Gayuma 6/6

25.8K 679 267
                                    

''KUMUSTA na ang sugat mo sa paa?'' tanong ko kay Amiel na nanonood ng tv sa salas.

''OK na. Hindi na makirot.''

''Mag-meryenda ka pala muna. Ipinaghanda kita ng tikoy at juice,'' sabay lapag ko ng mga foods sa harapan niya.

Napapikit ako nang dire-diretsong inumin niya ang juice. Malamang ilang sandali na lang at tatalab na ang gayuma.

Patawarin mo ako Amiel...Nagawa ko lamang ito dahil sa pagmamahal ko sayo...

Charot!

''Namie,'' tawag sa akin ni Amiel pagkatapos.

Kinabahan ako. Eto na siguro un!

''Ano yun, Amiel?''

''Mahal na mahal kita, Namie! Gusto kong sumama ka sa akin sa Manila.''

''M-mahal na mahal din kita at oo, sasama ako sayo!''

Ayiiieeee....! The gayuma works!!!

--------------------------------

AFTER 3 YEARS...

Heto ako, nakaharap sa salamin at naka-wedding gown.

Andito ako sa kwarto ni Amiel at ikakasal na ako sa kanya.

Napangiti ako nang makita kong nasa likod ko si Lola Veonsey.

''Apo patawarin mo ako...''

''Lola, bakit po kayo nahingi ng tawad?''

''Tungkol dun sa gayumang binigay ko sayo.''

''W-what about the gayuma, lola?'' kinakabahan na tanong ko.

''Maling bote ang naibigay ko sa'yo apo! Hindi gayuma ang naibigay ko kundi isang simpleng gamot lang..''

Napatayo ako. ''Imposible lola. Heto nga at ikakasal na kami..'' napaisip ako. ''Teka, kung di gayuma yung naibigay nyo it means mahal talaga ako ni Amiel!''

Labis ang saya ko matapos lumabas ng kwarto si lola. Mahal pala talaga ako ni Amiel kahit walang gayuma.

Papalabas na sana ako ng kwarto ni Amiel nang may napansin akong box sa ilalim ng kama ni Amiel. Out of curiosity, kinuha ko at binuksan ung box.

May nakita akong parang vodoo doll sa loob ng box at may pangalan ko pa ung manika.

Bigla akong nanlamig. Hindi ako pwedeng magkamali...

Ang manikang ito...Ibig sabihin, ginayuma ako ni Amiel!

Kaya pala bigla na lang akong nagkagusto sa kanya! Kaya pala patay na patay ako sa kanya! Kaya pala.!

Nang mga sandaling iyon, di ko alam ang gagawin ko...

W A K A S.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon