi na ako makakaabot sa klase, i don't care. Hindi naman yun ang reason kung bakit ako pupunta ng school. NEVER. Kaya lang naman ako pumapasok sa school kasi pinipilit kami ni GD. Gusto nya kahit papaano eh maranasan man lang namin ang normal na buhay-estudyante. And one thing, kasi lagi kong nakikita si Suzy.

Pero ngayon, kakausapin ko muna ang walangyang naglock sa babe ko, bago magpapakita sa kanya. I'm sure, miss na miss nya na rin ako.

---

"Nagkakaintindihan na ba tayo?"

"O-oo!" tapos umiyak sya uli.

"Sinabi ko naman sa inyo dati pa, na walang pwedeng gumalaw kay Suzy. Pero hindi ka nakinig.. subukan mo ulit gumawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan nang maihanda ko na ang libingan mo.. kahit na, babae ka pa."

Tuluyan ko na syang iniwan sa gym. Pinagsabihan ko lang si Serri. Ewan ko dun bakit umiyak. Pero 100% sure na ako na lalayuan nya na ang babe ko.

SUZY'S POV:

Malungkot akong nakatingin sa kawalan. Wala pa rin si Kiseop. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng may naramdaman akong yumakap sa likod ko. That familiar scent..

"KISEOP!!"

Humarap ako sa kanya. Nag-smirk lang sya. "Missed me?"

"Sobra!" niyakap ko sya uli. Naramdaman kong inaamoy nya yung buhok ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ang saya ko promise! 

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon