Gayuma 3/6

24.1K 488 104
                                    

''Ang unang sangkap ay buhok ng tikbalang!''

Nagulat ako sa unang sangkap pero quiet na lang ako baka kasi mapikon na sa akin si Lola Veonsey at di na ako tulungang gumawa ng mabisang gayuma para kay Amiel ko!

''Ikalawang sangkap...Kuko sa paa ng manananggal..''

Dyosme! Anubeyen mga sangkap ng gayuma ni lola! Ano naman kaya ang sunod?

''Ang pangatlo at huling sangkap ay ang dugo ng lalakeng gagayumahin..''

--------------------------------

KAYA naman andito ako sa kakahuyan at nang-ha-haunting ng tikbalang. May suot akong medalyon na ayon sa witchy-pedia ni Lola Veonsey ay suotin ko daw upang di ako masaktang ng mga bad spirits.

''Tikbalang Paulate! Yuhoo! Pakita kana, puh-lease!'' tawag ko.

Si Tikbalang Paulate ang kaibigang tikbalang ni Lola Veonsey.

Maya-maya nga ay biglang nag-amoy mapalot (amoy ng ihi), senyales na may tikbalang sa paligid.

Umatras ako at may tinamaan ang likod ko. Ang tikbalang! Pang-tao ang katawan nito na puno ng balahibo pero ang ulo nito ay sa kabayo.

''H-hi...'' Hindi ko malaman ang sasabihin. Ikaw kaya ang maka-face to face ng tikbalang, noh!

''Ano at binubulabog mo ako!'' Katakot voice niya, infernez!

''Naku pasensiya kana Tikbalang Paulate, ako nga pala si Namie. Apo ako ni Lola Veonsey, knowing mo siya, diba?''

''Plangak! Friendship ngaertz kamison!'' Ay, bading na tikbalang?

''Me kelangan ako sa'yo eh.''

''Anetch?''

''Kung pwede sanang makahingi ng buhok mo. Kailangan lang namin ni lola, please...'' pakiusap ko.

''Naku, naku! Needing mo kako ang hairlalu ketch? Oki, kung di ka lang apo hiking society ni Veonsey, wiz kita gives ng herlalu ko!''

Happy'ng-happy ako nang bigyan na niya ako ng buhok. After kong mag-thank you ay nagsimula na akong lumabas sa kakahuyan.

Hindi naman ako matatakutin sa mga ganyang bagay. Pap naging lola mo si Lola Veonsey, naku..Talagang mai-immune ka sa mga multo, maligno at mga aswang!

SOJU's Horror Collections (All Original)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant