Chapter Twenty Three

4.1K 85 10
                                    

Warning! SPG. Language, Violence and Sex.


Chapter 23

---

TULAD ng sinabi nang sira ulo kong boss, maaga akong pumasok. Pagdating ko sa office nya, nandun na yung sinasabi nya'ng table. No choice kaming pareho. Magsasama kami sa iisang office for their business' sake. Wala naman kasi talagang secretary si Sir Greg noon kaya walang specific space or small room or office para sa secretary. Magto-two weeks na sya dito... masabi lang siguro na may secretary sya kaya kinuha nya ako eh.

At dahil desperada akong magkapera... what the f? Ganun talaga. Kailangan kong makisama sa mga trip nya. Kailangan tatagan ko dahil sigurado akong mauulit pa yung mga ka-ulolan nya tulad nang ginawa nya kagabi. Pinagpapasensyahan ko sya dahil sya ang boss ko. Sya ang nagpapasweldo sakin. Sya ang dahilan kung bakit nabubuhay ko ang pamilya ko.

Sa susunod na dalawang buwan, magpapa-confine si papa kaya kailangan kong mag-ipon. Si Yvanne, mas lalong dumadami ang gastos sa school. Lalo na siguro pag naging grade 10 completer na sya at magse-senior high school. Mas mabigat. At ayoko namang hindi sya makapag-college.

Inayos ko ang gamit ko sa table na nakahanda para sa akin. Alas'syete pa lang ng umaga, inaantok pa ako. Dati kasi, 8:30 ang pasok ko. Tapos hindi rin ako pwedeng umuwi hanggang di umuuwi si LG.

After organizing my table, I proceed to LG's table for the files. Nagsimula na akong ayusin yun tulad ng sinabi nya kahapon. Actually marami yun. Tantya kong nasa 200 plus na folders. Tiningan ko kung ano yung laman. Puro financial reports ng buong kumpanya at nalulula ako sa mga numerong maraming zero.

Kahit airconditioned ang buong office, pinagpawisan pa rin ako sa sobrang pagod at stress doon. Nang mga 15 pieces nalang ang folders, dumating si LG. He's wearing a coat ang tie. Seryoso ang mukha nya.

"Good morning, Sir." I greeted him. Tumingin ako sa relo ko. It's nine in the morning.

Hindi nya ako pinansin at deretsong naupo sa swivel chair nya nang hindi nagsasalita.

Nang matapos ako ay agad akong nagpunta sa table ko para i-check yung schedule nya for today na nakalagay na sa table ko pagpasok.

"Ah. Sir. Excuse me." I spoke. Agad naman sya'ng humarap sa akin at suot na naman nya yung nagmumura nya'ng salamin. "May meeting po kayo with Mr. Jake Calim ng Western Furnitures mamayang 10AM. May 1 hour pa po kayo para makapag-prepare or makapag-relax." I said.

"Natapos mo na ba yung mga pinapagawa ko sayo?"

"Opo sir. Kakatapos lang."

"I want a coffee. Buy me outside." He commanded.

"Anong kape po sir?" I asked at tumayo na.

"Kahit ano. Basta kape."

I proceed to the elevator at binili sya sa labas. Inis na inis nga ako dahil mainit.

Pagbalik ko dala-dala yung kape nya, naabutan ko sya'ng tinitingnan yung mga inayos ko. Kinabahan tuloy ako.

"Sir, eto na po yung kape nyo." I put it on his table.

"Bakit ganito 'to?" He asked looking at me and look again to the files.

"Bakit po sir?" I asked. Mukhang maayos naman yun ah?.

"Halo-halo 'to Winter. Dapat sunod-sunod 'to ayon sa dates. Paano kung may hinahanap ako? Bubuklatin ko pa 'to lahat para lang makita?! Ayusin mo 'to! From latest to oldest. Bilisan mo."

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon