Chapter Ten

5.1K 89 5
                                    

Vengeance Chapter 10

Too Careless


---


WINTER'S POV

Pinihit ko ang door knob ng pinto ng apartment ko nang mapansin kong bukas.

May tao? Sino?

Bigla akong kinabahan dahil sa pagkaka-alam ko, at tandang-tanda ko na ni-lock ko 'to kanina bago ako pumasok sa trabaho. Alas'syete na ng gabi. Na-late ako nang uwi dahil dalawang nurse ang absent ngayon. Dahil kailangan ko ng dagdag na kita para kay Papa, nag-OT na ako kahit dalawang oras lang.

Dahan-dahan akong pumasok sa bahay ko. Kinuha ko yung maliit na paso sa labas ng apartment ko para kung sakali mang may nakapasok nga, babasagin ko na ang ulo nya.

Pagdating ko sa may bandang sofa ng apartment, may napansin akong imahe ng isang lalaki. At base sa suot n'yang sapatos, kilala ko na sya. Hindi ako pwedeng magkamali.

Dahan-dahan akong lumalad papalapit hanggang sa makita nya ako.

"Oh? Bakit may dala ka pang paso?"

"Akala ko may magnanakaw na nakapasok eh. Ikaw lang pala." I put it down. "Bakit ka nga pala nandito? Paano ka nakapasok?" I asked him.

Tumawa sya bago sumagot. "Simple lang. Nakuha ko ang susi ng apartment mo sa paso sa gilid. Winter, kabisado ko na yan. Abogado ako at alam ko na ang mga taguan ng mga bagay-bagay."

"Bakit ka naglalasing? Ano na naman ba ang problema mo?", I asked him. Oo. Si LG. Nakaupo sya sa may maliit kong sofa habang may iniinom na beer in can na mukhang dala-dala nya.

"Wala. Umalis lang ako sa condo ko. Nandun si Ate tsaka yung gago nya'ng boyfriend."

Nagtaka naman ako. Bakit may pa-beer-beer pa sya kung yun lang ang dahilan.

"Bakit? May ginawa ka na naman sigurong ikagagalit nya?"

"Nagka-initan kami nung boyfriend nya at mas kinampihan nya yung demonyong yun. Sinong matinong ate ang gagawa nun? Ako ang kadugo nya pero mas pinili nya yung sira ulong yun."

Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya.

"Sino nagpasimula?", I asked.

"Sya."

"Talaga?!"

"Sinugod nya ako, Winter. Muntik na nya akong masuntok buti nalang dumating si ate!"

"Eh bakit ka ba nya sinugod?"

"Ewan ko dun! Wag na nga natin pag-usapan."

"Nan-trash talk ka na naman?" Tss. I can read it in his face. Tsaka dun sya magaling eh. Palibhasa abogado.

Hindi sya sumagot at pinagpatuloy lang ang pag-inom.

"Alam mo, LG. Di porket abogado ka, ikaw na lagi ang tama... na ikaw na lagi ang may kat'wiran. Walang taong perpekto. Minsan, kailangan ikaw ang mag-adjust para sa mga tao sa paligid mo." I explained in a way na hindi sya ma-ooffend dahil alam kong kapag kinontra ko ang gusto nya, hindi ako mananalo.

"So kinakampihan mo din sila?!" I sigh.

"Wala akong sinasabi, LG. Ang sakin lang, be sensitive. Isipin mo ang mararamdaman ng mga nasa paligid mo."

Bago ko pa matapos ang sinasabi ko, bigla nya'ng ibinato ang isang empty can na tumama sa sahig. Nagulat ako sa ginawa nya. Attitude?

"Ano bang problema mo?!" I yelled. Tumayo na ako. I faced the opposite direction and sigh. Pumikit muna ako ng madiin bago muling humarap sa kanya. Nakatingin pa rin sya na parang naiinis at parang hinihintay lang ang sasabihin ko.

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon