Chapter Twenty Five

4.5K 87 11
                                    

Chapter 25

---

INANGAT ko ang gown ko na nakasayad sa sahig ng mansyon nila LG para makalakad ng maayos.

Napilitan akong sumunod sa kanya paakyat. Habang naglalakad ako sa second floor, nakita ko sya'ng nakasandal sa isang pinto at nakatingin sa akin.

"Bakit kailangan ko pang sumama sa'yo? Magbibihis ka lang diba?" I asked.

"Gusto ko. Bakit ba?" He just said. He opened the door and walk inside. I did the same.

Pagpasok ko, namangha kaagad ako. Ngayon ko lang narealize na sobrang yaman pala talaga nila. Ito siguro ang kwarto nya. Ang laki para lang maging kwarto. Mas malaki pa sa kabuoan ng apartment ko.

Lahat ng gamit halos kulay blue lahat. Mula sa pintura ng wall, seiling, curtains, bed sheets, side table, lamp shade, carpet at kahit pinto ng CR kulay blue. Sigurado, sa loob ng CR nya, kulay blue din lahat.

Wala naman akong nagawa kundi ang ma-starstruck. Bedroom goals 'to eh.

While criticizing the whole room, my eyes caught him. Sinisimulan na nya'ng tanggalin yung mga butones ng long sleeves nya.

He caught me looking on his body so I looked away. Tss.

"I'll take a shower. Dyan ka lang." He said and enter the bathroom.

Luminga-linga pa ako nang mapansin ko ang tatlong tuxedo na nakasabit sa kanyang wall. Isang kulay black, grey at dark blue. Isa siguro dyan yung isusuot nya.

May malaking salamin sa gilid ng kama. Full body 'yon. I stand and looked at myself.

Napangiti ako kasi never pa akong nakapagbihis ng ganito ka-bongga sa buong buhay ko. Hindi kaya mangati ako sa mga kumikinang na mga alahas na nakasabit sa leeg, pulso at tenga ko? Suguradong mahal 'tong mga 'to. I turned around and look at my back. Just wondering kung kita ba yung mga latay ko. Si Marbie ang nagsuot sakin nito kanina. Himala, wala sya'ng tinanong eh siguradong nakita nya 'to.

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako nang nagsalita si LG. Nasa pintuan sya ng CR, and. Damn! What the fuck?! Nakatapis lang sya ng kulay blue na twalya. Tapos na kaagad sya? Wala pang five minutes yun ah?

"W-wala. Ah. T-tinitingnan ko lang k-kung ano itsura ko..." nanginginig kong sabi.

Naglakad sya papalapit sa akin.

Zeus! Kunin mo na ang anak mo! I can't take it anymore. Masyado sya'ng shinning shimmering sa paningin ko! Nasisilaw ako sa katawan nya! Sa ilang buwan naming di pagkikita, mukhang mas lalong na-form ang biceps, broad chest at abs nya'ng may maliliit pa na drops ng tubig.

"Winter!"

"Po?!" Nagising ako bigla.

"Okay ka lang ba?"

"Opo sir. Sorry."

Nilagpasan nya ako at dumiretso sa isang double door.

Ow? Walk in closet pala... hamak mas malaki yun sa walk in closet na nasa condo nya.

Tiningnan ko lang sya'ng pumasok doon at sinarado.

Nakahinga ako ng maluwag. Nanatili ako sa harap ng salamin nang biglang bumukas ulit yung pinto ng closet.

Nanlaki ang mata ko nang naka-boxer lang sya.

"Bakit?" He asked nang mapansin ang pantitig ko. "Naaakit ba kita?" He smiled.

Vengeance (COMPLETED)Where stories live. Discover now