Gayuma 1/6

30.4K 501 35
                                    

GAYUMA

''BESTFRIEEEND!!!''

Malakas kong sigaw nang makita ko ang pagbaba ng bestfriend kong si Amiel sa bus.

Hi-nug ko siya.

Mahigpeeeet at may kasamang gigil.

Hay! Oo na, malamang katulad nyo rin ako na inlove sa inyong mga bestfriend!

''Ek ek ek! Sandali lang Namie...Di ako makahinga...'', tinapik pa niya ako sa braso ko.

Wala naman akong gusto noon kay Amiel pero after nung magkahiwalay kami pagkatapos ng graduation dun ko na-feel na i need and love him.

Oh diba?

Andito siya sa probinsya ko to have a vacation. Dyosko! One year lang kaming di nagkita pero lumevel-up na siya.

Umuulan sa yummyness ang BFF ko!

''Kumusta ang Maynila?'', tanong ko sa kanya nang nasa tricycle na kami.

''Ganun pa rin...Mukhang maganda nga dito sa Quezon Province ah!'', patingin-tingin pa si Amiel sa mga tanawing dinaraanan namin.

Sa Maynila kaming dalawa nag-aral pero umuwi rin ako dito sa Lucban, Quezon pagka graduate. Mas mura daw kasi ang college sa probinsya.

Tumigil sa tapat ng bahay namin yung tricycle. Konkreto ang bahay namin at two-storey pa. Bunga yan ng pagiging Japayuki ng ate ko.

Pagkababa namin ng tricycle ay sinalubong kami ng aking mudra na si Mama Lulai. Naka Maria Clara outfit pa ito. Bongga!

''Welcome! Welcome!'', sabay yakap ni Mama Lulai kay Amiel. Hinalik-halikan pa ang magka-bilang pisngi ng bestfriend ko.

Nang makita kong hahalikan ni Mama Lulai sa lips si Amiel ay mabilis kong hinila ang buhok ni Mama upang di matuloy ang paglapastangan nito sa lalakeng iniirog ko.

''Ma, behave...Akin yan eh. Gusto mo bang multuhin ka mamaya ni Papa?'', bulong ko kay Mama Lulai.

''Ay hindi. Behave na ako..Pasok na kayo, may konting salu-salo sa lamesa. May lechon, pancit, spaghetti, tapsilog, longsilog, tapalongsikalog!'', mahilo-hilo si Mama sa pagre-recite ng mga handa.

''Mukhang di nyo pinaghandaan ang pagdating ko ah.'', natatawang sabi ni Amiel.

''Tara na nga!'', yakag ko.

Tumugtog na ang banda na pang-fiesta na hi-nire pa namin bilang pang salubong sa kanya.

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon