Gayuma 2/6

25K 462 61
                                    

Pagpasok namin sa loob ay napasigaw sa takot si Amiel.

''Waaaaaaaah!!!'', sigaw much si Amiel.

''Bakit? Bakit!'', hindi ko alam kung bakit siya napasigaw.

''Namie...M-may multooo!'', sabay turo niya sa matandang babae na nasa rocking chair. Mahaba at kulay puti ang buhok nito.

Hinambalos ko sa batok si Amiel. ''Grabe ka ha, lola ko yan! Si Lola Veonsey! Di siya multo..''

''Akala ko kasi,.''

Biglang tumayo si Lola Veonsey. ''Anchaket naman magsalita ng kasama mo, apo! Tawagin ba akong multo? Makapag-laptop na nga lang sa kwarto. Mabuti pa yung mga ka-FB, Twitter, Tumblr, Wattpad at mga ka-chat ko di ako tinatawag na multo! Mga kabataan talaga o-o.!'', at tuloy-tuloy na um-enter si lola sa kwarto.

''Naku, dont mind Lola Veonsey. Masungit lang talaga yun..Tara, papakainin na kita sa loob.'', sabi ko kay Amiel.

''Anong ipapakain mo sa akin?''

''Eeeee...Hulaan mo..'' n_~____landee ko noh!

--------------------------------

Its 11 PM na...

Tulog na si Amiel.

Gora ako sa kwarto ni Lola Veonsey. Pagpasok ko nakita kong naka indian sit si lola at nag-memeditate.

Before I forget, isang albularya dito sa amin si lola. At di lang basta-basta albularya kundi isang mahusay na albularya!

Oo, totoo yan!

''Lola...Yuuhooo..''.

''Siya ba ang tinutukoy mong lalake, apo?'', tanong ni lola sabay mulat ng mata.

''Siya nga po. Si Amiel..'',umupo na rin ako sa harap ni lola.

''Desidido ka ba talagang gayumahin siya, Namie?'', tanong ni lola.

''Oo naman, lola. Papupuntahin ko ba naman yun dito kung hindi. Saka Lola Veonsey, trully, deeply, madly inlababetch aketch kay Amiel.''

''Handa ka bang harapin ang mga consequences oras na mapa-ibig mo sya gamit ang gayuma?''

''Yes! Yes! Lola naman, daming tanong. Sabihin nyo na ang mga sangkap ng gayuma.''

''Mahirap makuha ang tatlong sangkap at ikaw ang dapat ang kumuha ng mga iyon upang maging mabisa ang gayuma. Ready kana ba, Namie?'', tugon ni lola.

''Reydi na po!'', sagot ko.

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon