Gayuma 4/6

23.3K 427 35
                                    

PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ako pwedeng magkamali. Pagaspas ng manananggal ang narinig ko. Pagkakataon nga naman.

Pero kailangan kong mag-ingat dahil mapanganib ang manananggal. Hindi ito katulad ng tikbalang na pwedeng kaibiganin.

Kailangan kong mahanap kung nasan ang kalahating katawan ng manananggal para makuhaan ko na siya ng kuko sa paa.

Naglibot ako sa kakahuyan. Alam ko, somewhere here ay makikita ko rin ang hinahanap ko.

At di nga ako nagkamali. Ayun ang ibabang bahagi ng manananggal.

Jackpot!

Mabilis pa sa kabayo na nilapitan ko ito at inilabas ko ang nail cutter sa kikay kit ko. Maingat kong pinutulan ng kuko ang mga daliri niya sa paa.

Infairness, Havaianas ang slipper na suot ng manananggal na itey.

Inilagay ko sa supot ang mga nakolektang kuko. Isang sangkap na lamang ang kulang- ang dugo ni Amiel!

Pero bukas na ko iyon poproblemahin. Antok na ako and I need my beauty rest!

--------------------------------

''GOOD morning bestfriend!''

Ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Amiel ang sumalubong sa akin the next morning.

Nag-aalmusal siya with my mudra and lola.

''Morning Amiel...'' Mahinhin kong bati.

''Ah Namie, nabanggit ko kay Amiel na may magandang batis dyan sa gubat. Gusto daw niyang puntahan. Samahan mo siya, huh,'' sabi sa akin ni Mama Lulai.

''Oo naman Mama. Sasamahan ko siya,'' at tumingin pa ako kay Amiel.

Haist, ang gwapo talaga ng bestfriend ko. Humanda ka! Malapit na kitang mapa-ibig Amiel.

--------------------------------

SA BATIS...

Parang bata na nagtatampisaw sa batis si Amiel habang ako ay nakaupo lang sa malaking bato habang pinapanood siya.

''Ang ganda naman dito, Namie! Halika, samahan mo ako!'' tuwang-tuwang turan ni Amiel.

''Wag na Amiel, may regla ako eh saka masaya na akong makitang masaya ka..''

''Tala--- Aray!''

Napatayo ako nang makita kong bigla natumba si Amiel at nang itinaas niya ang paa niya, kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa talampakan niya...

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon