Chapter Twenty Two

3.8K 78 6
                                    

Vengeance Chapter 22

Strip

---

WINTER'S POV

SIMULA nung nasigawan ko si King sa labas nung inis na inis ako, hindi na talaga nya ako kinausap. Kapag nagpupunta ako ng Finance dept para maki-photo copy, wala nang sumasalubong sa akin paglabas palang ng elevator at inaabutan ako ng kape. Wala nang nanggugulo... wala nang King na nakaka-irita.

Naupo ako habang hinihintay kong matapos yung 50 copies na pino-photo copy ko. I put my hand on my forehead and close my eyes. Hindi ko alam kung bakit puyat na puyat ako lagi... natutulog naman ako kaagad pagka-uwi ko.

"Winter..." napadilat ako nang may tumawag sakin at tinapik ang balikat ko.

"Jace..."

"Okay ka lang?"

"Oo. Antok lang ako."

"Sa Saturday na yung event para kay Sir Luke..." He said. "Pwede bang ikaw na lang ang date ko?" Nagkamot sya nang ulo na parang nahihiya pa sa akin.

"O, sige ba." I said.

"Bakit... wala na yata yung buntot mo? Tumigil na ba? O hindi nya lang alam na nandito ka?"

"Alam nya. Sadyang hindi na nya ako pinapansin."

"Bakit?"

"Sinigawan ko sya nung nakaraang araw eh."

"Sinigawan mo? Bakit?"

"Nabalitaan mo ba yung video namin na kumakalat dito sa department nyo?"

"Video?"

"Obviously hindi mo alam. May video kami ni King na naghahalikan. Hindi mo na naabutan kasi napagalitan yung mga nagkakalat pa lalo. Dahil dun, pinatawag kami ni LG sa office nya."

"Naghahalikan kayo? Paano? Saan? Hindi ko yan alam ah?"

"Lasing ako nun at nasa bar ako. Hinalikan ko sya. Nung una akala ko hindi ko kakilala pero nung lumabas ako at sinundan nya ako, nakita kong si King pala yung hinalikan ko. Mas okay pa nga'ng hindi ko nalang kakilala eh... nakaka-inis lang nung nalaman kong si King yun. Tapos pinatawag kami ni LG."

"Sinabi ba si Sir Luke na lumayo si Kung sayo kaya sya ganyan?"

"Hindi..."

"Eh bakit hindi ka na ginagambala nang kumag na yun? Sumuko na sya?"

"Nasigawan ko nga sya sa sobrang inis ko. Hindi sa sinisisi ko sya dahil dun sa video dahil wala namang may gusto nun. Sadyang nainis na ako. Pati kasi sa labas ng Cornelia, ginagambala nya akong para syang ligaw na kaluluwa. Kaya sabi ko sa kanya back off."

"Ang hard mo naman!"

"Alam mo?..." I looked at him. "Dati pareho tayong inis na inis kay King. Ngayon hindi na nya ako pinapansin, parang nalulungkot ka pa." I said sarcastically.

He just laugh. Saktong natapos na ako nun sa ginagawa ko, nagpaalam ako kay Jace at bumalik na sa 19th floor.

Pagbalik ko sa table ko, may nakita akong coffee. Akala ko galing kay King pero nung nabasa ko yung nakadikit sa sticky notes, na-realize kong hindi sa kanya galing...

"I'm still waiting for your answer. The deadline will be tomorrow. Go to my office before going home."

May signature over printed name pa.

Vengeance (COMPLETED)Where stories live. Discover now