Chapter Five

6.5K 122 3
                                    

Vengeance Chapter 5

Sleep Over

---

PAUWI na ako galing sa trabaho ko.

Maghapon akong walang focus dahil pa rin kay Winter. I appreciated her gift but it's not the reason why I'm pissed. I can't focus on my work because she saw me just wearing boxer shorts.

Napatingin ako sa harap ng St. Paul's Mental Hospital habang dumadaan sa Highway.

Teka... si... si Winter ba yun?

Lumagpas na ako at tumingin sa side mirror ng kotse ko. Oo nga, si Winter nga.

Nurse ba sya? Sa mental?!

Nag-U-turn ako para puntahan sya. Hininto ko ang kotse ko sa mismong harap nya. Sa nakikita ko, mukhang pauwi na sya at naghihintay sya ng sasakyan pauwi.

Her eyes were widened nang ma-realize nya na ako yun. I removed my eyeglasses at bigla sya'ng napa-atras. Nakita kong siniko sya nung kasama nya'ng babaeng nurse. Kung sino man sya, hindi sya ang importante ngayon.

"Sakay na!" I said.

Hindi sya umimik.

"Bingi ka? Sakay na!"

"B-bakit?"

"May sasabihin ako sayo."

"Wala sya'ng kasabay umuwi eh." She said pointing on the lady beside her.

Nagkatinginan sila nung kasama nya. Nag-usap, tapos narinig ko lang na nagpaalam si Winter. Nagpunta sya sa passenger's side tapos sumakay sa passenger's seat.

"Para saan yung mga yun?" I asked her.

"Ang alin ba?"

"Ang alin pa ba? Ade yung Penshoppe!"

"Pawnshop?", tiningnan ko sya ng masama. Bigla sya'ng ngumiti sa akin. Para sya'ng baliw. Oh! Mali. Baliw na sya!

"Joke lang. Just trying to make you smile. Mukha kasing masungit ka na naman."

"Hindi naman ako napangiti eh. Tsss."

"Para lang yun sa pag-aalaga at pagpapatuloy mo sakin. Thank you, LG." She looked at me with a sincere smile.

"Saan ba bahay mo?", I asked. Eh hindi ko naman talaga alam kung saan. Hindi naman pwedeng dalhin ko ulit sya sa condo ko. Consious na sya! Dapat na syang umuwi.

"Tapat ng DM Tower.", she answered.

"Ha? Taga dun ka lang?!"

"Oo."

"Fuck. Taga dun ka lang pala..."

Kung anu-ano pa dinanas ko, ganun lang pala sya kalapit. Almost one kilometer lang ang layo ng CM Tower sa DM Tower.

"Teka... nurse ka ba?"

"Yeah. Parang ganun. Pero Psychology talaga tinapos ko."

"Sa mental ka nagtatrabaho?!"

"Oo. Di pa ba obvious na sa St. Paul's mo nga ako nakita?"

"Sinisigawan mo ako?"

"Patayin kita? Ayan na. Dyan! Sa may red na gate."

Vengeance (COMPLETED)Where stories live. Discover now