Chapter Fourteen

4.6K 86 4
                                    

Vengeance Chapter 14

Date 

---

WINTER'S POV


"HOY Winter! Kanina ka pa nakangiti dyan." Darlene said, one of my co-nurses.

"Kayo na ba?", sabat naman ni Raven. Kanina pa kami nakatamabay dito sa nurse station. Naghihintay na lang kami ng signal ng psychiatrist para mag-monitor sa mga pasyente namin.

"Hindi. Ano ba kayo!" I said.

"Eh bakit ka nakangiti?", tanong ni Raven.

"Wala. May naalala lang ako." I smiled again. Naalala ko kasi yung... nagising ako dahil sa halik ni LG sakin. Sino ba namang hindi kikiligin noh? Sa mga ginagawa nya parang mahal nya talaga ako. Sa pagpapaalam pa lang nya kina Mama na liligawan nya ako halos umikot na yung pwet ko nun eh, tapos hinalikan pa nya ako.

Agad kong inalis sa utak ko yun.

"Alam na ba nya, sister?" Napatingin ako bigla kay Darlene sa sinabi nya.

"Hindi pa. Sasabihin ko naman eh. Humahanap lang ako nang pagkakataon. Natatakot kasi ako."

"Dapat masabi mo na kaagad sa kanya bago mo pa sya sagutin. Kung maaari nga, dapat bago ka pa mainlove sa kanya. Kaso sa nakikita ko ngayon, kasalukuyan ka nang nahuhulog. Hinihintay mo nalang na saluhin ka."

"Alam mo ang pwedeng mangyari, Darlene." I said.

"Nako, Winter. Sa lalong madaling panahon ayusin mo na yan. Baka ikaw ang maging talunan sa huli." Sabi ni Raven.

"Wag mo akong takutin! Bwisit na 'to." I said.

"Makipagkita ka na sa kanya." Darlene suggested. "Sabihin mo na sa kanya. Malay mo maintindihan nya?" She added.

"Pero-"

"Wait guys. CR lang ako." Paalam ni Raven.

Hinintay ko munang makalayo si Raven bago ko ituloy yung sasabihin ko. Alam nya lahat. Alam nila ni Darlene pero itong bagay na 'to, hindi.

"Pero baka bawiin nya yung pera, sister. Hindi ko na yun mababalik. Saan ako kukuha ng 250K?"

"Gaga ka kasi! Bakit mo 'to pinasok kung hindi mo kayang lumabas! Sana naisip mo na baka mainlove ka dun sa lalaki. Ano na gagawin mo? Lagot ka kay-"

Agad kong tinakpan ang bibig nya.

"Nilabag mo ang kaisa-isang rule!", mahina nya'ng sabi.

"Kilala mo si Atty. Luke Harrington, Darlene. Alam mo ang mga features nya. Mabait sya'ng tao. Madali nya akong pinagkatiwalaan."

"Yun ang pagkakamali nya. Ang nagtiwala sya sayo!"

"Para namang ang sama-sama ko na. Alam mo ang dahilan ko. Para 'to sa pamilya ko."

"Basta ayusin mo na yan. Natatakot na ako sa pwedeng mangyari sayo."

After our conversation, tinawag na kami para mag monitor.

Mga five-thirty ako lumabas. Paglabas ko nakita ko sya. He waved at me. I waved, too. Sumulyap ako kina Darlene at Raven. Umirap si Darlene, si Raven naman nagbuntong-hininga lang.

"Bye!"

"Winter," Darlene called me.

I waited for what she would say.

Vengeance (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora