MY GANGSTA BOY [20]

11K 215 27
                                    

<--- Please VOTE and don't forget to post your comment below! ;)

MY GANGSTA BOY [20]

by: tiffanism

SUZY'S POV:

Nanghihinang napaupo ako sa sofa namin. Kagagaling ko lang sa hideout ng UKiss. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising si Kiseop.. and it's been four days already!! Kawawa talaga ang babe ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang Beast, napakabrutal nila. 

"Hindi pa rin ba nagigising si Kiseop?" tanong ni Tita sa akin na kalalabas lang sa kanyang kwarto. Halatang kagigising lang nito.

"Hindi pa po eh.." lumapit si Tita sa akin. Napansin nya atang maiiyak na naman ulit ako kaya niyakap nya ako agad. Hinahaplos ang aking buhok. 

"Ssshh. Tahan na. Magigising din si Kiseop.." sa totoo lang, nahihiya na ako kay Tita. Lagi na lang nya akong nakikitang umiiyak. Buti na lang at nandyan sya para patahanin ako at iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Sya rin ang isa sa mga nagbibigay sa akin ng lakas na loob para harapin ang buhay kahit na hindi pa rin nagigising si Kiseop.

"Tita, salamat sa lahat-lahat." sinabi ko yun habang yakap-yakap ko sya.

"Walang anuman, anak. Mabuti pa, matulog ka na. Ang laki na ng eyebags mo eh." tapos tumingin sya sa orasan. "11pm na, maaga ka pang gigising bukas."

Nag-nod ako. Hinalikan ko muna si Tita sa cheek bago pumasok sa kwarto para matulog. Pero syempre, nagdasal muna ako bago natulog. Ipinagdasal ko na sana.. magising na si Kiseop.

KISEOP'S POV:

Unti-unti akong dumilat. Napapikit ako agad dahil sa silaw ng ilaw. Ang sakit ng katawan ko. Ramdam kong may mga nakapulupot na bandages sa akin. Umupo ako sa kama. Napahawak ako sa sumasakit kong ulo.

Ano bang nangyari? Naalala ko na kinuha ng Beast si babe. Pinuntahan ko ang hideout nila. Nakita ko si babe. Nagalit ako sa Beast, ayaw na ayaw kong may ibang humahawak at sinasaktan si babe. Sinugod ko ang Beast pero anim sila, isa lang ako. Pero hindi ako nagpatalo, lumaban ako ng lumaban. Pero, napatumba nila ako. 

Naalala ko na habang binubugbog ako ng Beast nakita ko si babe na umiiyak, naaawa sya sa akin. Damn that Beast! Babawi ako. Ang kikitid ng mga utak nila. Hindi ba nila maintindihan na HINDI AKO ANG PUMATAY SA FOUNDER NILA!

Hindi ako yung gangster na kung sinu-sino ang pinapatay. F.ck! Hindi kami masasamang GANGSTERS! We have our own definition of what gangster is. 

Napatayo kaagad ako. Naramdaman ko yung sakit sa buong katawan ko. Pero pinilit kong maglakad para makalabas sa kwarto. Kailangan kong makausap sina Kevin, bakit nandito na ako? Nasaan na si babe? Okay lang ba sya? Ilang araw na ba akong tulog? Damn! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Babe, at baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at MAPATAY ko ang Beast. Siguraduhin lang ng Beast na ligtas si babe.

Bubuksan ko na sana yung pinto pero biglang bumukas ito at nakita ko ang UKiss. Lumaki yung mga mata nila pagkakita sa akin.

Magsisimula na sana akong magtanong sa kanila pero hindi ko na nagawa dahil sabay-sabay nila akong niyakap. Dahil masakit yung katawan ko, syempre napa-ARAY ako. Pinilit ko silang mailayo sa akin.

"Ano ba..! Ang sakit pa ng katawan ko. May balak ba kayong dagdagan ha!?"

Parang wala silang narinig. Nakangiti silang walo sa akin. "Gising ka na! Woww! GISING KA NA!" sigaw ni Dongho.

"Welcome back Kiseop." nag-smirk sa akin si AJ.

Napangiti ako. May feeling kasi ako na sila ang tumulong sa akin para makaalis sa hideout ng Beast. Teka,

"ASAN SI BABE?!!" lumakas yung pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa maaaring isagot nila Dongho.

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon