ONLINE [1/3]

43.3K 728 30
                                    

''ONLINE''

ALA-UNA na ng madaling araw pero walang puknat pa rin sa pag-cocomputer si Carl. Isang fourth year student.

Napangiti siya nang mapa-level 201 na niya ang brawler character niya sa RanOnline. Sa wakas, naungusan din niya ang kaklase at kaibigan na si Ken. May ipagyayabang na naman siya dito bukas.

Nag-log off na siya sa RanOnline.

Uumpisahan na naman niya ang pakikipag-chat sa YM. Hiling niya ay makakita siya ng babaeng ''game'' sa chatroom.

Lumabas sa bottom-right ng screen niya ang 253 EMAIL RECEIVED.

Hindi niya binigyang pansin iyon dahil alam niyang puro Facebook notifications lang yun.

Papasok na sana siya sa isang chatroom nang may nag pop-up na instant message sa kanya.

lonely_girl013 ang username.

Binasa niya ang message nito.

''Tulungan mo ako, may lalakeng pumasok sa bahay ko. Ginahasa niya ako...Ang sama-sama niya. Tulungan mo ako...Para mo nang awa...''

Napangiti siya sa nabasa.

''Walanghiya ka talaga, Ken. Ginugudtaym mo na naman ako!'' Naibulong niya sa sarili.

Cli-nose na niya ang window na iyon pero agad ding lumitaw ang mensaheng iyon.

Natigilan siya. Close ulit pero ang mensaheng iyon ay agad ding nagpa-pop-up!

Napag-desisyunan niyang mag-reply dito: ULOL KA KEN! DI MU AQ MATATAKOT ..HAHAHA. Sabay click sa Send.

Ilang minuto pa siyang naghintay. Walang reply mula kay ''lonely_girl013''.

Bigla siyang nakaramdam ng antok kaya napagdesisyunan na niyang patayin ang computer at matulog na.

KINABUKASAN, SA SCHOOL...

Agad na kinausap ni Carl si Ken. Ibinida niya dito na mas mataas na ang level niya sa naturang online game.

''Maaabutan ko din yun Carl. Level 201? Sisiw!'' Pagmamayabang pa sa kanya ni Ken.

Naalala bigla ni Carl ang nangyari kagabi.

''Nga pala, Ken. Ikaw ba yung nang-gudtaym sa akin sa chat?'' Tanong niya sa kaibigan.

Nakakunot ang noong sumagot si Ken. ''Huh? Anong gudtaym sa chat ang pinagsasabi mo?''

''Ako pa niloko mo, Ken. Tinatakot mo pa nga ako eh,'' aniya.

SOJU's Horror Collections (All Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon