ONLINE [2/3]

34.8K 620 32
                                    

''Ulol mo, Carl! Wala akong time para i-good time ka,'' natatawang sagot sa kanya nito.

''Hindi nga. Seryoso ako Ken.''

''OK. Seryoso na ako Carl. Hindi ako yung nang go-goodtime sa'yo,'' seryoso na ring sagot ni Ken. ''Teka, ano bang nangyari sa pagcha-chat mo kagabi?'' Dugtong pa nito.

''May nag send kasi sa akin ng IM kagabi. Isang babae at humihingi siya sa akin ng tulong...''

NAGING palaisipan na sa kanya kung sino ang nagsend ng mensaheng iyon.

Natagpuan na lang niya ang sarili na hinihintay ang pag-oonline ni lonely_girl013. Hindi niya alam pero naku-curios siya kung sino talaga ito.

Hanggang sa may nag pop-up na IM sa screen niya.

From: katrina09

Message: care 2 chat?

Napa-isip siya. Mukhang hot, username pa lang. At nakipag-chat nga siya dito dahil napaka-ganda nito sa display picture nito.

carl16: ok. asl

katrina09: 15,f,qc. kw?

carl16: 16,m,qc rin

At nagpatuloy pa ang chat session nila at nakalimutan na niya si lonely_girl013.

katrina09: can i view ur cam

carl16: sure, w8 lng

Tumayo siya sandali at tinignan muna ang sarili sa salamin. Nang ma-satisfy sa ayos ng kanyang buhok ay bumalik na siya sa harap ng computer.

Huminga muna siya ng malalim bago cli-nick ang INVITE TO VIEW MY WEBCAM.

katrina09: cute mu pla

carl16: tnx, cn u giv ur address

Walang kiyeme namang binigay ng babae ang address nito.

carl16: alone kb ngaun xa haus neo

katrina09: yes

carl16: puntahn kta

katrina09: kaw bhala

Natigilan si Carl.

Para kasing nangyari na ito. Itong chat session na ito...Parang...Pamilyar.

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon