MY GANGSTA BOY [22]

10.6K 217 20
                                    

SHORT UPDATE. Bukas.. mahaba na talaga. PATAWAD. :(

MY GANGSTA BOY [22]

by: tiffanism

SUZY's POV:

Naglalakad ako ngayon papunta sa garden. Walang tao doon ngayon. Napili kong puntahan yun dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil tahimik dito. At ang pangalawa ay, naaalala ko si Kiseop. Lagi kasi syang tumatambay rito.

Umupo ako sa malapit na bench. I heaved a sigh. Ano na ba ang nangyayari? Wala na kasi akong pakialam sa paligid ko. Naiinis ako. NAIINIS ako kay KISEOP. Bakit ganun? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising??

Naalala ko tuloy yung time na hindi sya sa akin nagpakita for how many days, ni hindi man lang sya nagpaalam sa akin. GALIT ako sa kanya that time, pero nung nakita ko na sya, parang bulang naglaho na lang basta-basta yung galit na nararamdaman ko sa kanya. Ganoon ko sya kamahal. 

Sana, sana man lang.. magpakita na sa akin si Kiseop. Gaya nung ginawa nya noon. Pero imposible..

Nung naramdaman kong maiiyak na ako, agad akong tumayo upang makaalis na sa garden at umuwi. Ayokong may makakitang umiiyak ako. Ayoko..

Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, sa baba lang. Nang biglang may humawak sa braso ko, napatigil naman ako sa paglalakad at unti-unting hinarap kung sino man ang nakahawak sa braso ko ngayon.

Nagulat ako sa aking nakita. Pumikit pa ako ulit para masiguro kung si... KISEOP ba talaga ang nasa harap ko?

Kinurot ko ang pisngi ko, baka kasi HALLUCINATION na naman eh. ;"<

Pero.. weird kasi, parang totoo.. nakatingin sa akin si Kiseop at base sa hitsura nya, malungkot sya at mukhang maraming gustong ipaliwanag sa akin.

"Babe.. ako 'to. Si Kiseop." then he hugged me tightly. Dun na ako napaiyak.

Hindi lang pala 'to HALLUCINATION. Totoo talaga na kayakap ko na si Kiseop. Yung amoy nya. Yung paraan ng pagyakap nya sa akin, na pakiramdam ko ligtas ako. Salamat at okay na sya.

Ewan ko ba pero bigla akong bumitiw sa pagkakayakap nya sa akin at pinagpapalo ko sya sa dibdib.

"Nakakainis ka naman eh! I HATE YOU, I HATE YOU!! Bakit ngayon ka lang nagising?? Waaa! I hate you.." patuloy ko pa rin syang hinahampas sa dibdib. Pinigilan naman nya ako at niyakap ulit, mas mahigpit this time.

"Sorry.. sorry babe." yun lang yung sinabi nya pero napakalaki na nung impact sa akin. Nakakainis talaga! Bakit ganon? SORRY lang yung sinabi nya.. pero napatawad na sya kaagad ng puso ko.

Naramdaman kong hinahaplos nya ang buhok ko. "Please don't hate me.. hindi ko kakayanin." pinaharap nya ako sa kanya. "I LOVE YOU SO MUCH. Please, please.. patawarin mo sana ako." hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito.

"A-alam mo naman na hindi kita kayang tiisin diba?" pinunasan nya yung mga luha ko. "At alam mo rin na mahal na mahal kita." Gusto ko pa sanang dagdagan yung mga sinabi ko sa kanya kaso 'di ko na nagawa dahil niyakap na naman nya ako ng mahigpit.

"Hindi ko alam kung ano ba ang kabutihang nagawa ko para ibigay ka sa akin ni Lord." yung boses nya parang pinipigilan nya ring umiyak. 

"Tara, babawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sayo." hinawakan nya ang kamay ko. Napasunod na lamang ako sa kanya. Saan naman nya ako dadalhin?

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon