Chapter Two

10.4K 158 5
                                    

Vengeance Chapter 2

Beautiful

---

NAKAKADIRI sya. Nakakahiya sa ibang tao yung ginawa nya! Anak ako ng may-ari ng bar na yun tapos... tapos sinukahan nya lang ako.

The fuck? Oo! Sinukahan ako ng babaeng yun. Nakaka-inis.

Pagkatapos nya akong halikan. Buti na lang humiwalay na sya sakin bago sya masuka... sa damit ko pa.

Kung alam nyo lang kung gaano ako kahiyang-hiya at kadiring-diri. Tapos nag-inarte pa yung maarte na yun. Sa sobrang daming nainom, hindi na kinayang umuwi. Ni hindi nga magawang maglakad. Ano ba namang klaseng pagpapabaya sa sarili 'yon? Love yourself first before others!

In the end, she's still my responsibility because I'm the only son of who owns this bar. I need to make sure that she was sent at home kung hindi, ako ang lagot. Wala akong alam sa kanya kundi 'Winter' ang pangalan nya na nalaman ko lang kay Erick. Nag-try ako magtanong sa kanya kung saan nakatira yung babaeng yun pero hindi nya alam.

Sinubukan ko rin na pakialaman ang cellphone nya para tawagan ang kung sino man ang nakakakilala sa kanya pero may password ang cellphone nya. Kaya 'no choice' ako kundi dalhin sya sa condo ko.

Hindi ko sya basta-basta pwedeng iwan sa bar dahil papagalitan ako ni Daddy.

And for goodness' sake?! Sa ilang taon kong pagtulong mag-manage ng bar na 'to. Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad ng babaeng 'yon.

Wag kayong mag-alala. Wala akong ginawang masama sa kanya. Ni hindi ko nga sya pinagnasaang galawin eh. I mean tinanggal ko lang yung upper clothes nya dahil may suka. Pero... asa pa kayo. Sa ingay nya na yan! Wala talagang tatagal sa kanya dahil ang sakit sa tenga ng boses nya.

Habang himbing na himbing sya'ng natutulog sa King sized bed ko... nandito naman ako sa balcony, nagkakape.

Kung sino man ang nakakakilala sa babaeng 'to sana lumabas na silang lahat.

"AHHHHHHH! Tulungan nyo ako!" Napatayo naman ako nang narinig ko sya'ng sumigaw ng malakas. Agad akong pumasok sa loob at hinarap sya. Ayoko talaga sa kanya kahit kailan!

"Hey! What's your prob-""

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sakin! Pinagsamantalahan mo ako! Papatay-"

"Can you please shut up for a minute! Napupuno na ako sayo!"

Tumahimik sya. Buti naman. Thank God dahil inis na talaga ako.

"Alam mo bang sinukahan mo ako kagabi ha?! Fuck shit! Nakakadiri ka! You're such an irresponsible girl. Wag ka nga'ng iinom kung hindi mo kaya. Wala akong kaalam-alam kung saan ang bahay mo kaya dito kita dinala. Buti nga nagmalasakit pa ako eh? Tapos ngayon pag-iisipan mo pa ako ng masama?! Baka nakakalimutan mong mas virgin pa ako kaysa sayo!" I said staight to the point. Ingay nya talaga grabe!.

"Bakit wala akong damit? Nasan yung T-shirt kong suot kagabi?" She asked.

"Ade ayun! Pina-laundry ko dahil napakadaming suka!"

Nakita ko naman syang humawak sa ulo nya. May hangover sya.

"Sumasakit ulo mo? Hangover?! Mas masakit ang ulo ko dahil sayo." I said na medyo iratado pa rin.

Bago ako lumabas ng kwarto ay hinagisan ko sya ng T-shirt ko.

"Pag-tyagaan mo na yan. Nahiya naman ako sayo eh. Baka isipin mo pang tinitingnan ko yang hinaharap mo."

Pagbalik ko ay nandun pa rin sya sa kama ko na medyo nakasandal na sa headboard ng kama. Nakasuot na sa kanya yung shirt na binigay ko. Aaminin kong sexy sya at maganda pero hindi sapat 'yon para maakit nya ako.

"Sir LG..."

"Just call me LG."

"Salamat, LG. Tsaka sorry din." She apologetically said.

"Buti naman na-realize mo na yung mga pinag-gagagawa mo kagabi. Eto na. Inumin mo na 'tong gamot na 'to para maka-uwi ka na. Makita ka pa dito ng Ate ko."

Inabot naman nya yung gamot.

"Kape nga oh..." she requested.

"Tsss." I just whispered. Lakas ng loob mag-demand ah. In the end, sumunod nalang ako. Kawawa naman sya. Iniwan lang ng boyfriend dahil hindi nasarapan sa kanya, halos magpatiwakal na.

Tss. Girls are crazy!

Habang nagtitimpla ako ng kape sa coffee maker ko, nag-ring ako phone ko.

"Oh, Ate."

"Nasan ka?"

"Sa condo, bakit?"

"Dito ko sa ground floor ng CM Tower. Paakyat na ako."

"Ha?!"

"Oo. Bakit?"

"Bakit ka pupunta dito?!"

"Bakit parang ayaw mo? May tinatago ka na naman dyan?"

"W-wala. Ah-h. Ano naman ang... ang itatago ko??!"

"Oh sya. Eto na ako sa elevator. Hintayin mo ako. Bye."

Then she hanged up.

Patay ako nito.

"Magtago ka." Salubong ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto.

"Kape ko? Asan?"

"SABI KO MAGTAGO KA!"

"Ha?"

"Nandito yung Ate ko! Bilisan mo."

Then I heard the doorbell rang.

"Ayan na!"

"Saan ako magtatago?! Kumalma ka nga! Ang sakit pa ng ulo ko."

"Dun sa walk in closet! Bilis. Wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi! Magtago ka na. Bubuksan ko na yung pinto."

Agad naman sya'ng tumayo.

Nagpunta na ako sa pinto para pagbuksan si Ate. Hayyy. Kahit kailan talaga ang mga babae, sakit sa ulo.

Nagtagal si Ate ng halos isang oras at kalahati sa unit ko. Hindi ko alam kung ano ang trip nya pero nanginain lang naman sya. Nung maubos nya yung stock sa ref ko, umalis na sya.

Sya ang pumalit kay Mama simula nung iwan nya kami na hanggang ngayon na hindi ko alam ang dahilan. Kundi dahil kay Ate, baka napariwara na ang buhay ko.

Pagka-alis nya, pumasok agad ako sa kwarto. Baka nagpakamatay na si Winter, hindi ko pa alam.

"Winter! Labas na. Wala na si Ate."

I called but no one answered.

"Winter!"

Kinabahan ako bigla kaya lumapit na ako sa walk in closet ko.

I opened it and just sigh heavily.

Binuhat ko sya at inilagay ulit sa kama ko. Nakatulog na sya sa loob ng closet.

Umupo ako sa edge ng kama at tinitigan sya.

Hindi na rin pala sya masama... I mean... she was more beautiful than my judgment on her last night.

Wala ako sa sariling napangiti na lang bigla.

Vengeance (COMPLETED)Where stories live. Discover now