MY GANGSTA BOY [11]

13K 244 14
                                    

Sorry short update lang! >_<

MY GANGSTA BOY [11]

by: tiffanism

SUZY'S POV:

"Ahm, saan ba kasi tayo pupunta babe?" napatingin ako sa kamay namin na magkahawak. Tumigil naman sya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Saan mo ba gusto?" tanong nya sa akin. Teka, saan ba?

"Kahit saan basta kasama kita." 

Kinurot naman nya yung pisngi ko. "Tara na nga!" Grabe na yung ngiti nya. Nahawaan tuloy ako! Tsaka totoo naman eh, kahit saan basta kasama ko sya. :3

Nag-stop kami kung saan nakaparada yung motor nya. Ngumiti sya sa akin, "Gusto mo kong makasama? Fine. Magde-date tayo." then kumindat pa sya.

Isusuot na sana yung helmet sa akin kaso biglang dumating sina Eli.

"Kiseopp! Langya tol, kanina ka pa namin hinahanap ah!" tinapik nya pa sa balikat si Kiseop. 

"Oo nga!!" naki-ayon pa si Dongho.

"Bakit nyo naman ako hinahanap?" tanong ni Kiseop sa kanila.

"Tsk. Tol naman eh, syempre.. MAGPAPALIBRE kami sayo!! Alam na.. katatapos lang ng mission mo, so it means.. andami mong pera ngayon!!" 

Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Magsasalita ba ako or what? In the end, naisip kong tumahimik at panuorin na lang sila.

Nakita kong napakamot sa batok si babe. "Hayy, naku naman! Kahit kailan talaga napakawrong timing nyo!! Wag kayong mag-alala dahil ililibre ko naman talaga kayo pero pwede ba.. bigyan nyo muna ako ng time para masolo ang babe ko? Namiss ko sya ng sobra, okay?" tapos tinapik nya si Hoon sa balikat, "nagsasawa na nga ako sa pagmumukha nyo eh." 

"Hoy, walang ganyanan tol ah!" sinuntok sya ni Eli sa braso pero hindi naman malakas.

Nagpeace-sign sya kaagad. "Joke lang naman yun!"

"O sya sige, umalis na kayong dalawa. Basta Kiseop ha, lilibre mo kami." - Xander

"Oo nga eh! Kulit din ng lahi mo."

"Oist sandali lang, may sasabihin lang kami sandali kay Suzy." hinila naman ako ni AJ at ni Kibum papalayo kay babe.

"Ahm, tungkol saan ba ang sasabihin nyo?"

"Suzy, may tiwala kami sayo. Napakabata mo pa okay?" actually, ang weird nilang mag-isip. "Wag kang papayag kung--" hindi na natapos ni Kibum yung sasabihin nya kasi binatukan na sya ni Kiseop.

"Pwede ba! Anong akala nyo sa akin? Pagsasamantalahan ko si babe? Tsk!" inakbayan naman ako ni babe. "Tara na nga. May date pa tayo eh!"

Iniwan namin si Kibum at si AJ na nagkakamot ng ulo. Isinuot na sa akin ni babe yung helmet. Bago pa kami makaalis nagba-bye muna sa amin sina Dongho.

---

Nag-stop kami sa isang.. GARDEN!!? Napatingin ako kay Kiseop. "Shall we?" tapos hinawakan nya yung kamay ko.

Pero sa gitna ng garden, may table at dalawang upuan na nakaset. May mga plato na rin, may kandila pa! Tapos napansin ko na napapalibutan ng roses ang table. Niceee!!

Pinaupo nya ako, sya naman sa harap ko. May narinig akong nagpipiano, ang kaso.. 'di ko makita kung nasaan. o.O

Biglang may lumapit sa amin na lalaki. Tapos nag-serve na sya ng food. Ahw. This is so romantic. Waaa!! Babeee!! >_<

Nung nakaalis na yung lalaki hinawakan ni babe yung kamay ko. "Okay lang ba 'tong date na to?"

"Tinatanong pa ba yan? Waa! Ang ganda dito promise!!" 

Kumain muna kami, ang sarap ng pagkain. Yummy!

After namin kumain, nag-usap lang kami ng kung anu-ano. Grabe, namiss ko talaga sya. Sobraa!

"Babe, next time na aalis ka.. iinform mo lang ako okay?"

"Okay. Sorry kung hindi man lang ako nakapagpaalam sayo."

"Okay na yun.."

Tumayo sya tapos lumapit sa akin. May kinuha sya sa bulsa nya.. "necklace?"

Nag-smirk lang sya. Yung pendant ng necklace ay angel. Ang ganda, promise! Sinuot nya yun sa akin. 

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo." hinawakan ko yung pendant. "Angel?"

Nag-nod sya. "Naglalakad ako sa Paris ng makita ko yan sa  isang antique jewelry store. Ikaw yung naalala ko nung nakita ko yung pendant na angel." tapos he cupped my face, "kasi you're my angel."

Bakit ba-- napakasweet nya? Hindi ako makapagsalita. Niyakap ko lang sya. Naramdaman kong niyakap nya rin ako.

"Okay lang ba babe kung.. sa kwarto mo ako matutulog ngayong gabi? Namiss kasi talaga kita ng sobra eh." bigla akong namula. MATUTULOG SI BABE SA KWARTO KO? Pero i like the idea. Namiss ko rin sya sobra. Kaya lang.. makakapaglihim ako kay tita. Kakaguilty. >_<

"Okay lang.." wala naman kaming gagawing masama eh and I TRUST KISEOP.

Humarap sya sa akin ng nakangiti. Teka... "PARIS??"

Napahalakhak sya. AISHH. >_<

"Oo. Paris! May kinausap lang ako dun, isa sa mga business partners ng gang namin.." weh? Kinausap lang.. umabot na ng 4 days. Feeling ko hindi lang yun yung pinagawa sa kanya. "So, tara? Umuwi na tayo sa bahay natin."

Bahay natin ka dyan! >___<

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon