MY GANGSTA BOY [14]

11.2K 208 12
                                    

Short update muna ha, babawi lang ako bukasss!! GOMENASAI. >////<

MY GANGSTA BOY [14]

by: tiffanism

KISEOP'S POV:

"Tulog na ba.. si Tita Eula?" tanong ko kay Suzy.

"Oo. Malapit ng mag-10 pm eh." 

Pagkasabi nya nun, pumasok na ako agad sa loob. Ako na rin yung nag-close ng door. Nakita kong umupo si Suzy sa sofa. Ang lalim ng iniisip nya ah. Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. 

"Natatakot ka ba?" tanong ko sa kanya.

"K-kanina.. oo." damn! Lagot talaga sa akin yang BEAST na yan. 

Agad kong isinandal yung ulo nya sa balikat ko. Tapos hinalikan ko sya sa forehead. "Wag kang matakot. Andito ako. Ipaglalaban kita hanggang kamatayan. Hindi ko hahayaang mahawakan ka nila.." 

Bigla syang nagsumiksik sa akin. Teka, basa?? 

"Babe, umiiyak ka ba??" hinagod ko yung likod nya.

Hindi sya sumagot. Inilayo ko sya sa akin para makita ko yung mukha nya. Damnn! Umiiyak nga sya. Pinunasan naman nya yung mga luha nya.

"Sorry. Ewan ko ba, n-natakot lang ako kanina.."

"Ssshh." ako na yung pumahid ng mga luha nya. "Tama na, okay?" tapos niyakap ko sya. Ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na lagi akong nandito kaya wag syang matakot. 

Tumigil naman syang umiyak. I cupped her face. "I love you, babe." then I kissed her on the tip of her nose before kissing her on the lips. We shared an intimate kiss. Hindi ko alam kung gaano katagal yun pero ako yung naunang naglet-go.

Nakita kong namula sya. Aww. >__<

"S-sige, aalis na ako. Magkita na lang tayo bukas." tapos kinurot ko sya sa pisngi. Kasi kung tatagal pa ako dito, baka.. hindi ko na mapigilan ang sarili ko. 

"Mag-ingat ka ha." sabi nya sa akin.

"Sila ang mag-ingat sa akin." 

Tapos lumabas na ako. Pagkasakay ko sa motor ko, hinintay ko munang ma-lock nya yung door bago humarurot paalis.

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon