ONLINE [3/3]

35.1K 880 244
                                    

Muling tumipa sa keyboard si Carl.

carl16: can i view ur cam too?

katrina09: ok,w8 lang magpapasexy lang aq pra xau

Napangiti siya. Jackpot, naisip ni Carl.

Agad niyang inaccept ang invitation nito. Pero napalitan ng kilabot ang excitement niya nang makita ang webcam nito.

Ang ka-chat niya pala ay isang malamig na bangkay. Puro dugo ang katawan nito. Tadtad ito ng saksak at talagang nakakadiri ang ginawang pagpatay dito!

At muli...Nag pop-up ang isang mensahe.

''Tulungan mo ako, may lalakeng pumasok sa bahay ko. Ginahasa niya ako...Ang sama-sama niya! Tulungan mo ako...Para mo nang awa...''

Tuluyan na siyang napasigaw nang makitang biglang nagbago ang username ni katrina09 at naging lonely_girl013 ito...

KINABUKASAN, nagtungo si Carl sa mga pulis. Hindi na kaya ng konsensiya niya ang NAGAWANG KASALANAN!

3 DAYS BEFORE...

Hirapan na gumapang ang babae papalapit sa computer niya. Kailangang humingi siya ng tulong.

Isang pagkakamali ang nagawa niya dahil ibinigay niya agad sa ka-chat na si Carl ang address niya.

Masakit ang katawan niya dahil sa ilang ulit siyang ginahasa nito.

Tulog na tulog pa si Carl nang tinignan niya ito kaya mabilis siyang nag-type sa computer: ''Tulungan mo ako, may lalakeng pumasok sa bahay ko. Ginahasa niya ako...Ang sama-sama niya! Tulungan mo ako...Para mo nang awa...''

At sinend na niya agad ito.

Pero nagulantang siya nang ma-realize na sa mismong YM Account ni Carl niya ito nai-send!

''Anong ginagawa mo?!!'' Napalingon siya sa nagsalita.

Si Carl. At gising na ito!

Papalapit na ito sa kanya habang hawak-hawak nito ang isang matalim na kutsilyo...

-------------------------------

A.N.

Na-gets nyo ba? Sori kung medyo magulo :))

Pasensya rin po kung hiwa-hiwalay o chop-chop ung bawat kwento. Cellphone lang kasi ang gamit ko sa pag-u-update.

Feel free to vote and comment. Gagawa ulet ako pag maraming vote at comment. Hehe..Takaw eh :))

Till next!

Tnx 4 reading.

-soju-

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon