Chapter Thirty

5.6K 101 8
                                    

Thank you so much for reading up to this part! Enjoy reading the remaining chapters, thank you. :)

Chapter 30: Final Chapter

---

LG'S POV

NAGISING na si Daddy kinabukasan mismo pagkatapos nya'ng atakihin. Pangatlong araw na nya ngayon dito at stable na ang kalagayan nya. Thank God. Sobrang putlang-putla nya at parang hinang-hina. Kaninang umaga, dumating si Ate kasama ang asawa nya. Halata na ang 'tyan nya ngayon. Pero hindi ko pa rin mapigilang hindi ma-badtrip.

Araw-araw dumadalaw si Winter dito pero hindi pa sila nag-aabot ni Ate kaya hindi pa nila alam na kami na ulit. Miss na miss ko na sya. Wala naman kasing ibang pwedeng magbabantay kay Daddy dahil hindi pwedeng magpuyat si Ate. Nakaka-uwi lang ako kapag may relatives na dumadalaw. Minsan sina Brio, Miguel at Jules ang nagbabantay pag wala ako.

Napilitan tuloy akong iwan si Winter sa kumpanya. Napapadalas ang tampuhan namin ngayon. Madalas ang mood swings ni Winter. Hindi ko alam kung bakit pero sana yung dahilan nun ay dahil buntis na sya. Haha.

I looked at my wrist watch and found out it was already four in the afternoon. Gising si Daddy at kausap si ate at David.

Someone knocked kaya pare-pareho kaming napatingin sa pinto.

Pumasok si Brio na naka-long sleeves pa. Galing pa siguro sya sa St. Paul's. Nagmano sya kay Daddy.

"Tito. Sorry po talaga sa nangyari. Hindi ko po sinasadya." Ngumiti si Daddy sa kanya.

Si Brio kasi ang huling naka-usap ni Daddy bago sya atakihin. At yung pinag-usapan nila si Mommy... tsss. She don't deserve to be called mommy.

"Wala na yun, Brio. Para na rin kitang anak. Medyo nabigla lang ako."

"Talaga po? Paano? Okay lang po sa inyo na pag-usapan na ulit natin sya?" Pabirong sabi ni Brio.

"Oo naman. Masaya kayang pag-usapan ang lovelife." Sabi ni Daddy. Tumawa silang pareho.

"Kapag po ba nagkita ulit kayo ng asawa nyo ngayon? Anong sasabihin nyo?" Tanong ni Brio at umupo sa may upuan sa gild.

Talagang nag-enjoy pa silang pag-usapan ang mommy ko ah? Si Ate rin nakikitawa kasama si David. Ako lang ang seryoso dito.

You can't blame me. Galit ako sa kanya. Iniwan nya kami eh.

"I will say hi to her. Kahit naman mapait ang nakaraan namin ni Cony, syempre sya pa rin ang asawa ko. Sya pa rin ang ina ng mga anak ko." Sabi ni Daddy.

"What if nandito pala sya, Tito? Anong mararamdaman nyo?" Tiningnan ko ang mukha ni Daddy at nagbago ang ekspresyon nya.

Lahat kami napatingin sa bumukas na pinto.

May pumasok doon na isang babaeng naka-wheel chair na may hawak na teddy bear. Hindi sya nakatingin sa amin... nakatingin sya sa teddy bear na hawak nya.

"Winter..." napatayo ako sa pagkaka-upo ko nang makita kong sya yung nagtutulak nung wheel chair. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi nya ako nginitian. Bumaling sya kay Brio.

"Surprise, Tito." Kalmadong sabi ni Brio at ngumiti.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napatingin ako kay Daddy na ngayon ay pinipilit bumangon. Tinulungan sya ni David hanggang maka-upo ng maayos sa kama.

"C-cornelia?" My dad called. Tinignan ko sya at halos manginig ang katawan nya sa gulat. Si Ate rin ay nakatulala sa babaeng naka-wheel chair.

Vengeance (COMPLETED)Where stories live. Discover now