Gayuma 5/6

23K 423 19
                                    

''ANONG nangyari sa'yo Amiel?!'' tarantang sabi ko nang nasa pampang na kami.

''N-nasugatan yata ako dun sa m-matulis na bato,'' namumutlang sagot niya. Oo nga pala, takot si Amiel sa dugo.

Malaki ang hiwa niya sa talampakan at napangiti ako sa nakikita kong dugo.

Pinapikit ko si Amiel upang di niya makita ang dugo. Agad ko namang inilabas ang botelyang hawak ko at isinahod iyon sa umaagos niyang dugo.

This is it!

Nakompleto ko na ang tatlong sangkap ng gayuma ng di man lang ako nahirapan. Bwuhahahaha!!!

--------------------------------

''LOLA, heto na po ang mga sangkap,'' at inabot ko ang buhok ng tikbalang, kuko sa paa ng manananggal at dugo ni Amiel kay Lola Veonsey.

''Magaling apo. Gagawin ko na ang gayuma, balikan mo ako dito sa kwarto makalipas ang isang oras,'' utos ni lola sa akin.

After ng longest one hour ay kinatok ko na si Lola Veonsey sa kanyang kwarto. Pero nakailang katok na ako pero di pa rin ako pinagbubuksan kaya i decided na pumasok na.

Anak ng---

Kaya naman pala di ako pinagbubuksan dahil sa nakahilata si Lola Veonsey at tulog na tulog pa!

''Lola! Andyan si Piolo Pascual!'' sigaw ko.

Dali-daling bumangon si Lola Veonsey. ''Asan? Asan si Papa P?!'' exxagerated na sabi ni lola.

''Joke lang lola. Akina na po yung gayuma.''

''Dyaske kang bata ka!'' Tumayo si lola at binuksan ang drawer ng mga potion niya at inabot sa akin ang isang botelya na may kulay pulang likido.

Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ko yun.

''Paano po ito gamitin lola?''

''Ihalo mo lamang ang laman ng boteng yan sa inumin ni Amiel at agad ka niyang iibigin. Paalala lang apo, maging handa ka sana sa mga mangyayari. Hangad ko ang kaligayahan mo apo,'' ani lola.

''Si lola, ang drama. Alam ko po lola at thank you po!'' Hinalikan ko sa pisngi si Lola bilang pasasalamat.

Nagtimpla ako ng orange juice at inilagay ko ang gayuma. Ipapainom ko ito kay Amiel!

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon