MY GANGSTA BOY [3]

15.9K 284 13
                                    

Ewan ko ba, pero inlove ako dito sa story na 'to! >__<"

MY GANGSTA BOY [3]

by: tiffanism

SUZY's POV:

Andito kami ngayon sa kusina. Nagluluto ako samantalang sya ay nakatingin lang sa akin. Wala lang, gusto ko lang syang ipagluto. Tsaka para may kasabay ako mag-dinner! Si Tita kasi sabi nya kumain na daw ako kasi nakakain na sya. >__<

Simple lang naman niluluto ko, corned beef! Eeh kasi naman, wala ng stock sa refrigerator. =___="

"Babee!! Gutom na ako!!" natawa ako bigla, pano ba naman kasi.. binabagsak nya yung baso sa mesa. Pero para sa akin, nacu-cute'an ako. Hihih! Para kasing bata. 

Nakakaiba nga eh.  Ang GANGSTER na tulad nya, may side na CHILDISH!? 

"Ito na po." nilapag ko naman na yung plato na may corned beef sa gitna ng mesa. Yun na lang ang kulang since may kanin at juice na.

Kakain na sana sya nun pero pinigilan ko..

"Pray muna tayo!" 

"Aahh. Okay." halatang napilitan lang. err :/

After ng prayer, kainan time! Ang lakas nya talagang kumain kahit kailan! Nakakagana tuloy kumain. Minsan pa nga nagsasalita sya kahit may pagkain pa sa bunganga nya. >__>

"Ang sarap mo talagang magluto babe!" inakbayan nya pa ako, kakatapos lang namin kumain at papunta na kami sa sala. Sasamahan nya na daw muna ako hangga't hindi pa umuuwi si Tita. 

"Duh? Eh corned beef lang naman yun 'no!" 

"Kahit na 'no!" pinisil nya pa pisngi ko. 

Sabay naman kaming umupo sa sofa, nakaakbay pa rin sya sa akin.

"Musta ang araw mo ngayon?"

Bigla akong napangiti. Agad kong kinwento sa kanya yung nangyari kanina. 

"Talaga?! So, does it mean pwede na natin sabihin sa buong school na tayo na? We don't need to act as if were strangers anymore na??"

Bigla akong nalungkot. Yeah, secret lang relationship namin sa school. Natatakot kasi ako kung anong mangyayari kapag nalaman ng school na kami na.

Napansin naman nya yun. "Babe, bakit ba ayaw mong ipaalam sa school na may relasyon tayo? Ayoko na magpanggap, nakakapagod na rin eh. Tsaka kung alam mo lang kung anong klaseng pagpipigil yung mga ginagawa ko hindi ka lang pansinin pag nagkakasalubong tayo sa school." tapos nilagay nya yung ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko. "Tell me, kinahihiya mo ba ako?"

My Gangsta BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon